Posts Tagged ‘Angel’
Tipis Nyo??
So nagtatanong ang mga prenships kung ano raw ba ang pinagkakaabalahan ko – heto. Masyado akong nagiging busy kasi malapit na ang Pasko. Excited ako kasi, perstaym, magki-christmas tree kami ni Bossing. For all the time na naging mag-dyowa kami, never pa kami nag-ambisyon na magdecorate ng bahay pag Christmas. Maraming rasones pero chorva na lang.
Wala nang masyadong mga Christmas decor na nakatago si Bossing. Pinagtatatapon nya halos lahat, tulad ng pagtapon ng isang mapait na kahapon (hellers, Ate Charo, are you listening?). Hemingweys, fast is fast, kaya kalimutan na natin ang nakaraan. Ang importante, ang ngayon. Ang importante, AKO (mwahahaha!). Oo na, masyadong mahaba ang buhok ko, hindi matawaran!
(Nakita 14466 beses ng 2246 bisitors)
