Inang’s Pansit Palabok
(Pansit Issue 3, February 17, 2002)
Eto na.. ang espesyal ng inang ko na pansit palabok! Kung matatandaan ninyo, panay ang banggit ko sa aking inang at ang kayang ever-feymus na pansit. Medyo ayaw ni inang nung una na i-sheyr sa mga tambay dito at baka raw marami nang makaalam. Pero pagkatapos kong pangakuan na i-re-renta ko sya por wan mant ng lahat ng paborito nyang tagalog na VHS kay Mang Ernie sa downtown, bumigay din sya.
Si Inang ko, maagang kinasal yan kay Itang ko. Mahigpit kasi si lolo ko at hindi pinapayagan sina inang na mag-nobyo nung araw. Eh in-love nga sila ni Itang ko kaya ayun - dalawang beses nag-tanan, dalawang beses din syang binawa. Sa pangatlong bes na pagtanan, nagkamot na lang ng ulo si lolo ko, bumuntong-hininga at pumayag na syang ikasal ang mga magulang ko.
Apat kaming naging bunga ng kanilang pag-iibigan (Naks!). Panganay ako, pagkatapos ng 3 taon sumunod si Greta, at 3 taon pa ulit, si Ringo naman. Akala namin bunso na si Ringo. Pero lingid sa lahat, nung apat na taon na ang kapatid kong lalaki, buntis na naman pala si Inang ko. Walang nakakaalam. Ni lola dear ko kung saan kami nakatira nun, walang malay. Nalaman na lang nila na buntis ulit si Inang nung talagang malaki na ang tyan nya. At ito ang kapatid kong si Patring - ang pinaglihi sa lihim.
Ay, si inang, disiplinarian yan! Araw-araw nakabantay yan habang gumagawa kami ng asayment. Kailangang maayos ka pagpasok sa eskwela. Gabi-gabi, bago matulog, pinapaliguan na nya kami. Araw-araw kailangan matulog ng tanghali. (hehehe, nadiskubre namin ni Greta na kaya pala kami pinapa-isleep ni inang ng tanghali kasi para makapahinga siya sa kulit namin - katulad ng ginagawa ni Greta kina Popoy at Mokong ngayon. Yun pala yun.) Pero dahil na rin sa disiplina na yon, awa ng Dyos, nasa section one kami lagi at may honor medal paminsan-minsan. Nung greyd por ako, inabot ako ng talak ni inang kasi hindi ako seksyon wan - seksyon five! Imbyerna sya! Na-praning din ako - mataas naman greys ko, bakit ako seksyon 5?!?! Medyo nahimasmasan lang si Inang nung sabihin ko sa kanya na lahat ng mga kaklase kong matalino eh nasa seksyon 5 din. Eh sus naman, sino naman kayang nagmarunong sa prinsipal’s opis ang nakaisip na i-jumble ang mga seksyon at lahat ng ro-por eh nilagay sa seksyon wan? Magaling, diba? Lahat ng tao pinraning nila!
Nung magdalaga at magbinata na kami, mas humigpit si Inang. Siguro kasi ayaw nyang matulad kami sa kanila ni itang na maagang nag-asawa. Pumapayag naman si inang na magnobyo ako pero ayaw nya ng party at kung saan-saan pang gala. Pagkatapos ng eskwela, derecho uwi. Anong project-project? Pagkagat ng dilim, sori nalang ang wala sa bahay, may kurot sa singit na salubong sa’yo pagpasok pa lang ng pinto. Kaya naman, may nobyo nga ako, hindi ko naman naranasang mag-date. Nag-date akong minsan, kabado pa ako na baka ma-julie andrews ako, pinagpapawisan ang kamay ko sa nerbyos. Turn off, diba?
Malaki ang hirap ni inang at itang sa amin nung mag-kolehiyo na kami. Si Inang, para makatulong kay itang, nag-tinda ng kung ano-anong mga goods na galing sa Jong-king. Gawa ng may koneksyon sa mga artista, sa loob sya ng dating Broadcast City nagtitinda kaya kilala nya yung mga artistang kuripot, galante at paiyakan bago magbayad (hindi nyo aakalain!). Pero nagbunga naman ang paghihirap nila - nakatapos ako ng kolehiyo at nag-aral pang muli pagka-gradweyt, Ss Greta, dalawa pa ang major sa commerce, si Ringo, kilala at matatawag na ring haligi sa propesyong pinili at si Patring kahit paano’y papunta na rin sa Canada kasama ang kanyang mapapangasawa. Kung babalikan ko yung mga panahon na nag-aaral pa ako, nagpapasalamat na rin ako na pinagdikdikan sa amin ni inang ang disiplina. Kung hindi, sa dinami-dami ng mga kalokohan at temptasyon sa paligid namin, malamang wala kami sa kinaroroonan namin ngayon. May maaga bang nag-asawa? Bente’y nwebe na si Greta ng ikasal ng nobyo nya ng sampung taon, binata pa rin si Ringo (awa ng Dyos walang nabubuntis sa dinami-dami ng mga nagiging girlpren!), bente’y sais na si Patring at sa Pebrero palang ikakasal kay Pol na nobyo nya nung high school pa. At ako? hehehe, maganda pa ren!
Pero mellow na si Inang ngayon (kasi siguro tapos na rin ng menopause). Ka-jamming ko na ng tsismis yan. Madalas, shopping ang atupag namin nun dahil pareho kaming mahilig mag-tingin-tingin kahit walang bibilhin. At bukod sa i-spoil-in ng husto sina Mokong at Popoy, ang pang-aliw nun magmula ng magsipag-trabaho kami ay cross-stitch. Go ka sa balay namin sa Cubao at dyuskokuryu, akala mo may tindahan kami ng cross stitch sa dami ng mga naka-sabit sa dingding! Ultimo nga si itang nung mag-retire sa Pinas, yun ang ginagawa. (Ano kayo… bongga si fader!) Nanalo pa yan si Inang ng nationwide na contest sa cross-stitch. Vonggah!
Ang isa pang kinahiligan talaga ng husto ni inang ay ang pagluluto. Ngayon, bunga ng cooking sessions nila ng Papang ko na ala-Nora Daza, eh pwede na syang pumalit kay Nora Daza! At isa nga sa pinakapaborito ko ay itong palabok nya. Sana, magustuhan ninyo. Meyd wid lab bay mader.


