(Natawa Ako issue 1, January 6, 2002)

Pinadala ito sa akin ng kaibigan ko mga isang taon na ang nakaraan. Sabi nya relate daw ako sa dialogue kasi nga babaeng operada raw ako. Umikot na sa email ito, pero kung hindi nyo pa ito nababasa, ang masasabi ko lang e good luck sa inyo. Kung natutulog kayo sa pansitan nung nag-e-evolve ang jologs dialogue sa motherland e baka ma-luz valdez (ma-lost, mawala) nga kayo sa mga terms. Por the benefit, gusto ko lang i-share sa inyo ito kasi sa tutuo lang, tumbok na tumbok nya ang scenario ngayon sa Pinas. Kung alam ko lang kung saan galing ito, sasaluduhan ko talaga with matching apir dahil ang galing nya! Ever!.

So kaka Ha! I’ve been gone for like just two years eh kung anik-anik na ang nag change sa Pinas. So changed that na shocked to boogie ang beauty ko ever!

Oops… ‘sensya na po. Kababalik ko lang kasi galing Pinas and I haven’t gotten over my balikbayan-bakasyon-jetlag. Kasi ganto yon. Like any Filipino living abroad, I’ve always looked forward to coming home, dahil nga kasi “There’s no place like home”.

Pero yung huli kong uwi ay tila nanibago ako. Sa sobrang culture shock feeling ko hindi ako balikbayan kundi turista. So ayun, kesa naman mangamote ako, may I ask tuloy ako ng help from my sisters for a crash course Pinoy Lifestyle of the new millennium.

HI! WNA B MY TXT PAL?

They’re everywhere! Mapa-mall, opisina, school, MRT, what-have-you, the cellphone mania’s on the loose! Aba pati si Manang Fishball ay nag te-text! Okay, so I’m over reacting pero bakit nga ba lahat ng tao naka cellphone? Tinanong ko nga ang mga sisters ko kung gaano ba sila kaimportante at naka cell sila?

Ultimong pamangkin kong high school naka cellphone. Sabi nga ng mom ko kahit sa pagtulog katabi ni utol ang cell nya at kahit may nakakabit na PLDT phone sa bahay ay cellphone pa rin ang gamit.

At take note, hindi cheapetix ang cellphone sa atin ha! Prices for a unit would range from P3,500 to as high as P18,000 and as much as P30,000 para doon sa pinaka-coniotic super high-end na model! Grabe! Dito kasi sa States madalas libre na ang unit as long as mag sign up ka for a one year service contract upon activation.

At haytek pa kamo. Aba mag ring ba naman si cellphone, imbis na kuriring eh intro ng Humanap Ka Ng Pangit ang narinig ko! Ay, bow ako. Meron kayang Buchikik?

Pero ang pinaka hindi ko maintindihan ay ang text messaging, a.k.a. TXT. Diba kaya nga kayo naka cell phone para makapagusap kayo? Boses to boses? So bakit pa text? Ilang ulit na inexplain ng mga sisters and prens ko sa akin na kesyo mas madali kasi it saves time, effort and money. Effort ka dyan! Eh kelangan mo ng talent at matinding practice para mag text. Namputsa! Binaliw ako nyan ha! Para akong bumalik sa grade one na bagong tuto lang magbasa.

W R U? Y DNT WE MIT 4 COFI AT *BX 2NT N TOK SAM MOR?

Ano daw? Pero sige, sabi nyo eh. Di naman hinlalaki ko nangangalay kaka-text. Ay teka, paki-explain nga sa akin kung bakit ba dapat laging hawak ang cell phone? May bag ka naman, may bulsa. Tama ba naman yun? Ha?

JAPORMS!

Pormatiks ka ba o hindi? Eto ang isang pang trademark na wiz mo nang maalis sa mga Pinoy. Just think exclusive school na may uniform, dress code ika nga. Kahit san ka magpunta kala mo you’re seeing double – iisa itsurahin! Kahit si Kuya Bodgie at Pong pagong ay mawiwindang sa kakapili ng alin? Alin? Alin ang naiba?

Sa mga gerlash dapat naka-tank top na dapat conspicuously labas ang strap ng bra mo ( ano bang tatak nyan hija? Victoria Secret ba? Baka naman triumph o soen?) o kaya naman yung transparent bra strap . Either may ka-partner na flared jeans o long skirt o yung capri pants, may barrettes ka sa buhok (esp. kung short-hair ka), body glitter, platform shoes o strappy slip ons, little bags, at syempre pa ang almighty cellphone. Ahhh, kaya pala hawak ang cellphone, hindi kasya sa bag – little kasi!

Sa guys naman standard na ang haircut na mala-Ross ng Friends, amoy Polo Sport o Cool Water or Hugo Boss. Dapat naka cargo pants at syempre oversized, long polo shirts na dapat may tatak, as in nagmumurang DKNY,CK, PRL, AX at kung anik-anik pang intitals meron dyan!

Eto pa, natanong ko na ito dati , kala ko kasi artista lang pero dyos ko day! Pag tungtung ko ng mall ayun! Naka jacket sila! Eh pagkainit-init naman! Wag mong sabihiing giniginaw ka kasi nasa mall ka at may aircon dahil ang kasama mo ay naka tube lang! OO naka jacket tapos sabay naka medyas at mojos/berkinstocks …

heheheh ! Okey-alrayt sa porma talaga! Kows Pinoy talaga!

GIMMIK NA!

Tara na sa mall! It seems that the mall is the number one destination for a lot of Pinoy. Kasi nga, they can spend endless hours of air-conditioned bliss without being asked by the guards to leave. Ito na ang cheapest form ng gimmik. Hindi naman kasi mag sho-shopping eh. Tatambay ka lang. Wala ka na kasing hahanapin pa, all in one ika nga. May Shopping (syempre kaya nga mall eh), may sinehan, may tsubibo, may videoke at higit sa lahat may dance revolution!

Kung hindi mo type ang action sa mall mag may I sit down ka na lang sa isa sa sandamakmak ang coffe houses sa Pilipinas. Teka matanong ko lang, bakit nga ba lima singko ang mga Cafe (daw) sa atin? Actually nabatukan ako ng kapatid kong si Peklat kasi isa sya sa madalas mag moccha frapuccino sa Starbucks.

Fine! Ang ikinagulat ko lang eh pati mga batang tila naka Kerokeeropi at Superman na undies parin ay tumatambay na rin doon. May I Yosi pa kamo! Hmmm, kayo rin !

Sabi nga ng lola ko eh di na kayo lalaki pag inom kayo ng inom ng kape!

Bar hopping anyone? O dito ala akong reklamo.

Coolness ito. Super dami ng choices, dati Tia Maria lang sa Makati in ka na. Now it’s back to Old Manila particularly sa Malate. So saan tayo tonight? Fat Tuesday o Annapolis Live? Fort na lang kaya tayo? O, wag kalimutan ang japorms at cellphone tapos i-txt mo na lang sa akin ha?

Pambansang Wika

May bago na atang national language ang Pilipinas. Mahirap na ngang basahin ang TXT tapos pag kakausapin ka pa, kala mo ini-intsik ka. Dati-dati “Taralets, Bagets at Lets go sago lang eh solve na . Ngayon, naku ewan!

Papa – daddy ko? Nde syota nya … gwapings!
Mama – syota ni papa
Itich – makati? Ang alin? ITO!
Anik – ano? Mismo!
Deadma sa Barangay – as in care nya sa world!
Imberna – imbyerna
Gerlash – pa-girly, i.e. naka dress, makeup, etc.
Pa-gerl – bading
Tweetums – pa-cute
Lakas ng arrive – Sinong dumating? Sinongmalakas?
Kaka – si kaka yung malakas? Sya rin ba yung Dumating? Hmp! Kakainis!
Chaka – pangit
Okray – lokohin
Achuchu – bless you! ay parang anik-anik din pala!
Tienes-tienes – synonym ng achuchu, anik-anik

Whew! Dalawang taon pa lang ang na miss ko nyan ha! What more kung 10 years kang nawala? I’m sure matatarantated ang beauty mo! May I reklamo din kayo tulad ko!

Pero sabi nga ng pinsan kong si Kamatis, “Charing ka dyan, Ate Toyang! Wa ka na kasi! Syorayin pa daw sila! For sure kung sa Pilipinas din tayo nakatira, eh kung anik-anik na chenelling ek-ek din ang inarte natin. Pareho tayong naka jacket, tank top, jeans, socks and sandals habang nakikipag-text sa ating glow in the dark, galvano metal Nokia cellphone at umiinom ng mocha frapuccino with whip cream sa Starbucks !”

Alam mo, cuz, korek ka dyan!

So Jologs ha! So kaka!

Ever!

- author unknown

(Nakita 9685 beses ng 2956 bisitors)