about
... ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya.

Ito ako...

Writings
Dear Ate Sienna...
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Natawa Ako Dito :)
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Samo't-Sari
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Nakakayamot!
1 2 3 4 5 7 8 9
My Peborit Pansit
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Para Kay Girlie
4 5 6 7 8 9
Lumang Indeks
1 2 3 4 5 6 7 8 9

FA-Q

Home

Pictures

Links

Archives

Manilena Logo

Si Andres at Ako

(Feyvorit Pansit Isyu 9, January 26, 2003)

Marami ang nagtatanong sa akin ng lab istori namin ni Andres ko. Lagi kong sinasabi sa kanila na mahaba pero sa susunod na isyu ng pansitan ikukwento ko sa kanilang lahat (tanannnnn!!!!). Kaya't sa mangilan-ngilan na gustong makaraket ng tsismis tungkol sa amin ni Andres ko, umupo na kayo ng maayos at kukwentuhan ko kayo...

Kasasampa ko lang nun ng Kaneyda galing sa Pilipinas. May iniwan akong dyowa nun sa Pinas pero sabihin na lang natin na lang-katuts at nagpakatanga lang ako talaga dahil na rin siguro wala akong kabilib-bilib nun sa sarili ko. So pagtuntong ng maliit kong mga paa sa airport ng canada, sabi ko sa sarili ko, "Sa wakas! Eto na ang pagkakataong hinihintay ko! Matutupad ko na rin ang gusto ko'ng maging independent at mamuhay sa sariling sikap."

Naghanap ako ng trabaho. Dun ko naranasan yung sinasabi nilang kahit na anong klaseng trabaho, papasukin mo para lang magka-experience ka. Napasukan kong mag-messenger. Isip ko, sige.. kahit pang-yosi lang may mapagkukuhanan ako. Unang araw ko sa trabaho, pinag-deliber ako ng mga yellow at white pages ng phonebook sa lahat ng floors ng munisipyo. Isipin nyo itong liit kong ito, mga isang daang libras lang ang bigat, pagtulakin ng metal na dolly na may lamang halos isang-daang phonebooks sa buong labing-apat na palapag ng building! Ang masama pa nun, akala nyo nababawasan yun habang nagdedeliver ako?! Hindi!!! Dahil kelangang ibigay naman nila sa akin ang mga luma nilang direktoryo! Sus... sabi ko sa sarili ko, sa Pilipinas, may sarili kaming messenger at Ma'am ang tawag sa akin. Bigla kong na-appreciate si Bong at si Mario na mga messenger namin nun. Hindi biro ang ginagawa nila. Mas maliit pa ang sinasahod nila kesa sa sinahod ko dito sa munisipyo.

Pero hindi naman ako tumigil ng paghahanap ng trabaho. Hapon lang kasi ako sa munisipyo. Sa umaga, haharap na ako sa mga classified ads at mga Manpower offices sa phonebook at mag-tatype ako ng mga application letters at resume ko. Sa pagdaan ng mga lima o apat na buwan, nakakuha na rin ako ng trabaho sa banko. Dun ko nakilala ang una kong naging nobyo na si Brent. Canadian sya at mukha namang mabait pero hindi consistent. Sinamang palad, naging mahirap ang trabaho ko sa bankong yun. Nalaman ko, hindi lang pala ako ang may ganitong karanasan sa kanila, makalipas ang ilang buwan, napatalsik ako. Hindi raw ako maka-cope up sa demands ng trabaho. (Pero ang isip ko, kasi dahil umuwi ako ng pilipinas na hindi sinabi sa kanila agad bago ako nagsimula na uuwi ako. Malaking no-no pala dito yun.) At dagdag pa dun, ang nobyo kong si Brent, hindi lang pala ako ang kinakalantari. Meron pa syang ibang sinisipat-sipat sa opisina namin. Kaya ayun, wala na akong trabaho, wala pa akong nobyo! Napakasakit!

Ayun... naghanap na ako ulit ng trabaho. Pagkaraan ng tatlong buwan, tinawagan ako ulit sa munisipyo. Pero hindi na messenger. Yun nang propesyon ko talaga. Malapit na ang birthday ko nun. At ang dasal ko lang nun, makakita na ako ng trabaho at makahanap na ng tutuong magmamahal sa akin. Yung una kong wish natupad na, yung pangalawa kaya matupad na rin?

Nauuso na nun ang internet. Nung umuwi ako ng Pilipinas nung unang beses ko na yun (bago ako napatalsik sa una ko ngang trabaho), natutunan ko kina Greta at Ringo ang makipag-chat sa Internet. Pagbalik ko ng Canada, nagpakabit na rin kami ng internet. Nandun ako lagi sa Manila Channel. Marami akong nakilala na naging malapit naming kaibigang magkakapatid. Hindi ako nun tumatambay sa mga Ingles na channel kasi sabi ko, baka maubusan ako ng ingles (hehehe). Pero nung minsan, walang tao nun sa Manila channel, kaya sinubukan ko yung isang pinupuntahan ng tyahin kong ingles na channel. Wala lang... bored lang ako. Mas boring ang ingles na channel na yun. Hindi ko type ang mga nakakausap ko. Hanggang may isang nag-private message sa akin. Unang hirit pa lang nya, natawa na ako. Hindi ko na nga matandaan kung ano ang sinabi nya, pero tawang-tawa ako sa kanya. Nalaman ko na lalaki sya, Amerikano, nasa California at 'Andres' ang pangalan. Inabot kami ng hanggang umaga sa kakausap, as in, alas singko ng umaga!

Simula nun, lagi na kaming magkausap. Kwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay, mga dating dyowa, ang bago kong trabaho, ang trabaho nya. Nagpadala ako ng litrato sa kanya at sya naman, pinadalhan ako sa sulat. Naiinlove na ako nun. At kahit na puyat ako pag pumapasok sa upisina, para pa rin akong hindi nauubusan ng lakas at magana pa akong magtrabaho na sya naman kinatutuwa ng mga bisor ko.

Pagkaraan ng isang buwan naming pag-uusap, nararamdaman na lang namin na nagiging malapit na kami ni Andres sa isa't-isa. Yung mga hindi ko nakukwento sa ibang tao, nakukwento ko sa kanya. Siya rin ganun. May sa kung anong dahilan ng minsang magkausap kami, nasabi nya sa akin na malalim na raw ang pagtingin nya sa akin kahit na hindi pa kami nagkikita at nagkakausap lang kami sa internet, sa telepono at sa koreo. Ako naman, kati-katera, napasabi ako ng "I labs yu". Aba, malay ko naman eh yun talaga ang nararamdaman ko! Medyo nagulat sya at hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya. Ako naman, dahil napahiya, biglang bawi at sabi ko, matutulog na ako. Hindi sya pumayag na hindi ako tawagan sa telepono. Matagal kaming nag-usap at sinabi nya sa akin, ganun na rin daw ang pakiramdam nya. Mahal rin daw nya ako. Pero gusto nyang siguraduhin ko raw ang nararamdaman ko. Pupunta raw sya ng Kaneyda at makikipagkita sa akin. Para na rin daw makita na namin ang isa't-isa. At yun nga, dalawang linggo pagkatapos ng usap namin na yun, nagkita kami.

Sa airport pa lang, kabado na ako. Ano ang itsura nya.. magustuhan ko nga kaya sya. Paano kung hindi? Pero nung makita ko na sya, unang tingin pa lang, alam ko na... Mamahalin ko nga ang lalaking ito! Yun una naming pagyakap, pareho kaming ninenerbyos. Masaya ang limang araw nya dito. Nagpunta kami sa kung saan-saan. Pinakilala ko sya sa mga tyahin ko. Tinanggap naman sya. Kaya nga lang, sa huling hapon nya sa Kaneyda, hindi ko na maiwasan na hindi malungkot. Pero nangako kami na magkikita kaming muli. Pagkaraan nga ng isang buwan, ako naman ang nagpunta sa Jameyrika. At kung ano yung saya na naramdaman namin nung una kaming nagkita, ganun pa rin ang pakiramdam naming dalawa sa pangalawang pagkikita namin. Walang nabawasan. Nadagdagan pa nga kasi mas sigurado na kami sa mga nararamdaman namin. At alam namin, natagpuan na namin ang talagang taong para sa amin.

Anim na taon na ang nakaraan magmula ng una kaming nagkausap nun sa Internet. Marami nang nagdaang paglipad ng eroplanong sakay ang isa sa amin para magkita kami, milyong tiklada na ata ng letra sa keyboard ang nagawa namin para makapag-usap kami sa internet at ilang pung minuto na sa telepono ang binayaran namin para marinig ang boses ng isa't-isa.

Minsan nga iniisip ko, tigilan na kaya namin. Maghanap na lang kaya ako ng iba? Pero hindi ko kaya... Mahal ko si Andres ko. Kung ang iba hinahanap pa rin hanggang ngayon ang taong magiging kasama nila sa buhay, ako alam ko, si Andres yon. Hindi ko kayang iwaglit yun. Lagi ko ngang sinasabi sa kanila - "Ikakamamatay ko".

So minsan tinatanong nila ako. Ano raw ba ang sikreto namin at hanggang ngayon, despite ang anumang layong distansya namin, kami pa ring dalawa. Lagi kong sinasabi sa kanila, pagkatapos ng pagmamahal, pagtitiwala ang pangalawang pinaka-importante sa lahat. Hindi lang yung ikaw ang may tiwala sa kanya, kundi ikaw mismo, karapat-dapat ka ng pagtitiwala nya sa'yo. Sa layo naming dalawa, kung hindi namin pinagkakatiwalaan ang isa't-isa, paano na? Trust is something you earn, it's not a privilege. 'Wag kang gagawa ng mga bagay na ikasisira ng tiwala nya sa'yo. Mas lalo na kung kasal na kayo. Malaki ang paggalang ko sa institusyon ng kasal. Hindi ka dapat nagpapasok ng kahit na anong bagay na magsisira ng relasyon ninyong dalawa. Sabi nga nila, sa huli naman daw lagi ang pagsisisi. Kaya ngayon pa lang, iwasan mo nang gumawa ng ikasisisi mo sa huli.

Nung nakaraang taon nga, nagsisimula na sana kaming magsama ng tuluyan ni Andres ko. Pero sa maraming kadahilanan, hindi naging kumpleto ang buhay namin. Nitong huli, dahil sa kakulangan ng trabaho sa Amerika, pinagpasyahan naming maghiwalay ng sumandali para makapaghanap ng trabaho. Maghahanap sya sa Arizona at ako naman, dito sa Kaneyda maghahanap. Kung sino man sa amin ang unang makahanap ng trabaho, dun susunod ang isa. Mahirap mawalay sa mahal mo sa buhay mas lalo na kung ito ang buhay mo. Pero hindi pa rin kami nawawalan ng loob ni Andres. Alam namin na darating ang panahon na magsasama na rin kami ng tuluyan - wala nang problema, wala nang aberya. Malapit na yun, alam namin. Sa ngayon, dadagdagan na lang muna namin ang bilang ng tiklada namin sa keyboard at payayamanin pa namin ng konti ang may-ari ng telephone company dahil sa long distance calls naming dalawa... hanggang makapag-sama na kaming muli.