One More Chance

32/365 days of blogging.
Sana ganito na lang ang ginagawa nung mga utaw na magaling sa computer at mga kung anik-anik na mga graphics.  Kesa naman pag-papabigat sa internet ang ginagawa – tulad ng spamming, phishing, at iba pang walang kakwenta-kwentang bagay.

(… Bitter Ocampo lang ako kasi ang dami na namang spam ng site ng Pansitan.net… kakainis!!!! Nakakapagod magbura.

Ayoko ng putek, ayoko ng marumi, ayoko ng masikip!
Ayoko ng spam… mas lalo na kung hindi yung delata!)



(Nakita 12989 beses ng 2608 bisitors)

Magkaribal

57/365 days of blogging.

Alam nyo, inis ako sa tele-novela ng ABS-CBN na Magkaribal. Nakakainis sya, ha!

Nakakainis yung mga suot ni Gretchen Barretto na mga damit. Sobrang nagmamaganda! Oo nga’t maganda sya, kailangan bang i-enhance pa ang ganda nya ng mga designer na mga damit??? Ano, nireremind na lang ba nya ako palagi na hindi dyosa ang kagandahan ko at kelan man, hindi magiging?

Not to mention, nakakainis din ang mga sapatos nyang nagmumurang mga Chanel at mga Prada at mga anik-anik pang high fashion. At sobrang nanlilimahid sa Hermes ang mga eksena nya. Nakakapikon!

Nakakayam din yang si Angel Aquino. Sobrang nagmamagaling. Kung makatirik ng mata sa galit parang kakain ng tao. Masyadong conniving, masyadong insecure, masyadong mapang-lait.  Parang ang sarap sabihan ng, “Anoba, eh diba nga pinatay mo nanay nya!  Inagaw mo tatay nya!  Ano naman ine-expect mo, maging mag-bestfriend kayo???”  Bilang brat lang naman pala!

At isa pa yang si Erich na yan ha. Ang mga coiffure sa mga events, sobrang sosyal! Mapagmataas (kasi sobrang taas ng hair)! At ang mga Chanel na mga bag nya – lagi na lang ba syang naka-Chanel??? Nakakairita-belles!

At oo, kahit na mahirap ang labas ni Bea dun, inis pa rin ako sa kanya! Hellers, nakita nyo ba yung episode na rumarampa sya sa catwalk?!?!? Anuyun???? Masyado naman syang nagmamaganda dun sa suot nya na damit. Eh hello, mistulang kung debutante ako, iinggitin pa nya ako kasi mga ganung klaseng damit ang gusto kong isuot. Anuba, mang-inggit pa ba???

At ang mga outfit nya. Oo nga, hindi couture, pero mayayamot kang isipin na saan naman kayang ukay-ukay o tindahan sa Divisoria meron nun??? Pati yung accessory nya na malalaking mga bulaklak na mga brooches, ano, meron sya nun pero wala pa akong nakikita nun dito? Feeling jetset, ganun??? Nakakainis naman talaga!

Ang mga babaeng yan, sobrang rumatsada ng mga damit at mga bag at sapatos! Kailangan bang sumasalipadpad ang mga gawa nila Jojie Loren, Inno Sotto, Ivarluski Aseron, Frederick Peralta, at Michael Cinco?  Inno Sotto????  Frederick Peralta???? Kailangan talaga sumobrang haba ng buhok nila sa kakarampa sa TV? Sobra na talaga!

OO nga pala, yan pang Derek Ramsey na yan! Feeling ba nya, dahil sa gwapo sya, ganun na lang syang rumampa sa mga eksena na nakahubad pa! Anuba, mistulang nang-aakit ng babae??  Hindi na nga ako tumitingin, no! Nagkaka-kasalanan pa ako sa dyowa ko ng lagay na yan!  Nakakapang-init ng laman!

At kailangan relate-table lagi ang storya, ganun? Kailangan realistic ang takbo ng mga eksena? Hello, kelan pa nangyari yun sa history ng telenovela na parang tutuong buhay ang mga nangyayari?  Na iisipin mo, oo nga, pwedeng mangyari yan… Kelan pa naging hindi ilusyonado ang isang tele-serye? Kelan pa?!?!?!?!

At ipapahamak pa ako ng show na yan!  Mistulang kailangan mapanood ko sya sa youtube ng iPhone ko kaya kahit sa trabaho, nasisilip ko sya. Pang-ilang episode na nila ang pinapalabas nila??  Nakaka-16 episodes na sila!  Alam ko yun dahil mabilis pa sa alas singko na nag-u-upload yung pineborit ko pang user channel sa yuchubelles.

Hellers, kung telenovela nga ng syupatiders ko, hindi ko alam ang number kapag pinapanood ko!  Nakakahiya!  Kelan pa na tumutok ako sa telenovela na wala dun ang kapatid ko. Kelan pa???? 

Leche, tama na nga!  Manonood pa ako ng episode 17 sa channel ni Bunjoyz sa yuchubelles.   Ano na naman kayang kulay ng Hermes ang ipapakita ni Barretto?? Sumosobra na sya talaga!

(Nakita 41903 beses ng 6831 bisitors)