Posts Tagged ‘Blythe’
Welcome, Miss Iggy Badjee!
6/365 days of blogging.
So kanina, binihisan ko si Minicake at sinabi kong bitbitin nya ang kanyang bagong cousin na si Miss Iggy Badjee at magpi-picture taking kami sa labas. Ta-daaaaaa!!!! Mga 10 minutes pa lang ata, enter na ulit kami sa housing project. Hindi ko kinayang naka-ballet shoes lang akong lumabas ng bahay at magpunta sa driveway. Hak-hak-hak! (Kasi naman, feelingerang hindi ma-aapektuhan ng lamig. Yun pala, bibigay din! Kaloka!) Hayaan nyo, kapag gumanda-ganda na ang weyder-weyder sa labas, picture taking galore na kami ulit ng mga dyulaga ko. Naghahanap na nga ako ng magandang paglalagyan sa kanila while travelling in style. Baka makakuha ako ng pattern sa internet at pwedeng gawan ko sila ng carry-on. Kasama na ang change of wardrobe, change of shoes, suklay, pabango, salamin, rollers, camera at baon na tsitsirya at sago.
Keri, davah? O sya… hanggang sa muli!
(Nakita 2882 beses ng 635 bisitors)
I Miss My Dollies
Miss ko na ang mga dollies ko. Ilang linggo ko na rin silang hindi nahahawakan at napaglalaruan. Ilang linggo ko na silang hindi nagagawan ng damit. Dumating na nga si Lovely, hindi ko pa siya naaayos. Hindi pa ako naka-order ng bagong mata, hindi pa ako nakabili ng bagong eyelashes at hindi ko pa naaalis ang oiliness ng fez. Kakaawa naman…
Matagal na nga akong hindi nakakakuha ng mga bagong pictures nila. Busi-busihan kasi aketch. Gumawa ng kurtina (karir yun, ha!). Gumagawa ng throw pillow. Nag-reresearch ng kung ano ang gagawin ko sa kauna-unahan naming Christmas tree ni Bossing. (Jewel-toned ba? Fairies ba? Angels ba? O maski-paps na lang kasi dukha lang ako at hindi ko maafford ang mga kemamahal na mga ornaments na type ko?)
(Nakita 14895 beses ng 2345 bisitors)
Ang Mga Mata… Ni Angelita
So dumating na nung lunes ang mga eye chips ng mga manyika ko. Bago pa man din dumating ang mga mata ni angelita, talagang mega-aral na ako kung paano ko sya ilalagay kay Matet at Minicake. Ten kasi ako na baka kailangan ko syang buksan eh feeling ko, “I’m not ready”. Mabuti na lang, salamat sa YouTube, nakakita ako ng pag-gawa sa kanya na glue-stick lang ang gagamitin. Bumili din ako ng pilik-mata para palitan yung stock nila na manyikang-manyika ang dating na pilik-mata. May libre pa akong isang pares pa ng eye chips.
Read the rest of this entry »
(Nakita 11720 beses ng 2301 bisitors)
Blythie-Blythe-Blythe!
So nung nakaraang linggo, dumating na ang mga order kong Blythe galing ng Japan. Sa tutuo lang, naloka ako ng husto kakahanap ng maganda pero muring na manyika. Mabuti na lang katulong ko si Mama Sachiko, ang aking butihing kaibigan-ka-blog-ka-berk na nakatira sa japan at marunong mag-nihongo. Sya ang kumausap sa mga japok para mabili ko ang manyika sa isang store dun.
Una kong nakita itong mga manyikang ito kay Ging Maganda. Naloka ako bigla kasi ang dami palang pwedeng gawin sa mga Blythe na ito. Bukod sa nabibihisan mo, napapalitan mo sya ng kulay ng mata, nalalagyan mo sya ng ibang buhok, napapalitan mo ang katawan, name-make-up-an mo. Marami. Ang dami pang websites na tungkol sa kanila. Sa Y ouTube, ang daming mga how-to videos kung paano mo siya i-mo-mode. Sa Flickr ang daming accounts na puro blythe lang talaga ang pinapakita nila. Nakaka-engganyo talaga na nakakatuwa syang bihisan atsaka landiin. Eh hindi sya katulad ng Barbie kasi nga ang laki ng ulo kumpara sa katawan, ang laki ng mata, ang laki ng nuo. (Hello, Christina Ricci, istatue??) Love it or hate it.
Read the rest of this entry »
(Nakita 14254 beses ng 2650 bisitors)




