Ang Mundo Akording kay Bebe (Aksent on Da Last BE)
(Natawa ako D2 Isyu 7, September 25, 2002)
Kung sinusubaybayan ninyo ang bawa’t edishen ng Pansitan.com… Teka, hindi mo sinusubaybayan???? Aba, atatin mo pa raw ba ang ate mo??? Magsimula ka na ngayon din, *hwatak* (sawnd-epeks ng hagupit ng buntot page)!!!
O sya… nabasa mo na? Ok ulitin natin (rewind sound effects sa background):
Kung sinusubaybayan ninyo ang bawa’t edishen ng Pansitan.com, kilala nyo na ang aking maid of the Philippines na si Bebe (aksent on the last “Be”). Mabait yang si Bebe, may pagka-space cadet nga lang. (Isang nilalang na maraming space sa pagitan ng dalawang tenga nya). Hindi naman nya mi-ne-mean yon, talaga lang may pag-ka.
Pero masipag si Bebe. Pag gising ko, may tsokolate-eh na sa tasa ko at nakahain na ang paborito kong pagong na monay sa mesa katabi ng Bandong’s coco jam. Bago pa mandin kami magpunta ng pansitan, nakapaglinis na yan ng bahay. Napakintab na nya ng bunot ang sahig namin na winaksan nya ng Yco floor wax ng nakaraang gabi. Kasa-kasama ko syang mamalengke, mereseng sobrang bigat ng mga bayong namin sa pinamili, carry pa rin nya yon. Masipag, masinop at maaasahan.
Huwag mo lang ngang pagsasalitain.
Ok na sana talaga. Kung bakit naman kasi kailangan pang mag-salita. Eto kasing si Bebe mahilig mag-ingles. Minsan nakukulta ang utak ko kung saan kinukuha ang mga ingles nya. Feeling mo minsan may kasama akong jologs na babaing nagpapanggap na konyong kolehiyala. Sample? Eto na lang, tipikal na araw naming mag-amo:
Isang araw galing ako sa talipapa na malapit sa Pantranco. Bilin ko, magsasara siya ng bahay kapag wala ako at baka ma-akyat-bahay kami. Kumatok ako sa pinto, narinig ko syang kumaripas ng takbo palapit sa pinto:
Bebe: Atiiiii, statue????? (Pakanta pang feeling nya si Lani Misalucha sya)
Ako: Hoy, Bebe, ang Ate Sienna mo ito.. anong statue???
Bebe(Habang binubuksan ang trangka ng screen, explain ang loka.): Statue, Ati… ‘ikaw ba yan?’ Ikaw naman, Ati.
(O diba, ang tanga ko nga naman at hindi ko naintindihan.)
Bebe: Ati, do you gets da fruits prom da protestant in devastation?
Ako: Ano???? Anong protestant in devastation?? Hindi naman protestante si Akong at hindi dinelebyu ang palengke!
Bebe: Ati, naman… protestant, yung tindahan ng prutas. Devastation, duon nga sa Pantranco, istasyon ng bus.
(Iiling-iling pa ang loka. Feeling nya ang boba-boba ko na talaga.)
Ako: Ikaw talaga, Bebe.. sige na, hugasan mo na yang mga prutas at nang madala sa pansitan bukas.
Bebe: Ati, we kenats, Ati, bikows der is no water in deposit.
(Ah ok.. deposit, gets ko yon – yung gripo. Sige, deadma na lang ako kay bogak.)
Bebe: Sus, Ati, did yu knows hwat hapen in the neighborhood association der wid Aling Kuring dis morning op ours?
(Patulan ko ba?? Sige na nga. Mas retarded ata ako at mapagpatol ako sa retarded.)
Ako: Bakit, ano nangyari?
Bebe: Kasi naman dis Aling Kuring, I tells her na dat son of his. (Sorry, hindi marunong ng pronoun si Bebe) Dat Buboy ba, Ati, I know that one time or another he will do something very over. Did you knows what, Ati, dat Buboy did?
Ako: (Tuloy-tuloyin ko na ang patol) Anong ginawa ni Buboy?
Bebe: Aba, Ati! Dis morning, I wakes up, he is throws deflates…
Ako: Ano?? Anong deflates?
Bebe: Plato, Ati… Da Noritake op Aling Kuring. He is throws deflates in defense…
Ako: Ano? Tinapon ang plato in self-defense??
Bebe: Ati… (sabay buntong hininga), hindi selpdepens. Bakit naman po magkakaroon ng lamping pangmatanda na tulad ng gamit ni Lula sa eksena? Defense po, yung bakod nila Aling Kuring… He is throws deflates in defense bikows he got a freak outs when deduct en defrag shows in da windows togeyder with dikit wagging detail in fronts of his face.
(Nauubos na ang pasensya ko sa conversation na ito, ah…)
Ako: Bebe… teka nga.. anong deduct at defrag? Anong dikit wagging detail??? Liwanagin mo nga!
Bebe: Ati, deduct, yung pato nila atsaka defrag yung palaka. *Ginuo*… Atsaka dikit wagging detail, yung pusa nilang si Bantay, winawagagwag ang buntot.
Ako: HMMMMPPPP!!!! Bebe, tapusin mo na yang kwento mo bago tumaas ang high blood ko!
Bebe: Ati, tinatapos ko na nga eh, you go to interap me all over. Here na nga da istori. So before pa, Ati, I warned na dat Aling Kuring. I told to her, “Aling Kuring, your Buboy, ha… is over in the noise always in the mornings op da dey! My Ati, she is to kumpleyn to Mang Kandong da Baranggay op da Kaptain nek taym your Buboy is to be noise.” So da Buboy pala, is drinking da gin bulag da night op da morning en so he is to oberhang in the head…
Ako: Hangober, Bebe, hindi oberhang…
Bebe: Yun nga ate… hangober in the head. Das why in da morning op da ibning he see defer swimming in da champorado he is to eat.
Ako: Bebe, isa na lang.. anong ‘defer’???
Bebe: Sus, Ati, engri you bikows I dunot finish da stori op mine eh its yu who keeps on interupting myself. Defer – yung balahibo nung mga huyup na nanduon sa bintana of theirs.
Ako: Bebe, walang balahibo ang palaka!!! GRRRRRRRRRR… bigyan mo na ng ending yang storya mo, kundi, patawarin ako ni St. Jude, ikaw ang eendingan ko!
Bebe: (ismiran pa raw ba ako?) Eh yun nga, Ati, bepor you interafs, so das why he is the freak outs, he is tot da animals is playing in his champorado. He tots da animals in da windo put it der. So he is goes to the windows when he saw dikit en he pulls dikit by detail. (Sige, buntot yon…)
Bebe: …En I see to him in my eyes what he is to do to dikit and so I shouts to him prom da ober defense en I say to him, “Hoy, you Buboy, you beehive! Predicate!!!”
Ako: Anong ‘beehive’ at ‘predicate’???
Bebe: Ati, tagalugin ko na, ha, nang magkaintindihan tayo… “Hoy, ikaw Buboy, magpakatino ka! Pakawalan mo yang pusa!” Sus, aalis na nga ako, Ati… hindi tayo magkaintindihan!
Ako ang taong malalim ang pasensya. Pero yung talikod na yun ni Bebe, nginudngod ko nga ang mukha sa lababo. At, pasalamat sya kay St. Jude, kundi tinadtad ko ang dila niya ng aspect este ice pick pala!
(Nakita 1168 beses ng 224 bisitors)
