Posts Tagged ‘Baltimore’
Maybe I Should Be Working From Home…
At least, may proof na ako sa mga among tunay na nakatira sa kaharian ng Kinabalu na dapat sa bahay na lang ako mag-telework every Monday. So lukresia kasilag the working conditions here right now sa Balto. Mamaya matapilok pa ang ganda ko ng di oras dito. Tinalo ang kweba ni Valentina na puno ng ahas sa dami ng kurdon at kwerdas sa paligid-ligid. Hellers, eh buti sana kung may mahiwagang bato ako na pwede kong lunukin, if ever!
Di ko ma-take!
Kayo ang humusga. Diba, so windang the working conditions???
(Nakita 13256 beses ng 2435 bisitors)
Ang Lagareng Summer Ni M
So siguro, nasabi na sa inyo ni bossing ko sa blog nya na nag-tweynty-uno na si M namin this summer. Legal na ang lukresia. Legal nang dyuminom, legal nang bumoto, legal nang mag-casino, legal nang gumala-gala, legal nang mag-asawa (pero utang na labas, wag naman muna, por dyos!).
Kagabi, after god-knows-when (na si M din ang nakapansin), finally, nagdinner kaming sabay-sabay na tatlo. Naging masyadong veecee kasi ang summer naming lahat kaya di kami nakakakain ng sabay-sabay ever magmula nung umuwi sya. Busy si bossing sa overtime, busy ako sa mga raket ko, at nag-su-summer job naman si M (para may sarili syang kadatungan kapag summer) at may dalawang stageplays syang sinalihan dito sa Baltimore. Kasali sya sa Tommy at Bare.
Mahilig sa theatre si M. No, I take that back… hindi mahilig. Buhay ito ng lukersh. Kaya nga music ang major nya sa kolehiyo. Simula pa nung bata-bata sya, madalas na syang lumabas sa plays. Kapag bumaba ka sa basement namin, andun ang lahat ng pictures nya ng press releases, posters at kung anik-anik na mga sinalihan nya. Siempre pa, matyaga ang amang mag-frame ng mga achievements ng anak. Pagdating sa mga aktibidades ng dyunakis na ganyan, super tyaga si bossing. Talagang suportado nya si babae – lahat ng plays, concerts, recitals. Hindi yan sya nagmi-miss. Kasi para sa kanya, importante yun. Hindi nya ipagpapalit yun sa kahit na ano pa. Maliit man o malaking role, simple man o magarbo, basta may show si M, asahan mo, andun sya, walang mintis. Kaya lahat ng labas ni dyunakis, alam na alam nya. (Mistulang nanay ko kay Ringo :)
(Nakita 4193 beses ng 706 bisitors)

