Ang Cool na Bading
(Dear Ate Sienna Isyu 6, July 18, 2002)
“Stop making the same old stupid mistakes and start making new ones.”
Touch naman ako.. ang dami-daming sumulat sa akin - lima! (Boploks! Kung kulang ka sa pansin na katulad ko, napakarami na ng lima, no!) Teynk yu sa inyong lahat na nag-palipas ng oras na sulatan ako.
Speaking of sulat, may nag-email sa akin ng problema nya tungkol sa kanyang dyowa pero hindi ko alam kung seryoso sya o hindi. Parang tutuo pero parang hindi. Gusto ko sanang seryosohin pero afreyd akong sabihan ako ng “gunggong, sineryus mo naman ako!”. (Sa idad kong ito, ayoko nang magmukhang tanga) Pero kung seryus naman sya at binakla ko sya, baka naman ma-offend. Kaya, Lenny, kung nababasa mo ito, email mo ako ulit at sabihin mo sa akin na seryus ka nga, hane?
O sya.. eto na yung limang naaliw ulit ng pansitan.com
dear ate sienna,
maganda at nakakatuwa ang iyong websayt. salamat at napangiti mo ako ngayong araw na ito gamit ang iyong mga kuwento. sana pagpatuloy mo yan, at hihintayin ko ang sunod na kabanata. magandang serbisyo yan lalo na sa mga pinoy dito sa amerika na naghahanap ng mga kuwentong pwuede silang maka relate.
matt bordey
freelance graphic designer
P.S. kakabasa ko lang na taga amerika ka din. hehehe. pero oks lang. maganda parin ang mga kuwento mo.
Dear Matt,
Alam mo, kuya, ang ganda ng apelyido mo. Tunog foreigner kasi ang name-sung mo eh. (May lahing instik ka ba?) Salamat at relate na relate ka sa mga pinagsususulat ko. Ako rin, relate na relate kasi puro ka-relate ko ang mga sinusulat ko eh (hehehe).
Sana balik ka ng balik ha (kahit na minsan eh inaamag na ako bago ako magpalit ng laman ng website.)
Ate Sienna
hi, ate sienna!
i am so amazed by your website. your concept is captivating, it makes one (from wherever they are) feel like going home right away, and be with their families …. and i love the way you write! i can almost imagine you speaking… cool na bading ang dating! hehe nasa opis lang ako dito sa makati pero gusto ko na umuwi kaagad, humalik ke mama (accent on the last “ma”), kumain ng pansit canton while nood tv. haaaay… kakaloka!
from now on, i’ll visit pansitan everyday. more power, lola!
reggie
Hi, Reggie!
Ako rin, go home na go home na ang byuti ko at feel ko nang makasama ang aking mga pamangkin na sina Popoy at Mokong. Pero super layo ng ‘Pinas para mag-go-home ako ng ganun-ganun lang eynitaym I want! Pero alam mo, true ka dyan, sabi nga ng mga friendships ko bading na bading daw akong mag-spluk kahit sa true to life Star Drama Series ko. Eh ano naman ang magagawa ko? Ine-emulate ko lang naman ang aking mga sisterakang minchang na girlashes dahil true sila sa mga self nila. Cool sila, diba?
Sige.. visit mo lagi ang pansitan pero ‘wag naman sa opis mo. Kapag nahuli ka ng bossing mo, hindi ko fault yon. Kamusta mo na lang ako sa iyong mama habang nakain ka ng pansit.
Ate Sienna
halu! la lang.natuwa lang ako sa pansitan mo! sama mo na ako sa meyling list mo.
xef
Join na kita sa meyling list ko! Bongga, diba???
hi! nabasa ko na 5th edition ng pansitan.com…. my hubby and i want to thank you for featuring our site… it made us really proud dahil may nakapansin sa labor of love namin… i’m so sorry ngayon lang ako nakapag-email sa yo, ngayon ko rin lang kasi nakita yung updates sa site mo.. i just got back to work from 2 1/2 months maternity leave. I gave birth last March 4. thanks again.
steph (rey & CK)
Hello, Steph!
Congratulations sa inyo ni Rey. Hindi mo nasabi kung girlash o boylet ang iyong beybi. Aym syur, ang inyong bundle of joy eh true na nagpapaligaya at nagpapagaan ng inyong araw at gabi. Ihalik mo na lang ang kaniyang Tita Sienna sa kanya. (Sa inyong bebi ha… hindi kay Rey. Joke lang.)
Pinsang Sienna,
Gulat ka no… ende kita pinsan pero yan ang nakalakaran naming tawagan doon sa Batangas at sa Varsitarian. Tawag ko na din sa yo kasi mas matanda ako sa yo kaya di bagay ang Ate ( pronounced na maragsa aksent sa last silabol na ‘te). Bumabati ako sa yo at kay Andres mo mula dito sa pagkainit init na gitnang silangan dito Riyadh na kapitolyo ng Saudi. Gleng ng websayt mo at ngayon lang ako natuwa ng husto sa mga nabisita kong personal websayts. Sabagay, napakadalang kong gumamit ng net ende katulad mo. SA opis namin kasi 2 kaya naman pasulpot-sulpot lang. Ende pedeng sa bahay kasi maluluyukan ako ng gastos, kamahal kasi ng bayad sa subscription ng internet d2.
Eniway, hindi ko na pakakahabaan ang ulat na to at nasabi ko na ang gusto ko, ano pa e di ang galing ng websayt mo.
Hanggang sa susunod na sulat.
Regards pati kina itang at inang.
Warren Bascoguin
San Jose, Batangas (pag umuuwi at nagbabakasyon)
Riyadh (ang pinaghahanpan ng pambuhay sa pamilya)
Pinsang Warren,
Emen sa iyo, ‘insan. (Kahit hindi kita talagang kamag-anakan!) Katulad nga ng lagi kong sinasabi, kayong mga kapwa Pilipinong nasa ibang bansa (Overseas Filipino Workers) ang makabagong mga bayani ng bansa. Kung hindi dahil sa inyo, malamang na namatay na ang naghihingalong ekonomiya ng Pilipins. Malaki ang inyong tinitiis para lamang mapaunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya. At dahil dyan, lagi ko kayong sasaluduhan.
Regards sa pamilya mo at salamat sa pagbisita mo sa pansitan.com
Pinsang Sienna
pwede po bang malaman ang email address ni dra. margie holmes?? thanks!
troy
Hay naku, troy! Pinahirapan mo ang ate mong maghanap ng email ni Dr. Holmes ha! Teynk yu mo ako kasi eto at nakita ko:drholmes@geocities.com. Nawa’y makatulong sa iyo ang information na ito.
Ate Sienna
Bueno, babu muna sa lahat. Maraming salamat ulit sa lahat ng sumulat at sa mga hindi pa sumusulat, join na kayo! Intayin ko ang i-meyl nio!
Sayonara, carbonara!
From your ever loving,
Ate Sienna
(Ang Joyce Jimenez ng Scorpio Frights 2)


