Para Kay Be-be (Aksent on da last Be)
(Natawa ako D2 Isyu 8, October 11, 2002)
Masarap ang may sariling pansitan. Marami kang nakikilala, nakakasalamuha, natututunan. Isa sa mga naging prenship ko sa internet eh itong si Reggie. Madalas magpadala sa akin ng elektrik meyl si pren Reggie. Nung pinadala nya sa akin ito, naisip ko.. “Hmmmm… sounds family ito ah.. parang ang alalay kong si Be-be (aksent on da last Be)”
Kung naaalala nyo, kinuwento ko na sa inyo ang alalay kong si Be-be (aksent on da last Be) at kung paano ako nawiwindang kapag nag-sasalita sya. (Hanapin sa kanan ng inyong monitor ang Isyu 7 ng “Natawa Ako D2″) Kaya naman binasa ko ng husto ang i-meyl ni Reggie at mine-morays ko. You can never tell, eh baka makarating na itong bokabularyong ito sa dyulalay ko eh ma-luz valdez ako kung hindi ko sya knows. So kasama ng padala sa akin ni pren Reggie, marami pa akong dinagdag na manaka-naka eh naririnig ko rin kay Be-be (aksent on da last Be).
1. Contemplate – not enough pinggan.
2. Punctuation – pera para maka enrol
3. Ice Buko – Is my hair ok?
4. Tenacious – footwear for tennis
5. Calculator – tawagan kita mamaya
6. Devastation – sakayan ng bus
7. Masturbation – malawakang gutom
8. Protestant – tindahan ng Prutas
9. Statue – Ikaw ba yan?
10. Predicate – pakawalan mo ang pusa
11. Dedicate – pinatay ang pusa
12. Aspect – pantusok o pandurog ng yelo
13. Deduct – ang pato
14. Defeat – ang paa(ng pato?)
15. Detail – ang buntot(ng pato?)
16. Deposit – gripo (call DIPLOMA if DEPOSIT is leaking)
17. City – bago mag utso.The number that follows 6
18. Cattle – doon nakatira ang Hali at Leyna
19. Persuading – unang kasal
20. Depress – ang nagkasal sa persuading
23. Shampoo – bago mag labing-isa
24. Delivery – walang bayad ( Kapag nag punta kayo ng friend mo sa restaurant at siya ang nag bayad DELIVERY.)
25. Profit – patunayan mo
26. Beehive – magpakatino ka
27. CD ROM – tingnan mo ang kwarto
28. Debug – ang ipis
29. July – Nagsinungaling ka ba?
30. Demote – ang bibig
31. Schooling – (phone rings) Hello? Who SCHOOLING?
32. Affect – Peke as in AFFECT diamond ring.
33. Borrow – damit (as in, ay, bonggadera naman ang Borrow mo!)
34. Cardiac – na nakawan ng kotse
35. Mention – malaking bahay
(Salamat, Reggie…)
(Nakita 881 beses ng 196 bisitors)
