Nakakabaliw!
(Dear Ate Sienna Isyu 9, January 26, 2003)
Kakatuwa po kamo kapag nakaka-resib ako ng mga elektrik meyl galing sa mga napapadalaw sa Pansitan natin. Merong nakakaaliw, nakakagiliw, merong nakaka-gulat at merong nababaliw ako dahil hindi ko alam kung ano ang ibig nyang iparating sa akin.
Purbahan ninyo na lang ito. Nakakaaliw:
gandang araw (gabi? wat-iver) ate sienna, talaga naman nanakabaliw itong sayt mo. lnirekomenda ito sa akin ng isang fren sa saudi na mukhang nag-babad din dito sa pansitan, puntahan ko daw at ng maaliw naman daw ako…totoo pala, nakakalokah talaga, lalo na ang iyong alalay na si bebe….nakaka-aliw din ang yung mga pananaw at mga kuwento mo tungkol sayong mga labwans…may jowa na ba si gringo…pakilala mo kaya ako?;)
o sige, sulat ulti ako, tatausin ko pa ang paglalamyerda dito sa pansitan mo.
yur nyu fan,
Andang
Direst Andang,
Magandang wat-eyber din sa iyo. Salamat sa iyo at sa iyong frenship bond (na nakalimutan mong ibigay sa akin ang pangalan) sa inyong patuloy na pagdalaw sa Pansitan. Kung hindi ako nagkakamali, eh parang katsika ata lagi ni Be-be (aksent on da las Be) ang iyong frenship. Boylet ba ang iyong pren? Kung boylet sya, sya nga yung laging kaututang-dila ng aking dyulalay.
Teka, sino kayang ‘Gringo’ ang iyong tinutukoy? Nung una kong basa akala ko si Honasan pero kamtutinkopwit, wala ka naman sigurong keber dun kaya naisip ko.. ah.. baka RINGO. Ang kapatid kong baliw. Hindi ko alam kung may dyowa na sya, eh. Pero ang tsismaks sa akin ng kapatid naming si Greta, panay na naman daw ang labas at panay ang text sa selpown nya. Kaya palagay namin, may dinidigahan na naman. Pero hayaan mo, lagi namang basted yun, eh. Kapag nagkahiwalay na naman sila nung girlet na ka-text-mate nya, susulatan kita, hokey?
Yors por-eyber,
Ate Sienna (ang Joyce Jimenez ng mga taga-Saudi)
Eto naman ang isang nakaka-giliw:
wala laang po. gusto ko laang po sana itanong kung ikaw ga yung si ate sienna sa batibot?
maraming salamat po.
lubos na gumagalang,
GiHL na Mukhang Tuko pero Pogi sabi nang inay
Dir GiHLLL NMTPPSNI,
Sana nga, ako na lang yun para atlis naranasan kong mapunta sa Ti-Bi. Pero naisin ko man, hindi ako pwedeng magpanggap - hindi ako yun! Ate Sienna lang ako ng mga kaibigan kong pwedeng pang-batibot kasi utak-batibot. (hehehe, hello sa mga prenships!)
Pero sana kahit hindi ako yun, eh dalaw-dalawin mo sana kami ng mas madalas. Aym syur hindi mo na rin mami-miss ang batibot kasi ang alalay ko na si Be-be (aksent on da last Be) eh marunong magbaging yan, parang si Kikong Matsing.
Lubos na iyong pinakilig,
Ate Sienna (ang Joyce Jimenez ng Pansitang-Batibot)
Eto naman nakaka-loka!
PADALHAN MO KO NANG PANCIT MALBON TULAD NI JOYCE AT MERON DIN AKONG PADADALA SA YO OK? SANA WAG MONG KALIMUTAN ANG HUBAD NA PICTURE NI JOYCE
Dir Raul Calma,
Naloka ako sa’yo. Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihing pancit malabon na tulad ni Joyce. Ano ba yun, pancit malabon na nakalagay sa bilaong korteng katawan ni Joyce, o pancit malabon na ang noodles eh kakorte ni Joyce, o baka naman pancit malabon na ginaya sa mukha ni Joyce. Kung naloka ako dun, wag mo na akong padalhan ng kahit na ano at ayokong malaman pa kung ano ang ibibigay mo. Nakakaloka!
Atsaka wala akong fikshur ng hubad na Joyce. Kung gusto mo nun, palagay ko makaka-dawnlowd ka nun sa internet. Kapag nalaman mo kung anong site meron nun, pakisabi sa akin at isusumbong ko kay Joyce. (Aym syur, wa sya knowing ng site na yun.)
Kinilabutan sa’yo,
Ate Sienna (Ang Joyce Jimenez na naka-balot)
Eto nakakatawa:
Dear Ate Sienna,
Laking tuwa ko nung bigla akong napadpad sa pansitan mo. Nang masilayan ko ang pix ng chocnut at Shaun Cassidy, bigla ko naisip - ay, websayt after my own heart! Mega-LOL ako sa mga istori mo. Aliw din ako sa super jolalay mong di Bebe (aksent on the last be). Ang galing mo talaga, ate (nambola pa).
All along, wishing ako sa pagkaknowing na generation jologs pala akesh! You learn something new everyday, ika nga. Tandang tanda ko pa ate ang apat na sikat na siya kong masugid na sinubaybayan ang kanilang lingguhang radio show. Pero, ateng na jokray-jokray ang beauty ko sa kakaesepesep kung sino na nga ba ang D’Sensation. Sila baga ang nakatatandang apat na sikat? O ang nakababatang apat na sikatlet na kinabibilangan nila Gemma Mata+Boyet Orca and Nancy delos Santos+ ang kanyang kalabteem na wishing ko na maalala. (I’ve just proven ang ka-jologs-an ko, but I digress).
Ate, plis helps mi awt! Feeling ‘what’s the name of that song?*’ akesh. Mag-i-standing waiting ako sa iyong kasagutan. Salamat sa atensyon mo**.
Nagmamahal,
Girlie
(kirida ni Buboy***, as in!)
* salamat sa sesame street
** salamat sa eraserheads
*** indi si Buboy na anak ni Aling Kuring ha. di lasenggo ang Buboy ko — slight lang.
Der Girlie,
Hindi ko maalala kung nasagot ko na ang iyong i-meyl. Kung hindi pa, pasensya ka na. Eto ata yung mga panahong umiikot ang tumbong ko ng kakabalik-balik sa Jameyrika at Kaneyda kaya ma-dyilo-dyilo ako sa kakaayos ng mga imeyl ko. Pero ika nga, huli man daw at magaling, kulelat pa rin…
Hehehe, salamat sa iyong sulat. Ayun, awa ng Dyos, ang aking por-eyber lab na si Andres eh may kopya pala ng unang-unang album ni Shaun Cassidy na nadiskubre ko lang kelan lang nung nag-kakahon na kami ng mga gamit namin. Baket meron sya? Wala lang daw, dahil tawang-tawa sya. Hmp! Tawanan ba ang may lab natin???
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang ka-jologsan. Aba, hindi kahiya-hiyang aminin na alam na alam mo ang mga jologs facts na yun dahil parte yun ng iyong kabataan. (Si Eddie “Boy” Villamayor na kapatid ni Ate Guy ang katambal ata ni Nancy delos Santos at and D’Sensation ang unang-unang That’s Entertainment ng panahon ni Ate Vi, Kuya Bobot, Espie Fabon, Perla Adea, Romeo Miranda at kund sinex-sinex pa sila. Si Tony Santos, Sr. pa nga ata ang Direktor nito.)
Ayan, Girlie, kirida ni Buboy na hindi anak ni Aling Kuring at slight lang na manginginom, nawa’y matagal ka man na naghintay eh sulit naman ang aking mga kasagutan sa mga jologs questions mo. Nawa’y mapagpasensyahan mo muli ang aking pagiging Snooky (pagong) sa pagsagot ng iyong leyter. At lagi ka sanang dadalaw pa rin kahit wala na ang Chocnut at si Shaun Cassidy sa layout ng Pansitan.
Humihingi ng paumanhin,
Ate Sienna (Ang Joyce Jimenez ng Dekada 70)
O ayan, hanggang sa muli, mga prenship bonds!


