Litratong Pinoy Challenge – Makulay

59/365 days of blogging.

Oo, cencia na.  Siempre Pasko kasi kaya medyo nawala ako.  Ganun talaga pag punong-abala.  May mga parties, may mga shopping, may mga lutuan na nangyari kaya talagang hindi na ako nakapag-blog.  Eh ilang beses din kaming nag-nyapping para may maibigay sa mga prenships.  Tapos isipin nyo yung mag-balot ka ng ganun karaming regalo.  Nagiging toxic city yun. hehehehe  Pero balik na ako ulet, siempre.  At dahil dyan, dahil Lunes ngayon, Litratong Pinoy Challenge tayo ulet. Sa inyong lahat, merry, merry Christmas!!!

Broad St. Philadelphia

(Nakita 64568 beses ng 11093 bisitors)

Artes Huwebes – Livebrush Doodling

49/365 days of blogging.

Si Lovely at Si Sef

Ang bilis ng araw, nag-Huwebes na ulet!  At artehan tayo ulet!

Naalala nyo ba nung sinabi kong gagawa na ako ulet ng mga drawings sa Wacomm Tablet ko dahil may nakuha akong Bamboo Dock na application?  Huwell, sinubok-subok ko ang mga applications sa Dock.  Hindi pa ako masyadong nakakagamay, pero naaliw lang akong mag-doodle.  Sinasanay ko lang ulet ang hand-eye coordination ko.  Kasi nga hindi mo talaga pinagmamasdan ang kamay mo habang gumagalaw ito kasi sa monitor ka nakatingin.

Ineexperiment ko lang yung Livebrush na application.  Nakakaaliw yung mga decorations nya.  Pero I’m sure, marami pa akong hindi pa nadidiskubre kasi minsan, gusto kong ibahin yung background, gusto kong ibahin ang strokes.  Hindi pa abot ng huwisyo ko ung mga ganung kaeklatan nya.  Pero aliw pa rin sya.

Chynna en Coco

Sinubukan kong paglaruan yung mga picture-elya ng mga sisteraka.  Kasi nga doodling lang muna aketchiwara.  Mistulang kunwari nagtetelebabad lang ako tapos may hawak akong ballpen at papel at ikot lang ng ikot ang ballpen ko sa papel.  Mga ganun lang ba.  Andyang lagyan ko ng bagong buhok si Sef o di kaya nagtae raw yung red ballpen  ko.  Mga ganung kachorvahan lang.

Di bale, nek taym, mas maganda na.  Tumitingin ako ng mga gallery ng livebrush, ang gagaling nila!  Wish me luck, harinawa, ipagkaloob ni Lord na gumaling din aketch.  Ang sarap ng Artes Huwebes talaga!

(Nakita 66531 beses ng 11235 bisitors)

It’s Just Another Christmas Potluck

48/365 days of blogging.

Christmas Party circa 2007

Tapos na ang party sa opis.  Actually hindi sya party eh.  Kainan lang.  Potluck.  Nakalimutan kong bumili ng ingredients, gagawa sana ako ng macaroni salad.  Pero since lumabas kami ni Bossing kahapon para bumili ng regalo ni M, nakalimutan kong may dapat pala akong lutuin.

Pero keri na rin.  Bumili na lang ako ng 2 lbs na macaroni salad at 2 pounds na coleslaw sa Graul’s.  Ok na rin na yun.  Masarap naman sa Graul’s eh.

Nakipagkita rin ako kay Tony.  Isa sa mga consultants ng project namin na napalapit na rin ang loob ko.  And yun nga, wala na syang trabaho pa pagkatapos nito.  Medyo ok lang naman yun – binata si Tony.  May bahay na bayad na at mapera.  I have a feeling hindi naman sya talagang mahihirapan din humanap ng ibang trabaho.  Pero yun nga, yun lang ang problema pag IT consultant ka.  Kapag natapos na ang project or biglaang tinigil ng kumpanya ang isang project, wala ka na.  Walang security of tenureship sa consulting.  Kahit na nga sabihing ang laki-laki ng perang pinapasok nito sa iyo.  But even then, sa edad ko ngayon, parang mas gusto ko na yung seguridad.  Hindi na ako bumabata atsaka lumalaki na ang competition sa labas.  Mas mga bata, mas  mura ang hihinging mga sweldo.  Hindi ko na maafford yun. Altho, para sa mga malalaking kumpanya na mainframe lang ang hawak, kumokonti na ang mga IT programmers na marunong ng mainframe at COBOL.  So *kibit balikat*, who knows… another 5 years down the road, bumongga na naman ang mga karir namin.  Kapag nagsipag-retire na ang mga dinosaurs.  Pero by that time, 50 na ako.  At malay mo, baka nanalo na ako ng lotto by then. (Parang naririnig ko na naman si Lord na nagsasabing, “Eh tumaya ka kaya para fair???”)

At ang lamig sa labas!!! Leche, wala pang winter, ah!

(Nakita 63260 beses ng 10939 bisitors)

Pinalaya Na Si Hubert Webb!

47/365 days of blogging.

Si Webb nung 27 anyos sya.

Malaya na si Hubert Webb at ang mga kasama nya (pwera dun sa dalawa pang pinaghahanap ng batas pa rin  ngayon).  Labing-limang taon na nakakulong.  Labing-limang taon.  Kinulong sya nung 27 sya.  Magfo-43 na sya ng lumabas.  At para sa isang kasalanan na “hindi” nya ginawa.

Nung mga panahon na yun, hindi ko na maalala kung ano ang stand ko sa issue.  Naaawa ako kay Mang Lauro kasi isipin mong umuwi ka ng bahay, patay ang lahat ng mahal mo sa buhay.  Hindi lang pinatay ang anak mo, ginahasa pa bago pinaslang.  Nakakaloka yun.   Pero on the other hand, may mga ebidensyang nagsasabi na nasa States si Hubert nung mangyari yung krimen, despite yung mga allegations at testimonya ni Jessica Alfaro at mga labandera.  Nadungisan na rin masyado ng media ang mga naakusahan.  Aba, may Vizconde Massacre pa nga na pelikula at  yung Jessica Alfaro Story na iisipin mo ngayon, base nga ba saan yung mga pelikulang yun kung napatunayan ngayon na hindi naman tutuo ang mga binintang kay Hubert?  Mga anak ng mga mayayaman at mga artista kasi ang mga sangkot kaya iisipin mo, bias nga ba ang mga balita? Ang testimony ni Jessica Alfaro, kahit na nuon pa, flimsy talaga sa akin.

Kahit ang pinakarerespeto kong si Winnie Monsod naniniwalang walang sala si Hubert.  Kahit si Mon Tulfo naniniwalang inosente sya.  Bigla kong naisip na baka nga… baka nga wala syang kasalanan.  At mas lalo na nung mabasa ko itong compilation ng mga ni-research ni Stuart Santiago tungkol sa kaso.   Mababasa mo pa na baka nga benggansya lang ng NBI ito kay Freddie Webb dahil sa nadiskubre nyang pagpapa-laya ng NBI sa nga Indonesians na gumagawa ng droga nun sa Paranaque.

Si Hubert Ngayon (Salamat kay Bullit Marquez sa litrato)

Iisipin mo tuloy, God… 15 years na nasa kulungan si Hubert.  Naikumpara ko tuloy sa buhay ko.  In 15 years, ang dami nang nangyari sa buhay ko.  Ang dami nang nagbago.  Marami na akong milestones na naranasan.  Tapos eto ang isang halos kasing-edad ko, 15 years na nasayang ang buhay sa loob ng bilangguan.  Paano mo pupulutin ang mga natirang bahagi ng buhay mo at magsimula ulet?  Hindi lang sya… ang buong pamilya nya.

At all these years na nagdurusa rin si Mang Lauro.  Kung hindi pala si Hubert, sino ang tutuong pumatay sa pamilya nya?  Nasaan sila? All these years, malaya ba sila.  Who knows kung nakasalubong pa nya sila, na-eye-to-eye pa.  Nakasamang naglalakad sa kalye sa Paranaque? Nakaka-kulta ng utak na isipin.

At si Judge Tolentino.  Ano nga kaya ang talagang pumapasok sa isip nya nun?  Bakit may mga ebidensya syang hindi pinapasok sa kaso?  Ang semen sample, san na napunta?  Marami talagang butas eh.  Tsk…

Masaya ako sa pamilya Webb dahil sa wakas, after 15 years, isang kumpletong Pasko ang mararamdaman nila.  Para naman kay Mang Lauro, naniniwala pa rin ako sa karma.  Ang mga tunay  na pumatay sa pamilya nya, lalabas at lalabas pa rin yun.

Walang bagoong na hindi umalingasaw ang amoy, kahit pa tinakpan.

(Nakita 67253 beses ng 11670 bisitors)

Christmas Shopping

45/365 days of blogging.

"Underneath the Christmas Tree"

Nakakaloka na nakaka-challenge ang Christmas shopping, as always.  Dahil marami kaming nireregaluhan ni Bossing pag pasko, kailangan mautak ako sa budget at kung anu ang bibilhin.  Ganun talaga yun.  Buti na lang marami din namang mga tindahan ang nagsesale.  Pero siempre, hindi pwedeng basta-basta ka na lang bibili ng mga kung anik-anik na hindi mo iisipin kung magagamit nila yun o hindi. Mas lalo na sa mga bagets.  Masyado akong mapili kapag bagets ang nireregaluhan.

So ano-ano ang guidelines sa pagbili ng regalo sa bagets?

Ang unang rule of thumb, huwag magbigay ng damit sa bagets.  Hindi nila naaappreciate yun.  Ikaw ba nung bagets ka, feel mong may natatanggap ka na outfit?? Mere pang mahal ang outfit, mas type mo pa rin ang laruan kahit na plastic lang yun.

Pangalawa, not unless medyo matanda nang bagets, wag magbibigay ng mga laruan na maraming maliliit na mga parte.  Una dahil baka malunon nila ang mga small parts, masisi ka pa ng mga magulang at baka yun pa ang maging dahilan ng hindi nyo na pagiging magkaibigan.  Pangalawa, alam nyo naman ang mga bagets, kapag nakalat na, baka hindi na makita ang mga parte, hindi na magandang laruin yun.  Pangatlo, dahil nga nakalat na ang mga parts, baka matapakan mo pa ito, ang sakit nun sa paa, pramis!

Pangatlo, bumili ng laruan na pwede nilang laruin ng pabalik-balik.  In other words, yung ma-e-enjoy nila.  Hindi man sa pagbukas, dahil sa dami ng mga matatanggap nila.  Pero yung tipo bang kapag wala nang masyadong gulo sa mga mundo nila dahil sa mga laruan, kapag nakita nila ang regalo mo ulit, matutuwa silang laruin iyon ng mas matagal pa sa 3 seconds.

So challenge yun, diba??  Pero enjoy akong bumili ng regalo ng mga bagets.  Kahit na abutin ako ng syam-syam sa toy section sa mga tindahan, wala akong kasawa-sawang bumalik-balik.  Baka kasi meron akong hindi napansin o baka meron akong nalagpasan na maganda pala.

Ang isa pang naubos ang oras ko, pramis, at talagang hindi ko alam bakit inabot pa ako ng tatlong tindahan bago ako nakabili – gift wrapper.

O diba, may OCD ako talaga! Naghahanap kasi ako ng wrapper na magbe-blend sa puno namin, na hindi magulo sa mata plus, hindi mahal.  Marami akong nakitang magaganda.  Gusto ko nga kasi sana nung una, purple na parang foil.  Pero hellers, kamustahanin naman ang presyo.  At dun ako nagtagal kasi hindi ko matanggap na bibili ako ng mamahalin na gift wrapper na sisirain din naman at pagkatapos direcho na sa basurahan.  At mapamahiin ako.  Dapat ang gift-wrap talagang pinupunit kapag binubuksan ang regalo para mas marami pang regalong dumating sa buhay mo.  Wag nyo ako tanungin kung ano ang logic, basta ganun yun.  May narinigan ako nun.  At bakit hindi ko susundin?? May mawawala ba?

So tatlong tindahan nga ang napuntahan ko bago ko nakita yung perfect na gift wrap.  At yun nga, mga dalawang araw din na panay ang balot ko ng mga regalo at hindi pa ako gaanong tapos.  Meron pang mga dapat balutin at mga dapat pang bilhin.  Pero ikanga, para sa akin, tapos na ang Christmas Rush ko.  Yun na lang pagpapadala ng pera sa Pinas at mga regalo sa Canada para kina Inang ang poproblemahin ko.  Sisiw na yun.

Christmas na nga talaga!

(Nakita 19799 beses ng 3678 bisitors)

Morong 43 Pinalaya Na!

44/365 days of blogging.

Palalayain na ang Morong 43!

Palalayain na ng Malacanang ang Morong 43 pagkatapos na mabilanggo ng 10 buwan.

Dalawang doktor, isang nurse, isang kumadrona at mga health workers ang inaresto nung Pebrero sa Morong, Rizal ng mga militar dahil akala nila mga miyembro sila ng New People’s Army.

Yun ang akala ng mga militar.

Pero pinaninindigan ng 43 na nandun sila sa farmhouse ni Dra. Velmonte, isang espesyalista ng infectious diseases, dahil uma-attend sila ng training.

Hindi nakialam ang Malakanyang, na nasa panguluan ni Arroyo nuon, dahil nasa korte na raw ang kaso at hayaan raw na umandar ang makinarya ng hustisya.  SA loob ng kulungan, hindi sila binigyan ng access sa labas – walang bisita, walang makadalaw.  At nung pinayagan na silang mabisita, inaabot naman ng siyam-siyam at pagdurusa bago nila makita ang mga dumadalaw sa kanila. Inabot ng international media ang balitang ito at maraming organisasyon ang umaapila na palayain na sila.  Besides, it was a violation of the 43’s human rights ang trato sa kanila sa loob ng kulungan.

At ngayon nga, sa ilalim ni PNoy, palalayain na ang Morong 43.

Masaya na si Bossing ko.  Dati rin kasing nag-community ang asawa ko sa Cordillera bago sya umalis ng Pinas.   Kaya naman ang sentimiento nya para sa mga health workers na yun ay ganun-ganun na lang.

Ang di ko maintindihan, bakit sila sinugod ng militar in the first place?  Sabi ni Bossing, ganun raw talaga sa probinsya.  Mas lalo kung tulad ng Morong (o ng Cordillera) na balitang maraming “Nice People Around”.  Kapag raw tumutulong ka sa mahihirap, iisipin ng militar na NPA ka.  Pero ang mas nakakapagtaka, hindi nakialam ang Malacanang nuon.  Pabayaan na raw gumulong ang kamay ng hustisya?  Eh in the first place, walang justice nga na binitbit ang mga health workers at kinulong.  Nasaan ang hustisya dun?  At hindi sila nakialam dahil wala silang pakialam in the first place.

At ngayon pinalaya na sila ni PNoy.  Hindi kaya dapat idemanda ang mga opisyales na nagpa-order na hulihin sila?  Hindi biro ang makulong ng 10 buwan.   Kung ako yun, titigil sigurado ang takbo ng mundo.  Babagal naman ang takbo para sa mga kamag-anak ko.  Mas lalo na dahil wala ka namang kasalanan at kung tutuusin, sa kabutihan ng puso mo, gusto mo lang tumulong sa mga mahihirap na hindi makapunta sa isang matinong ospital.

Kung ako, talagang susuyurin ko ang buong AFP at hahanapin ko ang mga taong may kasalanan nito.  Sila naman kaya ang ipakulong ng malaman nila yung pasakit na binigay nila?  Unfortunately, nawawalan ako ng kumpyansa sa militar natin.  Alam ko may mga mabubuti sa kanila.  And for sure, marami silang hindi naman baluktot.  Pero kapag ganitong, masyado silang na-e-eclipse ng mga kasama nilang may kasamaan ang utak. :(

(Nakita 23817 beses ng 4533 bisitors)

Flashback Friday

43/365 days of blogging.

Ang Isa sa Pinaka-kilalang Pose Ni Shaun Cassidy

Ok.  Flashback Friday ulet tayo!  Grabe, naka-isang linggo na magmula ng unang episode ng FF?  Ang bilis talaga ng panahon.  Baka mamaya, pag-gising ko, sitenta anyos na pala ako.  Kakaloka!

Hokey, dahil napaguusapan natin ang edad, eh magreminisce tayo nung kabataan natin (aruuuuuuuuuu!!!).

Eh di siempre, mga last punggol ng dekada sitenta, mga dose-trese na ako nun.  Uso na sa amin nun ang mga “crushes”.  Pero ang matindi sa amin nun, yung naloloka sa mga teen idols na jameyrikan.

Sus, kilalang-kilala namin nun ang Teen Beat, Tiger Beat, 16 pati na ang TV Times.  Yun ang mga bibliya namin nun kasi nga dun kami nakakakuha ng balita tungkol sa mga idol namin.  At ang mga mainit na mga boylets nun sa amin?  Si Shaun Cassidy, Leif Garrett, Scott Baio, Andy Gibbs, etc.

Kaya 2nd year high school ako nun, ang labs na labs ko si Shaun Cassidy. As in lokang-loka ako dun.  Lahat ng pwede kong bilhin sa naipon kong baun ko na mga magazine na local na andun sya buysung ko. Mereng maubos ang baon.  And take note, wala akong masyadong baon nun.  Pati mga 33 rpm na LPs (as in plakang long-playing album), meron ako nun.  Hindi ko nga maalala paano ako nagkakaroon nun, eh kung mga apat na album nya, meron ako.  Eh mahal din ang album nun ha.  Hindi ko alam kung niregalo ba sa akin ng mga magulang ko at mga tyuhin at tyahin ko, pero meron ako nun.

At siempre pa, dahil fan ako ni Shaun Cassidy, suki ako ng “The Hardy Boys” nila si Parker Stevenson.   Kapag ipapalabas na yun sa TV, nakatutok na ako.  At selosa ako nun, ha.  Ayokong may mga kapartner syang babae.  Di ko feel.  Parang kinakaliwa ako nun. Hehehe

Leif Garrett

Basta alam ko nun, halos lahat ng kanta nya, alam ko.  Memorize ko yun.  Mereng, masira na ang mga plaka ko, paulit-ulit ako nun na tinutugtog sila.  At dahil may mga magazine akong napapadala ng tyahin ko nun, nakikipag-swap pa ako ng mga posters ng ibang artista nun kapag may tine-trade silang mga litrato din ni Shaun.   Uso sa amin yun.

Kung tutuusin, siguro si Shaun ang puppy love ko nun.  At sobrang puppy love yun.  Makikpag-away ako sa mga fans ni Leif Garrett.  Kasi nga pinagpipilitan nilang mas gwapo si Leif kay Shaun.  Eh hellers, nung mga panahon na yun, mga mga kuha syang mukha syang masyoho.  At ang balita pa nga, nung bumisita dito si Leif at nag-guest sa Student Canteen nun, may putok raw.  At yun ang lagi kong pinang-aasar sa mga fans nya nun.  Eh siempre, si Shaun, mabango. (Kahit walang makapag-patunay na mabango sya).  Like that talaga.

At ano ang gustong-gusto ko kay Shaun?  Ang buhok!

Eto na lang tingnan nyo.  Hindi ba naman kayo maloka sa lalakeng ito??? Eh kaya nga heartthrob ang tawag sa kanya, diba?



(Nakita 18383 beses ng 3827 bisitors)

Artes Huwebes – Christmas Cards

42/365 days of blogging.

Ang mga Krissmass Kards 2010

Artes Huwebes na naman! Kaya para sa Huwebes na ito, papakita ko lang yung nagawa ko na (so far) na mga Christmas Cards for this year.  Thank y ou, Lord, at hindi drowing na naman itong year na ito.

Actually matagal ko nang gustong gumawa ng personal Christmas cards. Hindi lang ako nagkakaroon talaga ng enough time to do it (ergo, laging drawing). By the time na oks na oks na ako, ngork… tapos na ang Pasko. Wala nang kwenta. Alangan naman kasing magpadala pa ako ng pamasko na card kung Valentaym’s day na ang pinaguusapan, davah?? Panyet. Mistula na akong retarded nun.

Kaya dish-yir, wala pang Thanksgiving, nagsimula na akong gumawa.  Medyo harang pa nga sa Michael’s at Joann’s nuong una kasi mga pang-Thanksgiving pa ang mga scrap materials nila.  Wala masyadong pamasko.  Mabuti na lang, marami talaga akong gamit ng scrapbooking kaya may nagawa pa rin ako.  (Kaya nyong i-spell ang “hoarding”?) Nung pumasok na ang Disyembre, ayun, nakabili pa ako ng konti pang pwede kong magamit.  Hay naku, nakakaloka talagang magpunta ng arts store.  Kasi mapapabili ka ng kung anik-anik.  Eh hellers, kamustahin nga ang mga gamit ko, davah?? Lahat na lang (halos) meron ako.  Kung hindi lang ako natatakot sa banta ng Bossing ko na ipadadala nya lahat sa Goodwill at mahihirap ang mga gamit ko, sobrang dami na siguro ng mga ito ngayon.  Pero hellers, tama na!! kapag naubos ko na lahat tsaka na talaga ulet.

Ang Isa Pang Set

Pero nung nagplano ako kung ano ang gagawin kong card, ang isang dapat isipin, kailangan, wala masyadong arte ang gagawin otherwise, carreer na gumawa ng 50 cards at baka next year ka na matapos.  Eto nga lang na 15 pa lang ang nagagawa ko, feeling ko gusto ko nang kumanta ng “Malayo Pa Ang Umaga”.  Kakaloka.  Ang dami pala ng 25!   At para hindi ako mabaliw, iba-ibang papel ang gamit ko.  Iba-iba din ang mga lagay ng stickers at mga ribbons.  Para lang hindi ako mabagot kasi pakiramdam ko, iba-iba ang ginagawa ko.  OO, may pagka-ADHD ata ako, maiksi ang attention span ko pagdating sa ganito.  Kailangan laging may variety.

Anek-anek na materyales-fuertes ang gamit ko? Eh di siempre, andyan ang papel (cardstocks, pang card na 5X7, ang envelopes).  Ready-made na ang pinaka-base na card at ang envelopes.  Hellers, ikarir ba ang gumawa ng card pa at envelopes?? Saka na kapag meron na ako nito.

Merry Christmas!

Ang mga foam stickers na binili ko ng muring sa Michael’s ang isa sa pinakagood idea.  Kasi una, mura sila, pangalawa, ang dami nila (bang for the buck talaga), at pangatlo, nagbibigay sya ng dimension (oo, parang dos por dos lang)  sa card mo.  Kasi nga hindi sya flat na tulad ng papel.

Ang mga stamp pads ko na mga 2 taon ko na ring iniipon (na nabibili ko ng mura sa mga sales at auctions).  Mga embossing ink pad, iba’t-ibang kulay na embossing powder at ang aking embossing heat tool na ang laki na ng mga pakinabang sa akin.  May ginagamit din akong distressing ink na tinanong ko pa sa syupatiders ko kung paano gumamit kasi syunga-syunga ako dun.  Isama mo pa ang mga ribbons na nakakadagdag din sa dimensions ng card.

Kaya, ayan.  Tulad ng sabi ko, mga 15 pa siguro ang gagawin ko.  Gudlak sa akin.  Merry Christmas na lang talaga!

Kaya titigilan ko na ito at kailangang bumalik na ako sa pag-gawa ng cards.  Mistulang slave labor lang naman.  Walang break at hindi pa nagtatanghalian.

Ay, magtatrabaho muna pala ako.  I porjat may tutuong trabaho pala ako, hehehehe.

(Nakita 21779 beses ng 4293 bisitors)

Party! Party! Not!

41/365 days of blogging.

Wala raw kaming Christmas luncheon sabi ng mga sekretarya namin.  Paano raw puro mga busy ang mga tao at walang mag-aasikaso.  Isip ko, bakit kaya hindi sila ang mag-asikaso.  Lahat inaaasa nila sa mga programmers.  Samantalang dati, yung Admin Assistant ng kataas-taasang Konde ang gumagawa nito – walang reklamo.  Ang problema nag-retire na kasi sya. Hayyyyyyy.. ayoko man isipin, pero… ay naku, hindi ko na lang iisipin.

At para sa inyong lahat out there na mga namamahala na may mga utaw na pinamamahalaan, sana itong mga bagay na itech, wit ninyong ini-ignore.  Kasi sa true lang, parang pasasalamat nyo na rin ito sa mga piyon na nagtrabaho ng isang buong taon.  Mga ganitong bagay lang naman ang gusto nila – konting kainan, konting salo-salo, mga isa o dalawang oras na may break sila sa sobrang daming trabaho nila.  Wag ninyong kakalimutan ‘to.  Kasi nakakademoralize na maiisip namin, konting sakripisyo para sa amin, hindi nyo pa magawa.  Wag kayong magkakaroon ng mentality na “pasalamat nga kayo’t may trabaho pa kayo.”  Hayaan nyong ang mga piyon nyo mismo ang mag-isip nun sa mga sarili nila.  Na “nagpapasalamat kami dahil may mga trabaho pa kami”.  Tungkulin ninyong paisip sa mga utaw ninyo na appreciated ninyo ang mga ginagawa nila.  Mas lalo na sa mga panahong ito  ng budget cuts, salary cuts, cold cuts, german cut at kung anik-anik pang mga cuts na naiimbento para lang hindi gumastos.  Ngayon tayo dapat na positive pa rin ang kaisipan at pakiramdam.

Kaya ayun, kami-kami,nag-plano kami na maglu-lunch out.  Keri na rin.  Galing sa mga bulsa namin ito pero kasi kailangang merong ganito eh.  Mas lalo na ngayong back to normal na lahat.  Importanteng marenew yung camaraderie at samahan.  Group dynamics din ito.

Kaya kayo ha… next time, mas alam nyo na ang gagawin ninyo.  Hmp! Simberguenza!  Imbey!  Taltal M!

Eto na lang, para masaya na ako ulet. Gumawa na lang ako ng elf christmas namin ni Bossing at mga pamangkin ko kay Greta. Meron din sa mga junakis ni Patring. Happy Miyerkules!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 15811 beses ng 3632 bisitors)