Sino ang Pipiliin Ko?

(Dear Ate Sienna Isyu 5, May 27, 2002)

“Nature has given women so much power that the law has very wisely given them little.”
Dr. Johnson

O, eh di, ano pa ba ang bago? Wala lang… kinasal lang naman risentli ang kapatid kong si Patring sa boypren nya op 10 yirs na si Cholo. May konti pa akong jet-la-ag kasi nga may time diferens. Yung tatlong araw ko pang bakasyon pagbalik ko, ni hindi ako nasikatan ng araw at umikot ang mundo ko sa loob ng parisukat kong kwarto. Idagdag mo pang panay na nga ang byuti islip ko sa eroplano papunta nga dito.

Ispiking of eropleyns, Japan Airlines ang official carrier ng pamilyang Zaragoza papuntang Pilipinas at pauwi sa Canada. Para akong taga-bundok sa pagka-excited dahil may kanya-kanya nang TV sa bawa’t upuan ang ECONOMY (take note, ECONOMY) class ng bongeysius na eroplanong ito! At kung sawa ka nang manuod ng TV, pwede ka pang mag-laro ng games on the same TV using the same remote control. Bonggah, diba? Yun lang naman… nabanggit ko lang kasi excited nga ako at mukha akong tanga sa pagkamangha.

Eniweys, pagkatapos ko kayong i-sayd-trak, balik tayo sa topic natin. Marami-raming sumulat ngayon sa Ate ninyo na hindi ko kamag-anak. Isa na rito si Flaminga. Akshully, dalawang beses na ngang sumulat itong si Flaminga so bago mahuli ang lahat eh bigyang-daan na natin ang sulat nya:

Hi Ate Sienna,
Nakita ko ang inyong websyt at mabuti na lang po at makakag salaysay ako sa inyo nang aking problema. Ako ay tawagin na lang ninyo sa pangalan na “flaminga”. Ako ay 21 taong gulang, mayroon po sa aking nanliligaw, dalawa po sila, parehong maginoong lalaki. Hindi naman po sila panget or gwapo, katamtaman lang po ang kanilang itsura. Ang problema ko po ngayon ay pareho ko po silang mahal. Ako po ay dalagang pilipina pero sa hindi po sinasadyang pangyayari, naibuhos ko po ang aking pag mamahal sa kanilang dalawa. Sa maigsi pong salita, may nangyari po sa dalawang gabi sa dalawang lalaki. Natuklasan ko po na ako pala ay buntis, tatlong buwan na po ate sienna. Hindi ko po alam kong sino sa kanilang dalawa ang ama nang aking dinadala. Sino po ba sa kanila ang pipiliin ko? Humihingi po ako sa inyo nang saklolo.

Marami pong salamat sa inyong pagbasa nang aking liham. Sagutin nyo po sana ito kaagad. Hihintayin ko rin po sa araw na ito ang inyong sagot.

Nagmamahal,
Flaminga

Naku, Flaminga, ang ganda-ganda mo! Namangka ka na nga sa dalawang ilog eh nagpaiwan ka pa ng “souvenir”. Ngayon, confusyus ka kung sino ang tatay ng dinadala mo? Feeling mo talaga, pretty ka! Ang tanong, kung sino ba ang ama ng dinadala mo eh syang pipiliin mo rin? Ma-scared ka kung magkaiba yon. Pero kung ako sa’yo, ikaw na lang ang mamili at kung sino ang mapili mo, yun na lang ang ariin mong ama ng dinadala mo. Paano mo pipiliin? Madali yan, may tatlo akong paraan - Jack en poy, o kara’y krus o yung ever-reliable na “si-no ang pi-pi-li-in ko? e-to o e-to, e-to! tu-tu-o ba? o-o!”. Kahit na ano dun sa tatlong yon eh aprobadong epektibo.

So, gudlak sa pagpili mo, wag mong paka-isipin ang iyong problema. At least may dyunakis ka na, huli na sanang pagkakamali mo yan.

keep up the good works!!! naghahanap ako ng website ng mga pinoy ng madiscover ko ang pansitan…i really like so much…di ako gaanong marunong pa sa computer kaya eto basa lang ng email..at send ng email sana ako din makapgsulat na katulad mo ,,,galing galing mo…congrats. sige bye na and thanks again…

Maritess Crow

Teynk yu, teynk yu, teynk yu sa’yo Ms. Crow. Kung gusto mong magsulat, o magkawebsite na katulad nito, may nailagay na akong mga tips sa mga unang isyu ng Pansitan.com, read mo na lang sila. Sana nga eh bumalik-balik ka lagi para mapaligaya kitang lalo.

I very rarely get a chance to browse and read Filipino websites and the few I have seen leave a lot to be desired. Yours however is the first one that I can call intelligent, witty and tastefully funny. Good job and keep it up.

Irma

Thank you, Irma. Pansitan aims to be funny yet give out some lessons in life whether thru tongue-in-cheek humor or point-blank seriousness. ‘Hope you would always find the time to visit the site often for entertainment.

grabe… kulit ng site mo… i wonder where did you get all this stuff… i’m very much pleased (di ba dapat ikaw ma-pleased?… ok lang yun,, pleased din ako..) kasi tignan mo naman,,, JOLOGS e screen name ko,, jologs din,,, actually, di ko know kung how ako napadpad sa site mo… buti na lang tifelya ever ko ang salitang jologs… e di sinubukan ko… fortunately… ahheemmm… galing mo talaga… grabe.. promise,,, pagkakalat ko sa buong mundo ang site mo… anyway, sana magtuloy-tuloy,,, anyway, ate, tiga-saan ka ba? at ilan taon ka na… sana makilala kita… para kasing sasalita mo makulit ka na e… what more kaya sa iba… teka lang ‘te… PARANG LOVE NA KITA… promise,,, LOVE YOU TE… bye…

TeNg

Akshully, sabay na lang tayong ma-please! ok pa sa jamming, diba - please ako sa sulat mo, please ka sa pansitan.com! Grabe, blushing naman ako sa freyses mo. Pero dahil kulang ako sa pansin ngayon, tanggap na tanggap ko yan, EVER!!! Kung saan ako, aym syur, alam mo na. Yung edad ko? hmmmmm.. sabihin na lang natin na matagal na akong bumuboto at ako na ang humihindi sa inuman. Love mo na ako? Ay… ober ka naman.. wag naman, paano na si Andres ko? hehehe (patulan ko ba ang ilusyon?!?! hehe) Salamat sa sulat mo, balik ka ulit, ha?

O sya.. hanggang sa susunod. Pakabait kayong lahat at wag kalimutang mag-pray bipor yu eat!

Dyabu!

Yours forevermore,
Ate Sienna
(Ang Joyce Jimenez ng mga puyat)

Leave a Reply

© 2008 Pansitan ni Ate Sienna | Entries (RSS) and Comments (RSS)
Design by Design Your Web Page - Powered By Blog Collector, Wordpress themes