…It’s Raining Somewhere In Some Cafe

I’m back!!! 

Nag-pahinga ang lola nyo pansamandali dahil sa true lang, sobrang hectic ang mga scheduling ko.  Maraming inayos, maraming inasikaso, maraming nilinis at niligpit.  Not to mention, ang mga lamyerda and welcomed house guests in between, walang patumangga!  Hindi pa nga tapos ang pag-ala-trading spaces ko sa pag-home improvement mode ko.  Tip of the iceberg pa lang ang nagagawa ko.  Kaya, in fairness ha, if you think about it, sa mga araw na nawala ako, marami na rin akong nagawa.  Palakpakan nyo na ang amazing accomplishments ng lola ninyo!

Bago ako umalis ng California, nag-usap kami ni Daisy (yup, si Alembong ay buhay na buhay at kikay na kikay pa rin).  Comparatively with our other “Friday Night Poker” friends, bago-bago pa lang sila ng dyowa nyang si Donald at dyunak nilang si Pen sa West Coast. Galing sila sa East.  With all the disappointments I’ve had with living in Los Angeles (take note, ha.. LA lang.. I will always love San Francisco kasi), sinasabi na nya sa akin na the East Coast will be altogether different. 

Kinuwentuhan nila akong mag-dyowa ng buhay nila sa East Coast… what I’d expect and what makes this part of the US so special for them.  At natatandaan ko, sinabi sa akin ni pren Daisy, “I’m sure, Ate Siennes, with your personality, mas magugustuhan mo ang East Coast!”

And true enough, I do love the East!  Mas driveable ang freeways, I can see the change of the seasons, pero sinigurado na akong hindi ito kasing-lamig ng Calgary sa winter time.  The structure of the houses is different.  The whole feel of it is different!  Home-ier (ganun ba spelling nun? hehehe), more heart-warming, cozier.  Ewan ko… iba ang feeling.  Hindi ko ma-eksplika, pero alam ko, ito na ang hinahanap kong lugar kung saan pwede kong masabing, “Dito na ang pagpapahingahan ng isip at puso ko.”

Of course, super-duper laking difference din dahil sa kasama ko si “Bossing” – the sole and only reason kung bakit ako lumipat sa Maryland.  If not for him at hindi na kami nagkitang muli, bumalik na ako ng Calgary nung matapos ang nakaraang chapter ng buhay ko.  Wala rin namang masama kung bumalik sa Canada kasi citizen naman ako dun, may bahay ako dun at kasama ko sina Itang at Inang.  Maganda rin naman sa Canada (kahit kakaloka ang lamig!) 

Pero sadyang ganun ang pag-ibig.  Mas malaki ang effort sa part ni Bossing kung sya ang pupunta ng Canada kaya ako na lang ang nag-get up and go.  Kaya for convenience nga ba?  OO, for convenience nga. Mas convenient naman talaga na magkasama na kami kesa long distance, kaya?  (Taray Mode ON. OO, tama ang basa mo.  At kung may phone in question ka, sa akin mo itanong at ‘wag sa mga nananahimik kong kaibigan, ok? Taray Mode OFF.)

One of the first places na pinagdalhan sa akin ni Bossing ay Washington, DC.  Think Forrest Gump at the Lincoln Memorial.  Nag-train lang kami ni Bossing to the Union Station sa DC and when the doors of the station opened up to the outside, sa tutuo lang, feeling ko gusto kong halikan ang lupa!  Nasabi ko tuloy sa sarili ko, “Eto… eto ang Jameyrika!”  Grabe.. ang ganda-ganda.  Kakabloom lang ng mga cherry blossoms at talagang feeling mo wala ka sa Pinas!

Marami kaming pictures na kinunan, pero isu-suspeng ko muna kayo.  For now, ito na muna ang tingnan ninyo. 

 

 

     

The US Capitol

 At the National WWII Memorial

Si Bossing, by the Philippine pillar

Me and Bossing with the Washington Monument behind us

 

 

 

 

(Nakita 13464 beses ng 2736 bisitors)