Sabihin ko ba sa Kanya?

(Dear Ate Sienna Issue 3, February 7, 2002)

Hello mga girlets and boylets! Pasok, pasok na sa Pansitan. Isara nyo lang yung screen pag-pasok nyo nang hindi pumasok ang mga langaw. Umorder na kayo, espesyal ang pansit natin ngayon - pansit palabok! Gawa pa ni inang ko yan. Hala, umorder na kay Be-be (aksent on the last “be”), ang aking bagong super julalay, at pagkatapos eh saluhan nyo ako dito. May malamig na sarsi din dyan, kuha na lang kayo.

Ok ba sa olrayt ang bagong i-chu (itsura) ng Pansitan? Alam mo naman, minsan feel ko lang ilabas ang aking “kre-ey-ti-bi-ty”. Minsan pipinturahan ko ng pink yung pinto o magpapalagay ako ng linolyum na akala mo marble sa sahig o magsasabit ako ng mga bulaklaking ku-kur (kukurtinahin). Kung ano-ano lang, malibang lang ako paminsan-minsan.

Alam nyo ba, eksayted ako kasi ang dami ng sumusulat sa Pansitan. Sana nga marami pang dumalaw at sumulat para may pang-sweldo naman ako kay Be-be (aksent on da last “be”). Remember - dami-suki-laki-kita.

Katulad na lang ni Batman_927:

“Kakautal at nakakaekis-laway naman ang mga sinasabi mo dito. Peyo, wako-say repapips! Malufet ka day!… Pagbili nga po ng pares!”
Wow, ‘tsong, salamat…! Ano ‘tol, dalaw ka naman to-dits sa tan-si-pan ulit, hokey? Jamming yo-ta! (Pakiramdam ko, humahaba ang buhok ko habang sinasabi ko yon.) Atsaka, tinanong ko kay Be-be (aksent on da last “be”) kung ano yung pares, hindi nya alam. Uy, na-julie (nahuli) mo ako dun, ha… Luzviminda ako (na-lost) kung ano’ng i-chu nun! Sulatan mo nga ako ulit at i-describe mo sa akin yon, por da benepit. At para naman ganahan kang bumalik, pin-lugging ni Ate Sienna ang website mo sa Puro na lang Ako”.

Galing kay bSmatdin:

teka kilala ba kita….kilala ko kasi si aguila ng math parang pamilyar ang tunog mo.
Parang kilala din kita. May ibig sabihin ba kung bakit naka-kapitol ang “S” sa pangalan mo? Kilala mo si Ms. Aguila ng Math? Eh darling, ultimo ata lola ko, kilala si Aguila ng math sa tagal na nya dun. Sige nga kung math ka den, sino prof mo sa physics? Uy, I’m syur, kapareho ko, binagsak ka rin nun nung physics 101 at nag-summer ka ren! Pero salamat sa sulat mo, balik ka ha (pagkatapos libakin, pabalikin pa ba?!?!)

Galing naman kay C ‘N Saint33:

i have seen your site, it’s really nice. if you don’t mind, can i ask you for tips on how to get more visitors? Nga pala, i almost forgot. can i place a link of your site in my site? i know it’s not necessary for me to ask for permission but i think it’s better if it gets your approval. more power to pansitan.com!
Eto.. Eto ang mga gusto kong visitors - ni-li-link ang Pansitan sa websayt nila! Syur, syur, you make kangkong na da logo and put in your sayt na, ok? Be-be, (aksent on the last “be”), bigyan mo ng dagdag na rekado ang palabok nito, ha.. bottomless sarsi pa! Dun sa tanong mo kung paano dumami ang visitors ng site mo? Marami ka bang kamag-anak? Bumisita nang lahat? Pabalikin mo ulit! Tapos hanapin mo lahat ng classmate mo sa elementary, high school at college. Pabalikin mo rin sila ng pabalikin. Tataas na ang hits ng counter mo. Bumisita ka sa mga pinoy na websites, luk arawnd ka sa pages nila tapos sign ka ng guestbook nila with da matching plugging ng site mo ren siempre. At higit sa lahat, downt porget da pawer op da serts en-jin (search engine). Maraming libreng ganun, search mo lang ang word na “search engine” sa search engine mo. Nahilo ka ba? Thank you, ulit. I saw your site too at finityur ka rin ni Ate Sienna sa “Puro na lang Ako”. More power din sa’yo!

At ang gran-pinale (ika nga ni Kuya Germs), si Lito_2x:

Ate Sienna, first of all, gusto kitang batiin sa napakagandang Pansitan.com. Lagi kong inaabangan ang mga bago-bago sa tambayan. Tawagin mo na lang akong Lito (short for litong-lito). Ako po ay 36 at walang trabaho. May pinsan akong sekretarya ni Erap nung presidente pa sya. Ang nanay ko ay mangkukulam, ang tatay ko naman ang tinaguriang sepultorerong kuba sa North Cemetery. Ang kapatid kong panganay na babae ay inab-duct ng alien. Ang kapatid ko namang lalaki na doktor ay limang taon nang nasa kulungan sa salang pag-gahasa sa mga pasyente nyang naka-anesthesia. Ang tanging sumusuporta sa pamilya ko at sa aking bisyo na shabu ay ang uncle kong hapon na miembro ng yakuza.

May girlfriend po ako na nakilala ko sa pagkapenpal. Malapit na syang tumakas ng Mandaluyong Mental Hospital at balak naming magtanan at magtago sa Anak-bayan sa Tondo. Kapag kasal na kami, gusto po naming magtayo ng tindahan sa Divisoria at magbenta ng mga pirated na VCDs. Mahal na mahal ko po ang aking girlfriend at ang kinatatakot ko po ay baka hindi nya ma-tanggap ang pamilya ko.

Ang tanong ko po, sasabihin ko ba sa kanyang ang pinsan ko ay sekretarya ni Erap nung presidente pa sya?
Malaki nga ang problema mo. Kung ako ang nasa kalagayan mo, malilito nga ako kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa pinsan ko. Pero sabihin mo na lang sa kanya na ang lahat ng tao ay nagkakamali, isa na ang pinsan mo duon, at alam nating sising-sisi na sya sa pagiging “black sheep” ng pamilya mo. Si Gloria na ang naka-upo kamo kaya’t wala na sya dapat ikabahala. Mahal ka nya, maiintindihan ka nun.

Gud lak sa pagtanan nyo at sa patok na bisnes na itatayo ninyong dalawa. Ikamusta mo na lang ako sa napaka-normal mong pamilya! Over!

Dyabu sa lahat! Till next issue at higit sa lahat: JAPAN!!! (Just Always Pray At Night)

Nagmamahal,
Ate Sienna
(ang pilit na kinokopya ni Joyce Jimenez)

Leave a Reply

© 2008 Pansitan ni Ate Sienna | Entries (RSS) and Comments (RSS)
Design by Design Your Web Page - Powered By Blog Collector, Wordpress themes