Por Layf!
(Dear Ate Sienna Isyu 8, October 11, 2002)
Bago ang luma, manghihingi lang ako ng paumanhin sa mga prenships. Medyo nabinbin na ng husto ang pag-sagot ko ng mga elektrik meyl ng mga sumusulat sa inyong Ate Sienna. Bukod pa dun, yung mga sulat na natanggap ko nung ako’y nasa Kaneyda eh hindi ko na-i-forward dito sa Jameyrika. Kaya sorry-sorry-sorry talaga kung sumulat kayo at hindi ko sya masasagot. Padala nyo na lang ulit, hane? Alam ko, nakakayamot isulat ang nasulat na. Pero sana’y huwag nyo naman akong okrayin. Tao lang po ako.. hampaslupa nga lang pero tao pa rin. Pangako, hindi na mauulit. Pramis talaga!
Isa na sa talagang humihingi ako ng sorry eh dito kay Mayo at kay Annie ng nakakalukring na websayt na “Baks en Manetch”.
ate siennaaa~!!!!
asan na ang mga kasagutan sa mga katanungan ko na matagal ng bumabagabag sa aking kokote? napanis na ateeeee!!! hehehehh bueno..oks lang yun! lam ko namang busy ka sa paglalagalag sa kung saan-saang bansa.. salamat na din at naisiwalat ko ang laman ng aking dibdib(meron ba?) sa email ko sayo at naging oks na oks ang feeling ko sa ngayon ate…meron na me ka lab apeyr na bago (kiligzz!) sana sya na maging jowa ko por lyf..labs na labs ko sya ate…(weeeeeeeeeeee~!!!!!) chikahan tayo next tym ha! sana abelabel ka na nun…parang awa….
Dear Mayo,
Sa true lang ha, di ko na ma-sight ang i-meyl nyo. Mistulang pinadala sa kartero yan at nawalang parang bula dahil may lamang dollars sa loob! Anubayan.. pero finablish ko na lang dito ang nilagay ni Mayo sa board kaya, wag ka nang ma-engri, darleng. Tungkol naman sa iyong naguumusbong na lablayf, i-pre-pray ober ko na sana eh maging winner ka na nga ngayon. Labs na labs mo ba talaga? Ang tanong dyan, sigurado ka bang nung sinagot mo sya eh wala ka sa impluwensya ng isang bote mong San Miguel Beer Lite? Bweno, nawa’y yumabong pa ang inyong pag-iibigan. Teka, ano nga pala pangalan ni laberboy? Hindi kaya sya yung nakikita ko sa Baguio na nagtitinda ng ukay-ukay?
Naghihintay pa rin sa kartero,
Ate Sienna
ate sienna!!! hello po..!! dis is ur #10 pan!! hehehe wla lng.! i lab ur sayt! nakakatawa at nakakaaliw, lalo na’t bakasyon kmi ngayon at wla akong magwa sa buhay ko.!
pers taym ko p lng ngayon, (so be gentle…) ekkk? huh? lol wla lng keep up d gud work! naku po pagkakalat ko to sa buong sydney! pinakagusto ko pa pag nag re reminisce ka tungkol sa buhay sa pilipinas..! grabe..nostalgia trip tuloy ako ngayon buong hapon!! arrrghh! gus2 ko uling maligo sa ulan ng nka shorts lng!! hehehe newayz ang haba n nire! i’ll b back n lng..! maglilinis pa ko ng bahay..eheh.! love ur sayt uli
-eRiKa-
Dear Erika,
Nakarating na pala ang pansitan.com sa Sydney. Akala ko kasi puro pangangarera ng kangaroo ang opisyo ng mga tao dyan (hehehe, biro lang :). Pero sa true lang, masarap naman talagang mag-reminisce ng buhay sa ‘pinas. Kung pwede nga lang na buwan-buwan eh umuwi, gagawin ko talaga. (Siguro kung makakuha ako ng sarili kong eroplano, gagawin ko nga siguro yun).
Bweno, maglinis ka na ng bahay. Yung mga marka ng paa ng kangaroo eh lampasuhin mo na. At higit sa lahat, salamat sa pagdalaw sa pansitan.com. Balik ka!
Ang nangangarap mag-kaalaga’ng koala, (ay, teka.. sa New Zealand pala yun)
Ate Sienna
Galing kay Ronald Albeso:
Hi!!!!! pwedi bang mag order ng pancit mo mayron ba kayong litson baboy at manok magkano ang isa!!!!! hindi jokes lang pwede rin totohanin mo OK funny!!!!!
Para sa’yo, Ronald, pwedeng-pwede! Wala nga lang litson baboy at manok (parang bigla akong nagutom), pero para sa’yo, libre na ang pansit. Basta ba lagi kang bibisita dito at lagi mong lalagyan ng mga period at comma ang iyong mga sentences. Susko, nahirapan akong basahin dahil feeling ko, dire-diretso ko syang binasa at walang hinga-hinga! Pagkatapos sa dulo eh makakakita ako ng maraming exclamation marks, para akong inaatake sa puso. hehehe.. Pero salamat na rin!
Lubos na ginutom mo,
Ate Sienna
Sya… sa susunod ulit. Sulat lang ng sulat at pramis, sasagutin ko sya! Intayin ko ang i-meyl nio!
Babu-shamu!
Ate Sienna
(Ang Joyce Jimenez ni Andres)


