Love Rules
(Natawa ako D2 Isyu 5, May 27, 2002)
I guess the only way to stop divorce is to stop marriage.
– Will Rogers
Sabi nga nila, ang batas ay ginawa para protektahan ang tao. At kadalasan, kung pagaganahin para sa ikabubuti ng mas marami, talagang maganda ang kalalabasan. Pero may mga batas, katulad ng mga susunod, na hindi ko alam bakit ginawa. Halimbawa na lang…
1. Sa Connorsville, Wisconsin, ilegal na magpaputok ng baril ang isang lalaki habang ang kanyang kapartner na babae ay nag-o-orgasm.
2. Bawal magmura ang lalaki habang nakikipagtalik sa Willowdale, Oregon.
3. Pinaparusahan ang sinoman sa Oblong, Illinois na nagkikipagtalik habang nangingisda o nag-hu-hunting sa araw ng iyong kasal.
4. Sa Alexandria, Minnesota naman, bawal makipagtalik ang lalaki kung ang kanyang hininga ay amoy bawang, sibuyas o sardinas. At kapag ni-request ng asawa na mag-sipilyo sila, kailangang sundin nila ang request o parurusahan sila ng batas.
5. Pagkatapos makipag-talik, at ikaw ay nasa Ames, Iowa, kailangang paalalahan mo ang iyong katalik na huwag iinom ng higit sa tatlong lagok ng beer habang nakahigang kasama ka o kayakap ka.
6. Kung ikaw ay nakatira sa Bozeman, Montana, bawal ang kahit na anong sexual activity sa harapang bakuran ng bahay mo pagkagat ng dilim - nang nakahubad. (So kung may suot kang medyas, hindi sya bawal?!?!)
7. Sa mga hotels ng Sioux Falls, South Dakota, kailangan na may twin bed sa lahat ng kwarto na may pagitan na 2 feet sa gitna o mas malaki pa. Bawal makipagtalik sa sahig sa pagitan ng dalawang kama!
8. Ispiking of hotels, sa Hasting, Nebraska naman, naglalagay ng malinis at planstadong nighshirt ang mga hotel para sa mga bisita. Bawal matulog ng hubad ang babae at lalaki kahit na sila ay mag-asawa. At bawal din silang magtalik kung hindi nakasuot ang mga nightshirt na ito.
9. Sa Newcastle, Wyoming, bawal ang magkipagtalik habang nakatayo sa loob ng walk-in meat freezer ng isang tindahan duon.
10. Sinasabi ng state law ng Illinois na kailangang tawagin ng mga dalaga ang mga binata duon ng “Master” at hindi “Mister”.
11. Sa Cour d’Alene, Idaho, ok lang ang makipagtalik sa loob ng kotse HABANG NAKA-PARK ito. Bawal na kumatok sa bintana ang mga pulis ng basta-basta. Kung gusto nilang mag-imbistiga, kailangan nilang mag-park ng kotse nila a likod ng nakapark na kotse ng mag-sing-irog, magbusina ng tatlong beses at mag-intay ng dalawang minuto bago lumabas ng kotse at magimbistiga.
12. Bawal magsayaw ang babae sa taas ng mesa sa isang bar sa Helena, Montana kung ang suot nya ay mas magaan pa sa 3 lbs at 2 oz.
13. Hindi rin bawal sa Carlsbad, New Mexico ang makipagtalik sa loob ng isang nakapark na kotse twing lunch break nila sa trabaho basta’t may mga kurtina sa magtatakip sa kanila habang ginagawa nila ito.
14. Kung ikaw ay babae at single, divorced o biyuda, bawal kang mag-parachute twing Linggo sa Florida.
15. Bawal magsuot ng charol na sapatos ang mga babae sa Cleveland, Ohio at baka makakita ang lalaki ng reflection sa sapatos na hindi nya dapat makita.
16. Sa Trementon, Utah, bawal makipagtalik ang babae sa loob ng ambulansya. Kapag sya ang nahuli, makakasuhan sya ng sexual misdemeanor at maa-anunsyo ang pangalan nya sa dyaryo. Ang lalaki? Walang kaso at hindi mababanggit ang pangalan nya sa pahayagan.
17. Kung ikaw ay isang sekretarya sa Pasadena, California, bawal sa iyo na mag-isa sa kwarto kasama ang iyong bossing.
18. Sa Hartford, Connecticut, bawal halikan ng lalaki ang kanyang misis twing Linggo.
19. Bawal makipag-talik sa isang porcupine sa Florida. (ha?!?! Masakit yon!!!)
20. Kung nakikipaghalikan ka sa Halethorpe, Maryland, siguraduhin mong hindi hihigit ang halik sa isang segundo.
21. Sa Eureka, Nevada, bawal makipaghalikan ang lalaking may bigote.
22. Sa New York City, bawal ang magsuot ng body-hugging na damit sa publiko.
23. Bawal makipagtalik sa isang truck driver sa loob ng isang toll booth sa Harrisburg, Pennsylvania.
24. Sa Kingsville, Texas, bawal magtalik ang dalawang baboy sa loob ng airport.
25. Bawal makipagtalik ng nakabukas ang ilaw sa Romboch, Virginia.
26. Bawal makipagtalik sa isang birhen sa Washington, kahit na pers nayt ninyo. (So paano na?!?!)


