Ang Skrapbuk
(Samo’t Sari Issue 4, May 23, 2002)
Malamig sa labas at nagyeyelo, nakakatamad umalis ng bahay. Nasa Canada ako ngayon. Nakahanap ako ng trabaho dito pansamandali - anim na buwan lang. Palilipasin ko lang muna ang tag-hirap sa Amerika. Ayaw ko mang umalis at ma-iiwan ko si Andres, kelangan eh. Hay naku, titiisin na lang namin sandali… Saka magkikita rin naman kaming madalas. Bago ako umalis, pinlano na namin ang buong anim na buwan kung kelan kami magkikita. Sabagay, ilang tulog lang naman ang anim na buwan. Bukas-makalawa Hunyo na, por ol yu no.
Sa sobrang lungkot naisipan kong mag-skrapbuk. Naisip kong iayos lahat ng mga fikstyurs namin ni Andres at kung anik-anik pa na mga litrato kong nagkalat sa apartment. So karay- karay si inang at itang, go kami sa Crafts Canada at buysung ako ng mga de-kulay na papel. Pati na rin istiker at kung anik-anik pang pwedeng ipang-dekoreyt sa mga pahina ng skrapbuk. Go pa kami ni madir sa walmart at mas muring dun ang skrapbuk mismo. Eksayted na ako. Pagdating sa balay, kinalaykay ko kagad lahat ultimo kasuluk-sulukang kabinet ko para maghanap ng mga pwedeng idikit.
Hmmm.. Sulat ni Andres nung una kaming nagkakilala nung 1997…
Isa.. Dalawa.. Pito… Sampu… Sandamukal na tiket sa eroplano at bording pases! Kung saan-saang stop-over, kung ano-anong ruta papuntang Amerika…
Mga tiket ng sine na pinanood namin…
Mga walang-kamatayang poems nya sa akin…
Eto pa ang drayd ruses na gibsung nya sa kin…
Ay.. dito ko pala natago yung souvenir nyang isang dipang buhok nung pinutol ng barbero. (Naiyak pa nga ako nang pers taym kong makitang putol ang buhok nya.)
At kung ano-ano pa…
Nung kinati pa ako lalong mag-ayos ng mga souvenirs ko, pati yung mga litrato ng mga happenings ng mga kaibigan at kamag-anakan ko, pinag-kukukuha kong lahat at naisip ko, ilalagay ko na rin - nandyan na rin lang naman ako.
Mga kuha namin nila Ringo nung dalawang beses nyang punta dito…
Walang katapusang christmas party, new year’s party, birthday party, anniversary party, graduation party, halloween’s party, valentine’s party… ober sa daming party pala ito!
Kuha sa Vancouver, L.A., San Diego, Seattle… (nasan yung sa Disneyland?!?!?)
Tiket ng concert ni ganito, ni ganyan… sino naman ito?!?! artista ba ‘to?!?!
Pictures nila Popoy at Mokong habang lumalaki, ay isasali ko ito - cutie-pie-laway, eh…
Sama na rin sina Greta at Patring, baka naman okrayin ako dahil wala sila sa skrapbuk…
Mga litrato nila lolo at lola dear, siempre kasama din ito…
Sama ko na rin yung mga cards at sulat na natanggap ko nung ma-operahan ako…
Nang matapos akong magsamsam, di ko namalayan, halos napuno na ang kalahati ng kama ko nga mga litrato, passes, tiket, sulat, etc. Dyuskuday, nanlata ako… nagkamali ba ako ng desisyong gawin ito?!?! Pero tu leyt da hiro na na ibalik ko pa sila sa mga pinanggalingan nila dahil wa na ako knows kung saan-saan ko sila pinagkukukuha. (O, Lord… tulungan nyo po akong wag masuka at magsawa. Ma-e-angry si Inang ko sa kalat ko!)
Hala, sinimulan ko na ang pag-dikit sa skrapbuk. Inuna ko muna yung kay Andres, tapos yung sa amin nila inang at itang, kay Ringo, atbp. Gupit, dikit, ayos, gupit, ayos, dikit… Ok naman pala, nakaka-aliw. Sulat-sulat pa ako ng mga date na naalala ko pa ren, despite ang sangkatutak na anestisyang tinurok sa akin nung inoperahan ako.
Sa madali’t sabi, inabot lang naman ako ng three days of darkness bago ko sinabi sa sarili kong “Tama na, sobra na, nakakasuka na!” Nang matapos ako, halos hindi ko na masara mabuti ang libro. Sabi nga ni itang, dapat daw ilipat ko na yung ibang pahina sa ibang scrapbuk at baka raw masira ang mga pages eh sayang ang pinaghirapan ko. May point sya…
Alam nyo kung ano ang na-ri-ya-lays ko habang ginagawa ko ito? Tutuo palang ang nakaraan eh hindi na babalik. (Helo!?!?! OO naman! Teka.. hindi pa ‘ko tapos sa sasabihin ko, ‘no!?!) Kaya kailangan, lahat ng panahong masaya (o malungkot) namnamin mo mas lalo na kung magiging memorable sya sa buhay mo. Tama nga yung kanta ni Seals and Crofts - “We May Never Pass This Way Again”. Nung ginagawa ko yung skrapbuk lagi kong sinasabi sa sarili ko, “Bakit wala akong litrato ng ganito, bakit hindi ko tinago yung tiket ng ganun, yung sulat sa ganire. Dapat kinunan ko silang magkasama o dapat pala dinala ko camera ko nung ganun…”. Ang siste, huli man daw at magaling, gumawa ako ng new year’s resolution ko:
1. Magdala ng camera kahit na saang happening (hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari o sino ang makikita mo habang nanduon ka)
2. Gamitin ang camera habang nasa happening ka (minsan dala mo nga, wis mo naman ginagamit)
3. Mag-baon lagi ng extra na film (nakakainis yung gusto mo pang kumuha eh nag-rewind na ang camera mo)
4. Siguraduhing tama ang date stamp na malalagay sa mga litrato mo. (Ilang beses na ba akong nakakita ng mga litrato kong ang date eh “86 01 01″. Nakakaloka!)
5. Pagka-develop ng film, lagyan mo kaagad ng sulat man lang kung kelan at kung saan kuha ang mga litrato mo. (Nakakainis yung minsan di mo knows kung anong year o anong okasyon nung magkuhanan kayo)
6. Ang mga souvenirs, kung mura din lang bumili ka na. Ang mga tikets ng concert o eroplano, o key chain itabi nyo lahat sa isang lugar lang. Lagyan nyo na rin ng tanda. Por eksampol: “Ninenok namin ni bestpren Remy sa Super 8 hotel nung magpunta kami sa Edmonton”. Ay, wag pala. Bad pala yon.. erase-erase.
7. Magpagawa ka na kaagad ng duplicate copies ng mga litrato sa unang pagdevelop pa lang. Ewan ko sa inyo, pero ako, kahit na sinasabi kong magpapare-copy ako, hindi ko naman ginagawa. Ikaw ba may oras ka pang magbulatlat ng mga negatives mo, itaas sa ilaw at tingnan kung yun nga ang litratong gusto mong ipakopya? Ako, wala na… Bakit dalawang kopya? Yung iba pinamimigay ko sa mga kaibigan kong kasama sa litrato, siempre kung gusto mong may souvenir, gusto rin nila.
At higit sa lahat… prom naw on, mas i-a-appreciate ko na ang sarili ko. Ako kasi, ang pinakamalaki kong problema magmula nun eh ang katawan ko. Kahit kelan ang lagi kong sinasabi mataba ako. Pero nito ngang naisipan kong ikulekta lahat ng litrato ko, napansin ko, hindi naman ako ganun ka-taba-ching-ching nung mga panahong akala ko fat-sita ako. Ang natatanging panahon lang na talagang tumaba ako ay nung nagsisimula na akong magkasakit at pagkatapos ng operasyon ko bago ako nagsimulang mag-workout. Hindi man ako model-payat, ok lang naman ako.
Love yourself and be happy with who and what you are, ikanga. Kung inaalagaan mo naman ang sarili mo, walang rason para hindi ka maging masaya sa itsura mo - kahit na ano pa ang sabihin ng ibang tao.
Natapos ang skrapbuk bago ako nagsimula sa bago kong trabaho. Masakit pa rin ang loob ko dahil nami-miss ko pa rin si Andres. Hindi naman mawawala ang lungkot ko hangga’t hindi kami “tugeyder ageyn”. Pero kahit papaano, nakatulong sa akin ang pagmumukmok ko’t pagkalikot sa mga ala-ala ko. Nung pers dey ko sa trabaho, medyo magaan na ang loob kong humarap sa tao at sabihin sa mga kaibigan ko dito nang wala ng masyadong sakit, “Kelangang bumalik, eh.. pero 6 na buwan lang.. babalik din ako sa Amerika… hinihintay ako dun ni Andres.”


