Hwer Wer Yu Hwen Dis Was Namber Wan?
(Samo’t-sari Isyu 9, January 26, 2003)
Nung minsan may pinadala sa aking i-meyl ang kapatid kong si Greta. I-try ko raw at nakakaloka. Nung binuksan ko yung atatsmen (uy, ingat kayo sa mga atatsmen, pwedeng may baryus yun kaya iskan nyo muna), ang nakalagay “Music Trivia”. Sabi ni Greta, sabay raw naming sagutin. Ang obdyektib: hulaan mo kung saang kanta galing ang mga linyang nakasulat. Isang daang linya ng iba’t-ibang kanta, ano ang taytol? Inabot kami ni Greta ng maghapon sa chat sa kakasagot sa mga tanong. Nakakaaliw kasi dahil bigla mong maiisip, “teka, alam ko itong linyang ito.. ano’ng kanta nga ba ito?!?!”. O tipong “sus, kanta ba ito??? parang hindi ko ata alam ito!”. Eto na lang ang por eksampol:
2. the kind of love that lasts forever?
14. even though it’s been so long?
26. lovin’ you both is breakin’ all the rules?
50. skinned our hearts and skinned our knees?
90. change the numbers on my telephone?
95. you tell me you’re in love with me?
Sampol pa lang yan… kung dyan pa lang naloloka na kayo, subukan ninyong sagutin yung buong isang daang puro ganyan.
Bakit kami tuwang-tuwa bukod sa mababaw naman talaga ang kaligayan naming magkapatid? Kasi marami sa mga kantang yan eh panahon namin ni Greta. Tatlong taon lang naman kasi ang pagitan namin kaya’t yung mga kantang nauso eh pareho naming panahon. Kahit na nga yung mga panahon pa ng seventies, pareho naming gusto yun. Oh, ha… paslit pa kami nun. Kaya lang nga lagi naming naririnig sa radyo ng mga tiyahin at tiyuhin namin kaya’t nasaksak na rin sa utak namin ang mga kantang yun. Nung dumaan naman ang mga pangkistang nagtitigasan at nagtataasan ang iba’t-ibang kulay ng buhok, eto naman ang mga panahon na nagdadalaga na kami. Iyan yung panahong pumupuslit kami ng punta ng party ng sabado-nights. Bago kami umalis, tatalian na namin ng mahabang lubid ang isang paa ng kapatid naming si Ringo at ilalabas namin sa bintana ang kabilang dulo ng lubid. Kapag umuuwi kami ng madaling araw, hihilahin lang namin ang lubid na galing sa bintana at magigising na si Ringo at pagbubuksan kami ng pinto.
Pareho-pareho kami ng paborito ng mga kapatid ko. Madalas ngayon kapag may naririnig kaming mga bagong awitin na alam naming magugustuhan ng isa’t-isa, sinasabi naming purbahan itong mga kantang ito. Pero iba pa rin ang appeal ng lumang mga kanta. Naalala nyo pa ba si Mike Francis, Patti Austin, Amii Stewart, o ang Clarke/Duke Project, James Taylor at marami pang iba? Eto ang mga paborito namin. May mga nag-one-hit wonder lang at meron namang hanggang ngayon eh lahat ng gawing kanta eh mga hits. Kung si Popoy nga ang unang kantang natutunan eh “Do me wrong, do me right” ni James Taylor.
Malaking parte na kasi ng buhay nating mga Pinoy ang musika. Kapag birthday mo, may labas kayong magbabarkada, napagalitan ka ng mga feyrents mo, una kayong nagkita ng dyowa mo, nagbreak kayo ng dyowa mo o nagkabalikan kayo ng dyowa mo, lahat yan pwede mong lagyan ng musical scoring habang nangyayari. Lahat yan pwede mong lagyan ng theme song. Kaya nga’t tingnan ninyo, hit na hit ang mga karaoke at mga videoke bars sa mga pinoy. Ang mga balikbayan, kapag umuuwi, sangkatutak na mga minus ones na laser disk, tape cassette o VCD ang binibili sa divisoria at greenhills at dinadala sa kung saan sila naroroong parte ng mundo. Kasi mahilig tayong kumanta. At mahusay tayong kumanta.
Yung isang kaibigan kong intsik. Bilib na bilib sa Pinoy kumanta. Kasi ang mga tsekwa raw kapag kumanta ng ingles halata pa ring daw na instik. Pero ang Pilipino, kapag raw narining mong kumanta ng ingles, akala mo raw Amerikano kasi magaling ang diction. Tama nga, hanggang marinig mong magsalita ng “Dat sung , May Wi, was labingli didikitid tu may huwan en onli, Esfe.” Bigla kang kambyo ng “Ano raw??!? Sya ba yung kumantang katunog ni Frank Sinatra kanina?”
Alam ko, intrigang-intriga na kayo dun sa sinagutan namin ni Greta na music trivia at gusto nyong purbahan kung gaano ang inyong “nowleyds is pawer” sa larangan ng musika. Kaya eto na, idownload ninyo dito at nawa’y magpabasbas muna kayo kay Cardinal Sin para makasagot kayo ng kahit na kalahati man lang! Gudlak na lang sa inyo! Kung nasagutan ninyo ng tama lahat, padalhan ninyo naman ako ng kopya ng mga sagot ninyo at na-alog talaga ng husto ang utak naming magkakapatid sa quiz na yan!
Maraming salamat sa sinumang gumawa ng trivia na ito. Ang galing mo, bata!



a-shu-know, ngayon lang ako nakabalik ulit sa site nyo, so im digging up your archives pa… :) tenkyu, btw, for visiting my humble abode, ‘te sienna (hahaha! feeling close.)
eniwe, nakuha ko lahat ng sagot sa list mo above. hehehe, im a music freakazoid. ju happen to have the entire list pa rin? if it isn’t too much to ask, could u pretty please send it to me (blotskicutips@yahoo.com)? hayaan nyo, pag nagawi ako sa lugar nyo, ipaghuhugas ko kayo ng pinggan for 2 weeks. pramis. :) tenk u po!
June 20th, 2008 at 6:37 am