about
... ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya.

Ito ako...

Writings
Dear Ate Sienna...
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Natawa Ako Dito :)
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Samo't-Sari
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Nakakayamot!
1 2 3 4 5 7 8 9
My Peborit Pansit
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Para Kay Girlie
4 5 6 7 8 9
Lumang Indeks
1 2 3 4 5 6 7 8 9

FA-Q

Home

Pictures

Links

Archives

Manilena Logo

Make Love Not War

(Samo't-sari Isyu 8, October 11, 2002)

Alam ko, halos lahat kayo nababahala sa ginagawa ngayon ni pareng George, Jr. Lahat kayo may kanya-kanyang opinyon sa napipintuhong gyera laban sa Iraq. May ilan sa inyong siguro'y gustong matuloy ang gyera pero alam kong karamihan sa inyo, katulad kong nagdarasal na sana hindi ito matuloy.

Marami na akong naririnig na kung bakit atat na atat si pare na ituloy ang labanang ito. Unang-una na nga dun ang kadahilanang nangako raw sya sa kanyang ama na si ex-prez George, Sr. na itutuloy nya ang hindi natapos ng ama. Ang iba naman ang sabi dahil hindi rin daw mabigyan ni Jr. ng kalutasan ang pababang ekonomiya ng Amerika kaya't nililigoy nya ang pansin ng mga tao. (Pambihira namang ligoy yun...) Ang iba naman ang sabi, napapraning daw si pare dahil baka raw gamitin ng Iraq yung mga binigay na armas ng US nung panahon ni Reagan sa Iraq nung kasalukuyang nag-gye-gyera ang Iraq at Iran. Narinig ko na rin yung haka-haka na kaya raw gusto ni pareng mag-gyera eh para makuha ang monopoliya ng langis na nanggagaling sa Iraq.

Anuman ang dahilan o layunin, may tama bang rason para mag-gyera? May tama bang rason para pumatay ng mga inosenteng tao na ang taning naging "kasalanan" eh pinanganak at nakatira sa Iraq?

Kapansin-pansing kapag nagsalita si pareng George, Jr. akala mo talagang kanya lamang ang tanging desisyon para mag-deklara ng gyera. Hindi ba't ang tanging maaring mag-deklara ng gyera, ayon sa Konstitusyon ng Amerika, ay ang Kongreso? (Article 1, Section 8 ng U.S. Constitution) Dahil ba alam ng mga gumawa ng Konstitusyon ng Amerika na hindi dapat isalalay sa iisang tao lamang ang isang napakalaking desisyon na makaka-apekto sa napakaraming tao? Alam natin na magmula ng katapusan ng ikalawang digmaan, hindi na nag-deklara ng gyera ang Kongreso pero inako na ng ilang presidente ng Amerika ang kapangyarihang ito ng kongreso at pinabayaan naman sila. At ang ebidensya... tingnan nyo na lang ang nangyari sa Vietnam, Korea at ang Gulf War. Kaya't kung nais nating huwag matuloy ang gyera sa Iraq, dapat nating gisingin ang Kongreso at itulak sa dapat nilang gawin.

Ayon sa International Law, hindi pwedeng mag-deklara ng gyera ang isang bansa laban sa isa pang bansa maliban na lamang kung inatake sila ng pangalawang bansa o alam nilang aatakihin sila ng pangalawang bansa. Ganid sa kapangyarihan si Saddam, alam nyang kapag inatake nya ang Amerika, para na syang nagsuicide. Tapos na ang maliligayang araw nya.

Kung tutuusin, ayon ulit sa parehong international law na ito, si Saddam ang may karapatang umatake sa Amerika, dahil nagdedeklara ng gyera si pareng George laban sa kanya. Pero hindi sya gumagalaw... naisip kaya ni pareng George ito?

Alam kong may mga Amerikanong itataguyod ang desisyon ni pareng George kung matuloy ang digmaan katulad nuong nangyari ng Gulf War. Pero para sa ngayon, maligamgam pa rin ang suporta dahil siguro hindi makapagpakita ng malakas na ebidensya ang president na may mga "weapons of mass destruction" nga itong si Hussein. Itong nakaraang mga buwan, pilit na pinalalabas ng administrasyon ni pare sa UN at sa bansang Amerika na may matinding mga armas ang Iraq kahit na sinasabi na ng UN council na wala silang makita. Bakit hindi sila kumbinsido? Siguro dahil alam nila kung ano-anong armas ang pinadala nila nun sa Iraq nung panahon ni pareng Ron Reagan.

Hindi ako dalubhasa sa global situation. Mas lalong wala akong masyadong alam sa strategic warfare tactics. Pero eto lang ang akin, kung sa iba ok lang sa kanila na gyerahin na ni pareng George si Saddam, for anything its worth, siguro dahil ang nakikita lang nilang gyera ay yung napapanuod nila sa sine. Napapanuod din siguro nila sa CNN pero ikanga ng kaibigan ko, "sanitized version" na nga lang daw ang nakikita natin dahil maririnig mo lang ang putukan at makikita mo lang ay ang ilaw sa langit, pero hindi ang tutuong nangyayari sa lupa. Hindi mo nakikita kung paanong tutuong aktwal na namamatay ang tao sa baril at mga bomba. Sine? Wala pa ring sinabi yan sa tutuong buhay. Hollywood has glamorized war so much that it has desensitized the public about the real horrors of war.

Sabi ng iba, ok lang daw. Sobrang precise na raw ang mga armas ng Amerika na mababa lang ang magiging "collateral damage". "Collateral Damage". Ang "unintended" consequence of war o in other words ang mga inosenteng sibilyan na namamatay kapag sumabog ang mga bomba. Sa mga nagsasabi nyan, ang masasabi ko lang "BLOWBACK". Ang resulta ng mga mabilisan at ura-uradang desisyong pandigmaan na parang masamang panaginip na bumabalik-balik sa tao kahit ilang taon nang nakalipas ang gyera.

Ako? Walang pwedeng makakumbinsi sa akin na makakabuti ang gyera sa KAHIT NA KANINONG BANSA. Mas lalo na ang gyerang ito. Una, anuman ang rason, hindi ako kumbinsido dahil walang sapat na rason. Pangalawa, paano ang mga inosenteng tao, mas lalo na ang mga bata? Maisip ko lang na ang mga batang kasing idad nila Popoy, Mokong at Chingching ay maapektuhan ng malaki, may rason pa bang mag-gyera? Masisigurado ba sa atin ni pareng George na hindi sila magagalaw? I-e-evacuate ba sila bago ituloy ang gyera? I don't think so. Dugo ba nila ang kapalit pagkamkam ng langis? No Blood for Oil, ikanga nila nung panahon ng Gulf War. At ito pa rin ang slogan ngayon.

Wala... walang rason talaga.