Ito ako...
Dear Ate Sienna...
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Natawa Ako Dito :)
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Samo't-Sari
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Nakakayamot!
1
2
3
4
5
7
8
9
My Peborit Pansit
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Para Kay Girlie
4
5
6
7
8
9
Lumang Indeks
1
2
3
4
5
6
7
8
9
At yan sana ang gusto kong ikwento sa inyo - ang kabataan ko. Pero ayaw ko man o gusto (hehehe), malaking parte nito ang kapatid kong si Greta. Kaya naisip ko ulit (puro isip...) mas maganda kung siya na lang ang ikwento ko sa inyo at kung paano kami noon.
Sinundan ako ni Greta, tatlong taon ang pagitan namin. Sabi ni Inang, magkaibang-magkaiba kami dahil kung ano raw ang pagkatahimik ko, sya namang pagkadaldal-daldal niya. Lahat ng bagay yan, may rason sya. Ako, tanggap kong maluwalhati kapag papaluin na ako ni Inang, pero ang kapatid ko, mistulang umaapila sa korte yan bago sya pumayag na ma-tsinelas ni Inang (Weyt, Mami... Listen to me pers... don't spank me muna!). Sa madali't sabi, marunong magrason at makipag-debate si Greta.
Mga tatlong taon pa lang sya nun, araw-araw kinukulit nya ang lola ko na tabasin na yung isang telang gagawing damit nya. Twing umaga, ilalabas na ni Greta sa tukador ang tela nya at ilalagay sa tabi ng mga telang ginagawa ni Lula. Sa gabi, disappointed sya dahil hindi pa rin natatabas.
Siguro ilang araw na itong nangyayari, naburniks ang loka. Kinulit ng husto si Lula isang umaga. Eh kunwari naggalit-galitan si Lula, nagpadyak ng paa at sinabi:
"P#$%$#%, always asking me to make your clothes, eh!"
Biglang balik si Greta at nagpadyak din ng paa at ang sabi:
"Eh P$#%$#%, always working-always working, eh!"
Simula nung araw na yun, hindi mo na marinig na magmura ang lula ko sa harap ng mga bata. (Ang salita at gawa ng matanda laging tama sa paningin at pandinig ng mga bata, hehehe.)
Pero kung anong pagkatabil ni Greta sya ring pagkaiyakin. Nung mga apat na taon na sya, kapag kumakanta na raw ang isang mananahi namin ng "Where Do I begin" (Theme song ng Love Story), eh bigla na lang daw itong umiiyak. Hindi malaman kung bakit, pero feel na feel ni Greta ang kantang yun. Minsan nga raw sinasabi na nya "Enough na, Aling Poy, enough na!!!" At hindi lang daw hikbi, kundi palahaw ng iyak. Kapag tinanong naman sya ni Inang kung bakit sya umiiyak, sinasabi niya "Dis Aling Poy kasi eh, always singing 'Where do I Begin'".
Thumb-sucking. Ang bisyo ni Greta. Andyang itali ang kamay, lagyan ng maanghang, iiyak lang yan pero pagkatapos, huhugasan ang kamay at susupsup ulit. Hanggang mag-kinder yan, ugali pa rin nyang sumusop. Kaya naman kung titingnan nun ang kanang hinlalaki nya may maliit nang bukol at akala mo tuyong pasas. Nawala lang ito nung sumama siyang mag-weekend sa bahay ni Aling Poy sa Cavite. Pagbalik nya, hindi na sya nag-ta-thumbsuck. Kalaunan, tinanong ko si Greta kung bakit nawala, sabi nya, "Nahiya kasi akong mag-thumbsuck eh. Inipit ko ang kamay ko sa pagitan ng tuhod ko. Pagbalik ko sa atin, hindi na sya masarap. Ayaw ko na."
Maagang pumasok sa eskwela ang kapatid ko. Apat na taon pa lang eh inenrol na sya ni Inang sa eskwelahang pinapasukan ko. Ika ni Inang, inggit na inggit raw kasi sa akin. Tuwing umaga raw yan na nagbibihis na ako, magpapabihis na rin daw yan sa yaya namin at "go to iskul" na rin daw sya, may baon pa yan - dede nya. Kapag hinahatid ako ni Inang papasok, kakaway-kaway pa raw yan sa akin habang paalis na ako at sa tanghali naman nakatanaw na raw yan sa bintana at hinihintay ang pagdating ng school bus ko at titingnan kung anong laman ng bag ko. Naisipan tuloy ni Inang, papasukin na sya. Nung una, ayaw ng mga teachers at winarningan pa nga sya na hindi isosoli ang pinang-down nya sa skul kung magmarakulyo si Greta at ayaw nang pumasok. Pikit-mata si Inang na inenrol. At simula nun, hindi mo maririnigan si Greta na ayaw pumasok sa eskwela. Sa katunayan, nagdalawang kurso pa yan nung kolehiyo dahil nga sa sobrang tuwang pumasok.
Nung magsimula na kaming magdalaga, lagi kaming magkakwentuhan ni Greta bago matulog sa gabi. Pero minsan, hanggang alas-kwatro ng umaga gising pa rin kami at nagtatawanan. Napapagalitan na kami ni Inang o kinakatok ni Itang. Pero tuloy ang kwentuhan namin - mas madalas sya ang nagkukwento at nakikinig lang ako.
Nung nagsimula na kaming magparty, minsan lumalagpas kami sa curfew. Siempre ayaw naming magising ang mga oldies at ma-a-awardan kami ni Inang ng talak. Ang solusyon namin, naghanap kami ng makapal-kapal na tali at tinali namin ang isang paa ni ringo at yung kabilang dulo ay nakalaylay sa bintana. Kapag umuwi kami, hinihila namin ang tali para magising si Ringo. O kung nayayamot si Ringo sa tali, panungkit at ginagamit namin at tutusok-tusukin namin ang paa ni Ringo galing sa bintana. (Pasalamat na lang at one-storey lang ang bahay namin nun.)
May isang panahon na nagkagalit kami ni Greta - matindi. Duon ko napurbahan kung gaano katigas ang loob nya. Nagkabati man kami, hindi na katulad ng dati. Pero lahat yun nawala nung sumulat ako sa kanya galing ng Canada at kinamusta sya. Sabi nga nila, ang kapatid, hinding-hindi mo makakaila. Magmula nun, malapit na kami ulit. Pero ang nakakatawa, tanungin mo kami kung bakit kami nagkagalit, hindi na namin maalala.
Ngayon, hindi lang kapatid ang tingin ko kay Greta (at kay Ringo, at kay Patring), matalik na kaibigan pa. Kung meron akong nasasabihan ng problema na alam kong magbibigay sa akin ng payong totohanan, si Greta yun. Nung umuwi ako nun sa Pilipinas, siya at si Popoy ang lagi kong kasama. Ako ang maid of honor ng kasal nya, ako ang ninang ni Popoy at ninang-ninangan ni Mokong.
Si Greta ang pinaka-nasasabihan naming magkakapatid ng kahit na ano. Siya ang naging titser ni Patring ng tamang pag-alaga sa anak na si Chingching, ang kaisa-isang nakakapangbuska kay Ringo ng tungkol sa mga girlfriends nya na pinakikinggan ni Ringo, ang tanging nakakapagpatawa kay Itang nung kabataan nito at hindi pa sya palatawa nun, at pinakasasandigan ni Inang at Itang na magpalakad ng kabuhayan namin sa Pilipinas.
Miss ko na ang mga kapatid ko. Sana nga itong taon na darating mabisita ko sila ulit...
1/2 k. manok
3 tasang tubig
1 pkg bihon (rice noodles)
1/3 tasang salad oil
2 butil ng bawang, dinikdik
1/2 sibuyas, hiwa
1/8 k. hipon, nilinis at hiniwa sa kalahati
2 Chinese sausages, hiniwang diagonal
1 maliit na carrot
1 tangkay ng celery, hiniwa ng manipis
4 tasang shredded na repolyo
1/3 tasang oyster sauce
1/3 tasang toyo
1 kutsaritang paminta
1 green onion, hiniwa
2 hard-cooked itlog, hiwain sa apat
kalamansi o limon
Patis
Pakuluan ang manok sa tubig ng mga 20 minutos. Tanggalin ang manok at himayin. Itabi ang pinagkuluan. I-lubog ang pansit sa pinagpakuluan hanggang lumambot ang pansit, tanggalin ang tubig.
Igisa ang sibuyas at bawang. Isama ang hipon at sausages, ng tatlong minuto. Isama ang manok, carrots, celery at repolyo. Haluin ng mga tatlong minuto. Idagdag ang bihon, oyster sauce, toyo at paminta.
Makaraan ang ilang minuto, ihain sa malaking plato. Lagyan ng itlog, green onions, limon sa taas. Samahan ng sawsawan ng patis.