Patring’s Sotanghon
(Feyvorit Pansit Isyu 5, May 27, 2002)
Two souls and one thought, two hearts and one pulse.
– Halen
O mga suki, masarap ba ang hinanda kong sotanghon na pang-meryenda ninyo? Paborito yan ni Patring, ang kapatid kong bunso. Nung huling Sabado ng Pebrari kinasal na siya kay Cholo. Matagal nang mag-dyowa yung dalawang yon - pers yir high school pa lang ata. Sabi ni Patring eh on en off raw sila pero, ika nga ng mga olds, kung kayo, kayo talaga.
Si Patring, loves na loves ko yan. Sa lahat kasi ng kapatid ko, yan ang talagang naalagaan ko ng husto. Well, sort of… may tagapag-alaga naman syang talaga. Pero siempre, feel ko lang na alagaan sya paminsan-minsan. Ginagaya ko yung mga kaibigan ko na kipkip-kipkip ang mga batang kapatid sa bewang habang naglalaro. Nung terd yir hay skul ako naiwan kaming dalawa sa bahay. Wala si Inang ko, nasa trabaho si Itang at ang yaya nya nag-off ata. Apat na taon pa lang sya nun. Kung bakit naman kinati ang kamay ko, ginupitan ko ang buhok nyang lagpas balikat na nun. Tuwang-tuwa sya kasi “short” na nga raw, ako naman proud kasi pers taym kong gumupit ng buhok ng tao at pantay naman. Akala mo ba natuwa si Inang? Muntik nang himatayin nang makita si Patring at pinagalitan ako dahil pinakialaman ko ang buhok nya. From then on, iwas-pusoy na ako, never na akong nag-attempt! Si Patring naman college na ata nung maisipan na gupitin ng maiksi ulit ang buhok. Hindi na tumutol si Inang ko nun, siguro nagsawa na ring makitang mahaba ang buhok nya.
Pinaglihi kasi sa lihim ni Inang (limang buwan na atang buntis si Inang kay Patring bago nalaman na buntis pala si Inang ko), kaya pinakatahimik sya sa aming magkakapatid. Peborit ni Itang yan, kasi mana raw sa kanya. Si Itang kasi hari ng ded-ma yan, hindi masyadong masalita. Kaya si Patring ayun, yamut na yamut ka na minsan hindi pa rin kikibo sa iyo yan. Ni hindi magsasalita o magrarason kaya hindi mo alam kung ano ang tutuong nasa isip. Makikita mo na lang yan tumutulo ang luha. Kabaligtaran yan ng kapatid kong sumunod sa akin na si Greta. Si Greta, hanggang may rason, magrarason yan. Sumurender na ang Bataan, sya hindi pa rin! Pero kahit na anong gawin ni Patring, magalit man ako ng husto, hindi ko pa rin matiis na magalit ng matagal. Bunso nga kasi.
Pero hindi lang ako ang protective kay Patring. Si Ringo, ang kaisa-isa kong kapatid na lalaki na sinundan ni Patring, mas lalo ng protective yon. Nung dalaga na yang si Patring, magdasal ka nang hindi alam ni Ringo na wala pa si Patring sa bahay at nauna pa syang umuwi. Asahan mo, nag-aabang na yang si Ringo sa may guard house namin at nakapamewang pang akala mo pitsel habang naghihintay. Kami ni Greta, walang pakialam yang si Ringo kahit na umagahin… pero kapag si Patring na, akala mo si Itang ko na todo-bantay.
Nung minsan, may naka-away na unano si Patring sa may amin sa Cubao. Hindi ko alam kung nakanti nun ang kapatid ko pero umuwing umiiyak si loka at inaway nga raw sya nung unano. Nagkataon nasa bahay si Ringo at si Itang nung mga sandaling yon. Yung labas na yon ng kapatid kong lalaki atsaka ng tatay ko, hinanap pala yung unano na kapitbahay pala namin. Ayun, sinapak at binugbog nila yung kawawang unaning. Kinaladkad ni Itang papunta sa bahay namin at pilit na pinag-sorry kay Patring. Kami ni Greta, hindi namin alam kung matatawa kami sa itsura nilang apat pero nagsorry naman si liit. Magmula nun, iwas na yung unano sa bahay namin. Ganun na nga ata kami ka-protective talaga kay Patring.
Touched na touched nga ang mga kaibigan namin dahil nung kasal, habang nagkukuhanan ng litrato, nakita nilang matagal na nagyakapan si Patring at Ringo. Para bang sinasabing, “Hindi na nga bata ang kapatid kong bunso…” Hindi ko maalala kung ginawa rin ito ni Ringo nung kinasal si Greta, pero siguro nga feeling ni Ringo, pinauubaya na nya ang kapatid ko kay Cholo.
Bago ako umalis papuntang Canada nung 1996, iyak nang iyak si Patring nun. Nung huling gabing yon, sa kwarto ko pa sya natulog. Sasama na lang daw sya sa akin. I-promis ko raw sa kanya na kukunin ko sya papuntang Canada. Muntik na talagang matupad yon nung kinuha ko na sina Itang at Inang… nagkataon lang na nagkaproblema sa mga papeles nya kaya hindi sya nakasama. Pero, mabuti na lang, gusto na rin ng mapapangasawa nyang si Cholo na mag-migrate papuntang Canada. Sana nga, matuloy na silang dalawa.
Mabait si Cholo. Sa lahat ng nanligaw kay Patring, siya ang pinakapaborito ko. (Parang si Gabo na asawa namin ni Greta at tatay ni Popoy at Mokong. Feyvorit ko rin yung bayaw ko na yon.) Sa lahat, si Cholo ang talagang nag-tyaga sa ugali ng kapatid kong loka-loka rin. Parehong gwaping yung dalawa kong bayaw na yon… blend sila talaga sa pamilya Zaragosa. (Mwahahahaha!) Kaya’t ang masasabi ko lang kay Cholo at Patring, best hwishes at gud lak! Sana’y habaan nyo pa ang pasensya nyo sa isa’t-isa at sana laging puno ng pag-ibig at pagmamahalan ang inyong araw-araw!
Chicken with Sotanghon
1 chicken
1 sibuyas, hiniwa
2 pirasong bawang, dinikdik
2 kutsarang mantika
1 tangkay ng green onion, hiniwa-hiwa
Asin at paminta
1 kutsarang patis
1/2 cup diced, dried mushrooms
1/4 kilo sotanghon
Achuete
Pakuluan ang manok hanggang lumambot. Itabi ang pinagpakuluan. Tanggalin ang laman ng manok at hati-hatiin ng manipis.
Mag-gisa ng sibuyas at bawang. Isama ang sabaw ng pinakuluang manok at timplahan ng patis. Idagdag ang atswete, at hiwa-hiwang manok. Intaying kumulo.
Idagdag ang sotanghon na nakababad sa tubig.
Ilagay ang mushrooms na nakababad rin sa tubig. Timplahan ng asin at paminta. Ihalo ang green onions.


