Tara Na’t Mag-INTERCOURSE

34/365 days of blogging.

intercourse4Anoba’t hindi ko nasabi sa inyo na nung birthday ko eh dinala ako ni Bossing sa Pennsylvania? Biglaan na plano – umalis ng Lunes ng gabi ng a-singko, bumalik ng Maryland ng a-sais. At ang pinuntahan namin ni Bossing?

Intercourse.

Sa Pennsylvania.

Ang galing ng pangalan diba? Isa syang Amish county sa Pennsylvania.  Mga isang oras at kalahati lang na walang ka-strees-stress na byahe magmula dito sa bahay namin.  Amish.  Yung mga taong, dahil sa relihiyon nila, hindi gumagamit ng kahit na anong modernong mga kasangkapan at bagay.  Mga naka-karitela kapag nag-ba-byahe, gumagamit ng mga kabayo para sa pag-bungkal ng lupa, walang pridyider or washing machine at dryer sa bahay, hindi gumagamit ng internet, TV, cellphone at kung anik-anik pang gawa ng modernong teknolohiya dahil hindi naman raw kailangan yun sa buhay.  May point… pero mahirap yun, eh.  Mawalan ba ng koryente, ng cellphone?  Ng TV? At higit sa lahat, ng INTERNET????  Mamamatay ako.  Pramis.

intercourse1Ang sarap ng byahe namin kasi ang gaang ng drive – walang traffic.   Nung nasa bukana na kami ng Intercourse, tinuturo na sa akin Bossing yung mga Amish na nakakaritela.  Aliw na aliw ako.  At akala ko nakatira lang sila sa mga maliliit na mga bahay kasi, wala lang.  Akala ko lang kasi.  Pero hellers, ang mga bahay, sobrang lalaki kaya?  Hindi sya magarbo, hindi sya mukhang palasyo, pero malalaki.  Madalas nasa gitna ng malawak na mga bukid na ang sabi sa akin ni Bossing, pag-aari din nila.  So hellers, hindi tutuong Purita Kalaw sila.  Hindi lang talaga nila feel ang technology.   At diba nasabi ko na sa inyo na wala silang mga washer at dryer, hellers, kamustahin mo, ang haba ng mga sampayan.   Pero ang isa pang mapapansin ninyo, walang mga matitingkad na kulay ng damit sa sampayan.  At hindi uso ang mga backless, mga tirante, mga gown.  Isang style lang ang mga damit nila.  Plain, walang print, kulay blue, itim, puti at brown.  Hindi nila alam ang spelling ng neon orange, fuschia pink, at mello yello.  Ganun sila.

intercourse5Nagkataon, nung naghahanap na kami ng hotel na tutulugan, ginabi na kami.  Ang masama, ang tinuturo ni Manang (ang aming GPS navigator) na kung saan kami dadaan, isang mahabang-mahabang kalyeng bato-bato na walang kailaw-ilaw sa paligid.  May manaka-nakang mga bahay pero madilim sa paligid.  (Eh kasi nga diba, hindi sila gumagamit ng electricity)  Mistula bang parang maya-maya, may mga children of the corn na lalabas kung saan at papatayin kami.   Wala lang, OA lang talaga ang imagination ko.  At habang freak out na ako, tawang-tawa lang si Bossing sa akin.  Wala lang.  Trip lang nya.  Ang saya lang, diba?

Pero ok lang.  Keri na rin.  Sa haba-haba ng daan, natunton din namin ang kabihasnan.  May mga ilaw at mga restawran.  Nung makakain na kami, nakakita na rin kami ng hotel.  At yun, the whole night nakatutok ang TV sa isang amish channel na pinapakita nila yung mga spots at pwedeng gawin sa paligid.  Kinabukasan, nag-buggy-trip kami ni Bossing at niligid kami nung buggy sa paligid ng Intercourse.  At ang daan nung gabi na sobrang dilim, ang ganda pala nya sa araw kasi puro mga bukid, mga sinampay, at mga amish na lalaking nagbubungkal ng mga lupa nila gamit ang mga kabayo.  Nakakaaliw talaga.

intercourse3Nung hapon, siempre, naghanap na ako ng outlet mall sa may bandang labas na ng Intercourse. Mistulang very cultural man ang field trip, dapat present pa rin ang outlet, hindi pwedeng wala.  Kasi wala lang… dapat lang meron. hehehehe

Eto ang trip na regalo sa akin ni Bossing. Masaya kami, na-aliw kaming dalawa at bonding to the max kami.  Dagdag na naman namin ito sa marami pa naming magiging mga road trip.  Yun ang sarap ng kasama ni Bossing.  Walang arte, walang maraming plano.  Walang maraming requirements.  Basta pwede, hindi sya mahirap yayain atsaka hindi nauubusan ng idea.  Maarunong syang maghanap ng mga nakakaaliw na mga mapupuntahan na hindi masyadong gagastos.  Eh bagay kami kasi kaladkarin akong babae, hindi ako maarte (altho marunong akong mag-inarte hehehe) at ok sa akin yung hindi magastos na mga trip.

Ang sarap mag-birthday talaga.

(Nakita 25661 beses ng 4940 bisitors)

Birds Of The Same Feather

Hemingweys, nag-promise ako ng feekshurs ng birthday chuvaneses ko. Nag-expire na yung guest invite ko sa flicker ni papa Gerald at hindi naman pala ako nakakuha ng magagandang feekshurs nung gumora kami kina Veck. Kaya churva-churva nyo na lang ang nakuha kong mga pics namin.

Ang Breakfast Club barkading ni bossing.  Mayo, Bossing, Lani en Myra
Ang Breakfast Club barkading ni bossing. Mayo, Bossing, Lani en Myra

Continue reading Birds Of The Same Feather

(Nakita 27411 beses ng 4685 bisitors)

Happy Birthday To Me

Nag-birthday ang Lola nyo nung Efril six. Buong weekend ang selebreyshen namin ni Bossing ko. Pero nung Viyernes at Sabaders may mga pinuntahan akong mga medical afoyntment din. (Isip ko kasi, para di ko na makalimutan, ang mga bisita ko sa mammogram, pap smear, opthalmologist at kung anik-anik pa eh isabay ko sa birthday ko.)

Wit pa ako ever nagpapa-mammogram ever since nag-kwarenta ako. Eh diba, needs ito kapag medyo umaabot ka na ng forty. Siempre scared ako sa breast cancer, pero lola, scared din kasi ako sa mammogram. Isipin mo, pitpitin ba ng husto ang dyoga mo eh masa-kitchen kaya yun? But eniweys-highweys, pa-birthday ko nga yun sa sarili ko. Ready na ako talaga kahit masakit nang madiskubre ko na meron na palang tinatawag na digitized mammography. Maraming churva-churva na mga advantages ang digitized kesa sa film mammography, pero ang pinaka-attractive sa akin eh wit na sya kasing tagal ng film – less than a minute for each breast. Less time to pitpit, less sakit to da dyugs. So go na ako. Viernes yun. Nung hapon, go-sago na kami sa Philadelphia dahil Junior Recital ni M.

Sabaders, oral glucose test naman ang pinagawa ko. Kakaloka yun. Biruin mong painumin ka ng sobrang tamis na “juice” tapos kunan ka ng dugo ng tatlong beses – bago ang test, isang oras pagka-inom ng glucose at isang oras ulit pagkaraan. Eh paano kaya yun eh dalawa lang kaya ang braso ko? Kaya ang kaliwa kong braso, mas bugbog kesa sa kanan.

Nung gabi, balak sana namin ni Bossing na manood ng play sa Toby’s. Pero dahil di namin akalain na ang masyonda ng play na tulad ng Wizard of Oz eh mag-fully booked pa, go na lang kami sa Japanese restaurant para kumain ng hibachi. Di na kami nakapanood ng sinex pagkatapos piano sobrang busog na kami.

Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Bossing at nagluto na kami ng palabok at kare-kare at go-sago na kami sa friendship kong si Nimfa sa Hagerstown at dun nagselebreyt kami ng birthday ko kasama ang pamilya ni Nimfa, si Santi, si Brenda kasama si mother -in-lo at dyunakis at ang pamilya ni Eric. Nabundat ako. Ang sarap nung sinaing na galunggong, sobra! (At gagawin ko yun, pramis!)

So kita nyo naman, talagang one whole weekend kami nag-selebreyt ni bossing ko. Tenchu, my lab, lab na lab kita :)

Eto nga pala. Isang kanta ni M nung Junior Recital nya sa eskwela nya sa Philadelphia.



Related Posts with Thumbnails

(Nakita 14372 beses ng 2568 bisitors)