about
... ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya.

Ito ako...

Writings
Dear Ate Sienna...
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Natawa Ako Dito :)
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Samo't-Sari
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Nakakayamot!
1 2 3 4 5 7 8 9
My Peborit Pansit
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Para Kay Girlie
4 5 6 7 8 9
Lumang Indeks
1 2 3 4 5 6 7 8 9

FA-Q

Home

Pictures

Links

Archives

Manilena Logo

Pag-Ibig at ang Makabagong Pinay

(Samo't-sari Isyu 1, January 6, 2002)

(Ang mga sumusunod ay pansariling opinyon lamang. Nais lamang ng may akda na magbigay ng kanyang kaisipan. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, patay man o buhay ay kathang-isip lamang ng mambabasa)

Nung isang araw nagkwentuhan kami ni lola dear ko tungkol sa lovelife nya nung araw bago sila kinasal ni lolo my love ko. (o diba, bagets si lelang, nagyayabang ng lovelife nya!)

Ani ni Lelang, "Nung panahon ko, ni dulo ng kuko namin di mahawakan ng manliligaw ko, eh ngayon nanliligaw pa lang ang lalaki, naka-halik na sa babae!"

"Mali ka ryan, Lelang! Hindi tutuo yan!!!", sabi ko sa kanya may kasabay pa na iling, "hindi naman porke naghahalikan, may relasyon na!"

Uy sige, Girlie, magmalinis ka dyan... kung iisipin mo, tutuo naman. Hindi man nangyari ito sa iyo, may kakilala ka na babae na kapatid ng kaibigan ng kapitbahay ng kaklase mo nung college na nakipaghalikan sa isang lalaki kahit hindi pa sila mag-syota. AT minsan, hindi lang halikan ang nangyayari. (Kung ano pa yon? alam no ba ang sagot sa tanong na "Bata, Bata, paano ka ginawa?")

So may masama ba dun? Bakit? Kapag nakipaghalikan ba sa lalaki na hindi mo asawa o boypren eh mababa ka na (mas lalo na kung lalaki ka at hindi babae)? Nabawasan ba talaga ang pagkatao mo kung ginawa mo yon?

Gusto nyong malaman ang opinyon ko? Eto naman eh sa akin lang, pwedeng iba ang opinyon nyo dahil iba-iba naman tayo ng pananaw at pinaniniwalaan tungkol sa relasyon ng girlash at boylet.

Ang sa akin, ang unang-unang tanong dyan - pinilit ka ba, Girlie, para gawin ito kahit laban sa loob mo? Pinagbantaan ka ba or nilinlang ka? Kung pinilit ka, pinagbantaan o niloko para mangyari yon, aksyunan mo. Legal advice o counseling ang kailangan mo, mas lalo na kung may katungkulan sya o ginagamit nya ang katungkulan nya para may mangyari sa inyo dahil harassment ang tawag dyan. Kung hindi man sya nakatataas sa iyo, at higit pa sa halik ang nangyari sa inyo, date-rape naman ang tawag dyan. Kailangan dyan, matuto ng leksyon ang mga lalaking yan. Tandaan nyo, mga girls, "NO" means NO at kailangan respetuhin ng lalaki yan.

Kung hindi naman labag sa kalooban mo ang nangyari sa inyo ng lalaking kasama mo, ang pangalawang tanong dyan, may asawa o girlpren na iba ba ang lalaki? Kung meron, aba, anong ginagawa mo, Girlie??? Nakalimutan mo na ba ang ika-pitong utos ni God - Huwag maki-apid? Thou shall not commit adultery? Ah, hindi ka Kristyano, ikamo? Eto na lang, eh kung ikaw ang inaagawan ng boypren o asawa, hindi ba masakit yon? Wag mo raw gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa'yo. Bahala ka, matakot ka sa karma! Kung nagawa nya sa asawa o syota nya, sooner or later, gagawin din nya sa'yo yon. Ah, iba ka sa syota o asawa nya? Uminom ka ng kape, Girlie, tamaan ka nawa ng nerbyos at nahuhumaling ka para isipin na magbabago sya dahil sa'yo. 'Sorry to say - men are men. Hindi mo sila mababago at 'wag mo nang ambisyunin. Marami nang nag-attempt at mabibilang sa daliri ang nagwagi. Hindi ko sinasabing hindi ka magwawagi, Girlie. Pero ang masasabi ko lang sa'yo, "Hoy, gumising ka na!" at magdasal ka na ang asawa nya o girlpren eh hindi manunugod pag nalaman ang tungkol sa inyo at baka masabunutan ka pa nun!

O So walang girlpren at asawa, at hindi labag sa kalooban mo ang nangyayari, ang pangatlong tanong, ano na ang relasyon nyo "the morning after"? In other words, hindi na kayo nag-usap pang muli dahil iniiwasan ka na nya, o nalaman na ba ng kapit-bahay nya at ng buong neighborhood association ang nangyari sa inyo? Kung hindi na maganda ang nangyari kinabukasan, ang masasabi ko dyan, Girlie, better luck next time, hindi sya ang lalaki para sa'yo. Mas lalo na kung alam na ng kapitbahay mo kung ilang wisdom teeth mo pa ang tutubo, kiss and tell ang nakasama mo! Ano ang gagawin mo sa lalaking kiss and tell? There are 50 ways to leave your lover and the same goes for getting even with a kiss and tell guy. (next issue yon, abangan!) Kung tinago nya ang nangyari at hindi alam ng best friend nya na natulog sa driver's seat ng kotse habang nakapark kayo sa fort santiago at gumagawa kayo ni boylet ng milagro sa likod ng kotse, then you found yourself a gentleman (may their tribe increase!).

And lastly, kung hindi ka pinlit, wala syang syota at asawa at gentleman sya, ang importanteng tanong of all, anong feeling mo, Girlie, pagkatapos? Kung na-guilty ka o nanliit o nahiya sa sarili at pinangako mo sa sarili mo na hindi mo na gagawin ulit unless boypren mo sya o asawa, good for you! Tama nga sigurong hindi mo na gawin ulit. Ibaon mo na lang sa limot ang nangyari o ituring mo na lang na masamang panaginip ang lahat and move on. Don't dwell and brood on something that you cannot alter any longer. Make better use of your time and keep your mind and body busy on more productive things. (Like, mga teen-age girlies, have you ever heard of the word "homework"?)

So ok lang sa'yo ang nangyari - no regrets? oks lang din yon - as long as pinag-iingatan mo ng husto ang sarili mo. You're being responsible enough to know your limits, know about protection, and being wise to use protection EVERYTIME! Respect yourself and your body, don't let anything happen to it that you'd regret in the end. Say "NO" and mean it when anything gets uncomfortable. You're in control - noone can force you to do anything you don't want. Educate yourself, know what you're getting into and use your common sense.

Ang modernong pinay alam ang mga karapatan at responsibilidad nya. Isa na ruon ang karapatan nya na mamili ng (mga) taong makakasama nya, at responsibilidad nya ang pangalagaan at ingatan ang sarili nya.