Txtm8 Tayo!

(Natawa ako D2 Isyu 6, July 18, 2002)

“Stop making the same old stupid mistakes and start making new ones.”

Alam ko na ang sasabihin ninyo… “Ate Sienna, panis ka naman.. ang tagal na ng text sa Pinas eh ngayon ka lang nag-re-react dyan.” Ang masasabi ko lang eh “Hoist! Sa Pinas yon.. eh nasa motherland ba ako?!?!?!?”

Dito sa Canada, iisa pa lang ata ang cell provider na may legitimate na texting feature - Fido ng Microcell Solutions. In fact, ako nga ata ang isa sa mga una nilang customer na humingi nito. Eh piano naman, dito, free en unlimited evenings and weekends ang talkies kaya mag-te-te-text ka pa ba? Ngayon pa nga lang ako nakakakita ng mga commercials na ang ina-advertise nila eh text messaging lang. Mukhang hindi pa nga excited ang mga puti kasi nga magka-oras pa ba?

Ang hindi alam ng mga puting ito eh ang dami-daming nakakatawa at nakaka-aliw na pwedeng gawin ng text feature. Ay nung minsan, na-imbyerna ako sa isang puting kakilala ko - no names na lang, kahit hindi nya mababasa ito kasi wa sya knows ng tagalog (buti nga para ma-lait ko sya ng husto MWAHAHAHAHA). Matuk ba namang pagtawanan ang ate nyo dahil nag-te-te-text raw ako at bakit hindi ko na lang daw kausapin? At parang tangang kunyari eh napipipindot sa cell phone at parang retarded na nagsasalita ng mabagal habang pumipindot sa keypad. Nakuuuu kung hindi lang matanda talagang babarahin ko sana! Inismiran ko na lang - hindi ako kumibo at pinakita kong nainis ako sa kanya. Ang bruha! Kung hindi lang talaga!!!!!

Hmp… mabalik na nga sa sinasabi ko. Aliw na aliw talaga ako sa cellphone ko. Simple lang nga ang cell ko - hindi katulad ng mga cellphone sa motherland. Sus, si Patring ang cell nya 8210. Ayun, nagpamanicure ng araw ng kasal sa kantong parlor sa amin, pag-uwi umiiyak at na-snatchan ng lalaking nakamotorsiklo - wallet at cell nya nanakaw. Yamot si mother dahil bakit daw ikakasal na eh lumalabas pa - lapitin daw ng disgrasya. Sa awa ni Ringo at para huwag nang umiyak, binigay na lang nya yung Ericsson nyang colored display kay Patring. Putek!! Sana ako na lang ang nagngangangawa para sa kin na lang yung telepono nya - tri-band pa naman!

Eniweys-hay-weyst, so unti-unti nagkaroon na rin ako ng mga ka-textmate dito sa Canada - ang mga prenship bonds ko ngang sina Vicky, Mina, Melay, Nely, Tina at Bella. Marami-rami pa - si Elvis na kapatid ni Mina at Melay at si Donny na kaibigang matalik ni Nely. Pati nga ang tiyahin kong si Goody na nandito sa Canada, ka-textmate ko na rin at aliw na aliw dahil mukha raw syang baliw na tawa ng tawa at nakatitig sa cellphone nya kapag tinetext ko sya. Bukod pa sa nga ka-tsika ko rin sa Pinas - ang mga kapatid ko, ang peborit kong Tyo Edong ko. Kaya lang medyo tipid kasi nga 15 pesosesoses kada international send ang charge sa kanila. Kaya naman pag sila ang kausap ko, inuubos nila talaga ang maximum characters ng “write message” para sulit. Eh ako, ganun na rin sa kanila. Hanggang ngayon kinukumbinsi ko pa rin si bespren Remy ko na magbago na ng cell provider nang maka-text ko na. Ayaw… tamad raw sya.. magngangangakngak na lang daw sya sa telepono kesa magpipipindot.

Pero alam nyo ba na kung hindi dahil sa tulong ng text eh hindi matutuloy ang pagtanggal sa ninong mong si Erap sa pagkapresidente? Ganun katindi ang pawer op da selpown. Pero dahil rin sa text, may nakulong na pinoy sa Belgium. Parte na talaga ng buhay ng Pinoy ang cell phone. Si Rico Yan nga, sa text message ni Tyo Edong ko nalaman na deds na sya eh. Kaya nga nakakalungkot na masyado namang silang ginigipit ng mga cell phone providers dun (Tingnan ang hinaing ng isang user.)

Napupuno na nga yung “Outbox” ko sa kaka-save ng mga text arts atsaka jokes ng mga textmates ko sa akin. Eh sa tawang-tawa ako sa kanila eh. tingnan nyo na lang itong mga ito:

“Okay lang ba kung ssbhin ko syo na gus2 kta? msya ako pgnkkta kta. Mali i2 pro alm kung MAHAL kta. SAYANG.. nung blkan kta sa PETSHOP nbenta ka na!!!”

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

LEts pAuse 4 a wHile & prAy 4d sOul f ur bEloVed cO-texTer wHo rcEntLy paSsed aWay…dHil aNg P_tAnG_nA!!!nHulog s bUboNg s kkhAnap ng siGnal!!!

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Dalagita: Nay, tutuo po ba na kung saan ipinasok yung “ANO”, dun din lalabas ang bata?Nanay: Oo naman anak…Dalagita: Hindi po kaya masira ang ipin ko?

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Osama Bin Laden will sponsor FREE trips to New York!Contact the ff:Osama Ka Bah,Osama Ka Nah,Osama Mo Sia,Osama Din Zila,or click osamasamanakayolahat.com

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

tulungan mo naman ako, hirap tong date ko. she txted me 2 say “halika sa amin ngayon. nobody’s home.” tapos pagpunta ko, walang tao sa bahay.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

I asked my gurdin angel
to send me a frnd that I
can luv forever, she gav
me u and so I called on
her again and asked
BOSING WALA NA BANG IBA?
WALA NA

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Scene: Roof of hi bldg. Woman looks jumping off. Police on street blw 4 rescue. Mraming tao nanonood. Police, shouting: Bumaba ka na dyan. Maraming nagmamahal sa yo. Woman: Wag kayong makialam! Hindi ako makapag-send…

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

MILITARY MOTTO’S:
ARMY-no retreat, no surrender!
AIRFORCE- no guts, no glory;
NAVY - no pain, no gain;
POLICE- no valor, no honor;
SECURITY GUARD- NO ID, NO ENTRY!

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

sum pts 2 ponder:
1.ang uod b kpg nmtay inuuod dn?
2.pwde b mgsftdrnks s kopi break?
3.bat ang blknrd kulay grin?
4.ang lason b pg ngxpire nkklson p rn?

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

TOtoo ba na ang mga MAGANDA AT GUAPO mahina sa isfeling & gRammers? My gash! did they sure? What d0es they pRoof? It hurts to) me! I am n0t belief 2 dis! does u?

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Ang GIRLFRIEND parang TINOLA masarap higupin while hot. Ang KABIT parang PAKSIW puede p bukas. Ang MISIS parang DELATA bubuksan lang pag walang ibang ULAM.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

O sya.. enap na! Tama na.. pagod na ako. Pero bago ako mag-dyabu sa inyo, eto pa ang pabaon ko:

My Fevorit Frog Txt Jokes
Favorite Buffet Restaurant:
DLSU: Saisaki
ATENEO: Dad’s
UST: Kamayan
UP: Cabalen
AMA: uhmmm… kung anung favorite ni jolina, yun na din ang sa min.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

When cell connection is cut-off:
ATENEO: Hello? hello? F*CK GLOBE
DLSU: Hello? Siyett!!
UST: Hello? Tangna, putol na naman
FEU: Hello? hello? putragis na cell ‘to
AMA: Hello? hello?……….(pabulong) Jolina?

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

During a brownout:
DLSU: F*ck MERALCO
ATENEO: Geeze, it’s dark.
UP: Hindi ako maka kopya sa katabi ko.
UST: Takot ako sa dilim!
AMA: Jolina? kaw ba yan?

One Response to “Txtm8 Tayo!”

  1. 1
    kazpo Says:

    hahahahahah..
    by d’ way i need txtm8.. 09107943014
    then pa add sa f-s kazpo.standalone@yahoo.com

Leave a Reply

© 2008 Pansitan ni Ate Sienna | Entries (RSS) and Comments (RSS)
Design by Design Your Web Page - Powered By Blog Collector, Wordpress themes