about
... ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya.

Ito ako...

Writings
Dear Ate Sienna...
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Natawa Ako Dito :)
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Samo't-Sari
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Nakakayamot!
1 2 3 4 5 7 8 9
My Peborit Pansit
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Para Kay Girlie
4 5 6 7 8 9
Lumang Indeks
1 2 3 4 5 6 7 8 9

FA-Q

Home

Pictures

Links

Archives

Manilena Logo

Pansitan's Hall of Fame (Volume 1)

(Samo't-sari Isyu 2, January 12, 2002)

Kung naaalala nyo sa pers ediyon ng pansitan.com, pinuna (o nilibak??) natin ng husto ang mga kababayan natin na nasa abrod na kayamot-yamot ang ugali. Pero tulad nga ng sabi ko sa inyo bago ko tinapos ang litanya ko tungkol sa mga ito na may mga kababayan din tayo na maipagmamalaki mo naman. At pinramis ko nga sa inyo na i-fi-feature ko sila sa susunod na Samo't-Sari.

O, question from the audience, ano daw ba ang qualifications ko para masama sila sa listahan ng pansitan.com. Magandang tanong yan... Nung una, ang dami-dami kong naisip na mga name-sung na isasama sa listahan pero inisip ko, dapat kabaliktaran sila ng mga nakakayamot na Pinoy natin. Nag-isip pa ako ulit (uy, ang hirap nun, ah.. Nakakapiga ng utak mas lalo na kung wala naman masyadong laman), at inisa-isa ko ang mga criteria for judging:

1. Pinanganak sa Pilipinas. Eh diba nga kasi, ang pinag-uusapan natin eh yung mga Noy-pits na nagpunta sa abrod para makipagsapalaran.
2. Nagkamuwang sa Pinas bago lumarga papuntang ibang bansa. In ader words, may tumubo na na Pinoy culture sa kanilang pag-iisip, pagsasalita at pagkilos.

Etong listahan na ito eh simula lamang ng napakaraming Pinoy na tumanyag sa ibang bansa. Marami pang susunod. Kung may sujestyon kayong mga pinoy na magaling, i-imeyl nyo kaagad kay Ate Sienna at pagusapan natin sila dito sa Pansitan.com.

Pacita Abad - pintor. Pinanganak sa Batanes nung 1946, nagtapos sa UP nung 1968. Dahil sa pagiging anti-Marcos ng kanyang pamilya, napilitang ipadala si Pacita sa Amerika nung 1970. Habang nasa Amerika, namasukan sya na isang mamanahi at typist at sa gabi naman ay nag-aral ng kanyang masters sa Asian History sa University of San Francisco. Kasama ng kanyang asawa, at pagkatapos ng pag-byahe sa maraming bansa, lumipat sila sa Washington kung saan nag-aral siya ng sining sa Concoran School of Art. Ang kanyang mga gawa ay nalagay na sa mga museo at galeria (hindi Robinson's, jologs!) ng Boston, Havana, Dominican Republic, Korea, Manila, New York, Paris. Pinaka-kilala si Pacita sa kanyang "trapunto" paintings - ang pagpinta ng oil o acrylic sa isang canvas at pagsasama ng iba't-ibang materyales na katulad ng butones, beads, salamin, sequins, cowrie shells, feathers at embriodery. Bagama't ang kanyang mga likha ay may impluwensya ng bawa't Third World country na kanyang napuntahan, makikita pa rin ang bahid at implowensya ng kanyang pagka-Pilipino sa mga ito. Madalas na tema ng kanyang mga paintings ay buhay at karanasan ng mga imigrante sa ibang bansa,

Jose Aruego - illustrador at manunulat ng mga librong pambata. Pinanganak sa Pilipinas nung 1932 at nagpunta sa New York para mag-aral sa Parsons School of Design kung saan nagpakadalubhasa siya sa advertising and graphic art. Nailabas ang kanyang mga cartoons sa The New Yorker, Satruday Evening Post, atbp. Nung 1969 nilabas ang kanyang unang librong pambata ang "The King and His Friends". Ang kanyang "Juan and the Asuangs" na na-publish nung 1970 ay tinaguriang ng New Yotm Times na "The Oustanding Picture Book of the Year". Magmula nun, nakagawa pa ng 10 librongs pambata tulad ng "Leo the Late Bloomer", "Two Greedy Bears", "Antartic Antics" at "Rockabye Crocodile"

Carlos Bulosan - manunulat. Pinanganak nung 1911 sa Pilipinas. Dumating sa Seattle, Washington nung Great Depression nung 1930. Lumipat sa California, nagtrabaho bilang isang magsasaka at dun tinuruan ang sarili mag-Ingles sa pamamagitan ng pagpunta sa Los Angeles Public Library. Naging involved si Bulosan sa labor movement na naglalun na mapaunlad ang kondisyon ng Pilipinong manggagawa sa America. Sinimulan nya ang magasing "The New Tide". Nang 1942, na-publish ang kanyang mga librong "Letter from America" at "Chorus for America". Sinulat din nya nung 1943 ang "The Voice of Bataan" at nung 1946 ang "Freedom to Want" na nilabas sa Saturday Evening Post. Sinulat din ni Bulosan ang buhay ng mga Pilipino na nakatira sa US na hango sa kanyang mga karanasan sa kanyang essay na pinamagatang "America is in the Heart". Namatay si Carlos Bulosan nung September 1956 ng lung congestion

Edward Soriano, Major General U. S. Army; Commanding General, 7th Infantry Division- second-highest ranking Asian Pacific American in active-duty military services. Pinanganak sa Pangasinan at nag-migrate sa US nung 1960.

Von Flores, aktor (Ronald Sandoval sa "Earth: Final Conflict" - Pinanganak sa Malabon nung 1960. Lumipad patungong Toronto, Canada kasama ng kanyang pamilya nang siya'y 13 anyos. Nag-aral ng Chemistry sa University of Toronto. Unang lumabas sa "Night Heat" kung saan nagsimula ang kanyang pagiging aktor. Pinasyang ituloy ang kanyang pag-aaral sa New York City sa The American Academy of Dramatic Arts at sa The Centre for Actors Study sa Toronto. Nag-aral din siya ng "movement and dance" sa Richard Sugarman Ballet, Hart House Ballet at Studio Dance Theatre sa Toronto.

Rey Pagtakhan - unang Pilipinong myembro ng Gabinete ng Canada. Pinanganak sa Cavite nung 1935. Nagtapos ng medisina sa Univeristy of the Philippines bago nagtungo sa US upang ipagpatuloy ang kanyang pagdo-doktor. Nag-migrate sa Canada nung 1968. Inatasan ng Canadian Prime Minister na si Jean Chretien na Secretary of State for the Asia-Pacific region.

O, hindi pa tayo tapos... marami pang susunod sa listahan ng Pansitan's Hall of Famers - mga Noy-pits sa larangan ng sports, science, technology. At hindi lang sa Canada at US kundi sa ibang parte pa ng mundo. Bibigyang pansin din natin sila dito sa Pansitan. Pero namnamin muna natin ang tamis ng achievements ng mga Noy-pits sa itaas. Mga Pilipinong kahit na lumipad sa abrod para magpatuloy ng pag-aaral, mapabuti ang kabuhayan o sapilitang tinakasan ang mga kuko ni Marcos, hindi pa rin nakakalimutan ang kanilang pinanggalingan.

Bongga, diba?