(Dear Ate Sienna Isyu 2, January 12, 2002)

Wel, wel… chaka-kan ako nang may matanggap na akong mga e-mail magmula sa inyo simula ng i-anawns ko sa internet filipino pepel ang pansitan. Salamat sa lahat ng sumulat at sana eh bumalik kayo palagi. Nakaka-intriga ang mga sulat na natanggap ko. May funny, may seryoso. Narito yung unang tatlo na natanggap ko. Siempre, kailangan, first-come-first-serve, no-return-no-exchange!

Dear Ate Sienna, Nakakatuwa ang website mo. Parang pakiramdam ko ganun ka talaga magsalita sa tutuong buhay. Tutuo bang babae ka o katulad ng sabi mo sa “Issue 1″, operado kang lalaki na naging babae? – Machete ng Sampalok

Salamat at napaligaya ka ng pansitan.com. OO, ganito ako talaga magsalita kahit sa tutuong buhay pwera na lang nga kung kausap ko si Andres ko at hindi ako maiintindihan nun kung tatagalugin ko sya. Akshully, ang alam lang nun na ingles eh yung mga salitang inuulit-ulit ang mga kataga at halos lahat bastos pa! (Sinisisi ko talaga ang mga popak kong mga kamag-anak na walang alam ituro na magaling) At dun sa tanong kung bading ako, ay, hindi ah! Hindi ako bading. Feel na feel ko lang ang sisterhood ko wid my badich sisters. We are family, ikanga, kaya nga carry na carry ko ang pagka-third sex nila. Pero ang tutuo nyan, operada pa rin ako, hindi nga lang dun!

Eh ikaw, Machete, dati ka rin bang kahoy na tulad ni Cesar Montano sa pelikula op da seym taytel?

Dir Ate Cyena, Gf ko wla n alam kun d mgtxt. Mornng, nun, nite, pro cel fne ang hawak nia. Ms mdals p nya ka-hh i2 ksa s akn. Minsan pg tnatanong ko cia kung cno kausap nia, tnatago lng nia cel nia tpos angri cia s akn. Nsecure dw me. Mnsan gus2 ko n read ang txt msgs nia s cel nia. May ka-txtm8 n kya sya n iba? – Lonely Boy

Teka, bago ang lahat, por da benefit, i-in-terpret ko lang ang sulat mo, hane?, “Dear Ate Sienna, ang girlfriend ko wala nang alam kung hindi mag-text. Morning, noon, night, puro cell phone ang hawak nya. Mas madalas pa nya ka-holding hands ito kesa sa akin. Minsan ‘pag tinatanong ko sya kung sino kausap nia, tinatago lang nya ang cell niya tapos angry sya sa akin. Insecure daw ako. Minsan, gusto ko nang basahin ang text messages nya sa cell nya. May ka-textmate na kaya siya na iba?”

Over ka, Lonely boy! Pati ba naman sa internet eh pa-text pa rin ang sulat mo? Eh baka naman pareho na kayo ng girlfriend mo na walang alam gawin kung hindi pindot-pindutin ang cell phone – “morning, noon, night”! Persopol, mortal sin na basahin mo ang text messages ng girlfriend mo. Para mo nang binasa ang email o ang diary nya. Sori to say, private and confidential ang mga yon – off limits ka! Sekenopol, baka nga na-pa-praning ka lang talaga. Malay mo, pinagpaplanuhan lang niya ang birthday mo kaya secretive sya, kunyari lang sya eng-gri. Wala kang dapat ipag-duda hanggat wala kang ebidinsya. At huli, dun sa hindi ka na nya madalas ka-”H-H”, sipatin mo angk amay mo, baka naman dehin-hugas ka lagi o baka naman pasmado kang masyado. Ako man ang gi-ep mo, ay, di rin ako makiki-pag-H-H se’yo!

Ate Sienna, Na-meet ko po ang aking Pilipino boyfriend sa internet. Anim na buwan na po kaming may relasyon. Ang problema po namin, nasa Australia sya at ako naman po ay nandito sa Yemen. Ano po ba ang sekreto para maging successful ang isang LDR? Lovingly yours, Princess

Depende sa ‘yo, Princess Punzalan (este, Princess lang pala…) Ang masasabi ko dyan eh lakasan ang tiwala pero talasan ang pag-iisip. Ok lang ang magpaka-kilig sa mga i-meyl at chat, pero siguraduhin mong walang sabit ang ka-cyber mo. Maraming nagkalat ng baliw sa mundo ng elektronik superhaywey. Kung magkikita kayo, (sakaling hindi pa kayo nagkikita), pumili ka ng lugar na teritoryo mo – yung kabisado mo at magpasama ka sa mga frensyip bonds mo. Pilitin mong alamin ang mga iba’t-ibang bagay tungkol sa kanya. Ulit-ulitin mo ang mga tanong, para malaman mo kung consistent lahat ng sagot nya. Higit sa lahat, magtiwala ka sa “intuition” mo. Mas madalas sa minsan, tama ito pagdating sa mga bagay na kakutob-kutob. Kung lahat ng pag-iingat ay ginagawa mo, ma-e-enjoy mo pa rin ang lab afeyr mo. Congrats at more power sa iyong lablayf! Hayyyy… ang sarap ma-in-lab!!!

Kayo? May mga tanong ba kayong gusto nyong masagot ni Ate Sienna? Gamitin ang email form sa ibaba at ipadala sa akin. Pers kam pers serb, i-pa-publish ko dito sa Pansitan kasama ng aking kasagutan.

Saranghameda, Bo!
Ate Sienna
(tanungin mo pa ba???)

(Nakita 6687 beses ng 1636 bisitors)