Sobrang Tagal…

1/365 days of blogging (ulet…)

Bohol Beach Club

Ang tagal, grabe!  Tatlong buwan na hindi nag-update!  Anong karapatan na ituloy ang dating countdown ng days of blogging.  Ang kapal ko naman diba? Kaya balik tayo sa umpisa.  Count 1 ulet.

Eh bakit nga ba kasi sobrang nagbisi-bisihan?

Una, nagprepare na ng toxic sa debut ni Czarina.  Sobrang kinarir kaya.  Lahat ng decor sa mga mesa, ang backdrop ng stage, ang invitations, isama mo pa ang pag-repair ng gown.  Sobrang karir.  At sabihin pang mahigit isang taon na pin-repare, na-toxic pa rin sa huli.  Pero ang haba ng buhok namin ng nanay nya pagkatapos, kasi ang ganda ng debut ni Ina.  SOBRANG. GANDA. Yun lang.

Blood Compact Memorial

Pangalawa, wala pang ilang araw pagkatapos ng debut, fly na kami ni bossing sa ‘Pinas.  Nag-Cebu (sobrang educational!), nag-Bohol (sobrang ganda!), nag-Divisoria (sobrang miss ko!), sangkatutak na punta sa Greenhills (sobrang aliw!), sanlibong beses atang nagpunta sa Cainta para makipagkita sa mga kaklase nung high school (sobrang lasing!), sampung libong beses atang kumain ng Baliwag, Lechon Cebu, TJ’s at Crystal Jade  (ang sarappppp, grabe!!), nakipagkita sa mga kumareng barkading at ilang daang libong oras ng bonding time kasama ang syupatiders, pamangkin at lola – sa loob ng isang buwan.   Bilangin nyo yun.  Toxic pero sobrang saya ko.  Limang taon akong hindi umuwi.  Hindi nakakatawa yun, kaya hindi na dapat maulit na hindi umuuwi ng ganun katagal.  Dapat yun Mortal Sin.  Hindi na dapat gawin ulet.

Chocolate Hills

Pangatlo, wala nang pangatlo.  Yun lang talaga ang nag-okupa ng mga oras ko magmula ng huli akong nag-blog.  Kaya’t dapat lang, ibalik ko ulet sa number 1 ang bilang ko ng blogging.  Ulitan kung ulitan.

At ano ang mga naobserbahan ko sa isang buwang bakasyon na kasama si Bossing (na tatlong linggo lang ang bakasyon kaya may isang linggo ako all by myself)

1.  lahat na lang halos ng commercials na gawang pinoy puro celebrities ang endorsers magmula kay Bossing Vic hanggang kay Piolo hanggang kay Michael V.   Naisip ko na nga, gagawa ako ng listahan ng mga commercials na artista ang mga endorsers eh.  Siguro next entry…

The Sisterhood of the Logbook (4/6)

2.  mainit pa rin, pero wala nang babago pa dun.  Kung mag-snow dun magtaka pa ako.  End of the world na.

3.  aircon na ang LRT at aliw na aliw akong sumakay sa kanya.  Eh paano ang bilis eh.  Minsang nagpunta ako ng Makati ng Byernes ng naka-taxi at sobrang traffic inokray pa ako ng syupatembangs ko dahil ang tanga ko raw.  Kung nag-LRT ako hindi sana ako inabot ng isang oras papuntang Makati galing sa amin sa Cubao.  Pero hellers, kamustahin naman kaya ang damit ko pagkatapos – hahabulin na ako ng plantsa sa sobrang gusot kasi people power malamang sa LRT ng alas kwatro ng hapon.

Ang High School Friends (Kasama si Ate at Kuya)

4.  mukha nang Makati ang Greenhills, pero I love the tiangge!!  Walang makakatulad talaga.  Maliban sa Divisoria, but then again, Divi is Divi and Greenhills is Greenhills.  Apples and oranges.  At mistulang naloka ako sa sobrang quadruple class A na mga pekeng Louis Vuitton!!  Kung hindi ka marunong tumingin, mapepeke ka talaga.  Ako pa ang nahiyang dalhin ang LV ko sa Greenhills. Dahil nakaka-insecure.  Dahil pumapasok sa isip ko baka fake din ang bag ko.  Dahil orig ang LV ko.  Aruuuuuu….

5.  may McKinley Hills na na sobrang sossy.  Sa tutuo lang, bakit ba panay ang pagawa nila ng mall sa Pilipinas?  Third world pa tayo nang lagay na yan ha… Di ko macompute talaga.

High School Friends (Part 2)

6.  wala na ang Magnolia House, ang St. Paul’s College, St. Paul’s University na, ang Immaculate Conception Church sa amin, Immaculate Conception Cathedral na.  May Greenbelt 5 na.  Iba na ang itsura ng SM sa Makati, muntik na akong maligaw.  Wala na rin ang Fiest Carnival, Shopwise na sya ngayon.  May Telus na call center na sa Cubao (the same Telus na phone company ng Canada).  Di ko pinuntahan ang MOA, kasi wala naman akong bibilhin sa kanya.  At COD display twing pasko, nasa bubong na ng walkway sa Greenhills magmula Ortigas Avenue papuntang loob ng Unimart.  Ang munisipyo ng Cainta wala na sa main road ng A. Bonifacio, nasa loob na sya malapit sa Teacher’s Village.  At hindi na sya Cainta Catholic School – Cainta Catholic College na sya.

High School Friends (Part 3)

7.  lahat ng tao naka-cellphone.  May mga station pa na pwede kang mag-charge ng cellphone mo sa 7-11 kung sakaling na-low batt ka na.  Ang laki ng tiangge ng bilihan ng kung anik-anik sa cellphone sa Greenhills, naloka akong bumili ng cover ng iPhone ko.  At ang daming naka-iPad.

8.  ang Brookside Subdivision sa Cainta na kung saan kami lumaking magkakapatid, hindi mo na makikilala.  Hindi ko na halos nakita ang landmark na bahay na bilog kasi may inuman na sa harapan nito (na hindi ko alam, pag-aari pala ng mga kababata namin sa Brookside).  Ang St. Francis Subdivision na kung saan naman lumaki si Bossing, malaki na rin daw ang pinagbago.  Medyo na-sad sya kasi luma na yung bahay nila dun.

High School Friends (Part 4)

9.  masarap pa rin ang fishballs, ang squidballs, ang cuapao, ang Baliwag Lechon.  Isama mo pa ang mangga, atis, lanzones, at rambutan.  Masarap pa rin ang isda, iba pa rin ang lasa ng manok, baboy at baka – siguro kasi wala masyadong kemikal, hindi katulad ng mga karne dito.

10.  dumilim ang Aurora Blvd. Siguro kasi dahil sa LRT.  Mixed emotions ako sa LRT, malaki talaga ang tulong at pakinabang nya, pero on the other hand, ang mga daan kung saan sya tinayo, pumangit.  Kailangan ba talagang isakripisyo yun?  Nawala na nga ang Arcegas sa may amin.  Siguro nga kasi wala na ring bumibili ng bike.  Iba na ang hilig ng mga bata.  Ang Santolan kung saan bumababa para sumakay ng jeep papuntang Makati, di ko talaga malaman, hanggang ngayon, kung ano yun dati.  Nabura na ata sa memory ko yung parteng yun ng buhay ko.

San ka pa???

11.  hindi pa rin nagbabago ang itsura ng kapatid ko.  At ang gwapo pa rin ni Aga Muhlach.

Ang dami… ang daming highlights.  Hindi ko na nga nakunan ng litrato lahat ng mga bagay na nangyari sa amin.  Bigla kong narealize kulang pa ang mga litrato dahil wala pala kaming kuha ng lola ko na maganda.  Pero di bale, next year, mas maraming pictures.

At eto lang, kahit bagu-baguhin pa nila lahat, kahit bali-baligtarin, kahit mag-labo-labo na sila, eto pa rin ang mahal kong Pilipinas.  Eto pa rin ang babalik-balikan ko.  At manalo lang ako ng Lotto, babalik na kami ni Bossing sa Pinas.  Kasi tutuo, there’s no place like home…

Sa Pilipinas Lang...

(Nakita 32108 beses ng 5366 bisitors)

Samo’t-Saring Mga Wala Lang

44/365 days of blogging.

junWala lang #1:  Ang asawa ko madalas magsalita sa panaginip nya.  Pero kaninang madaling araw, ultimate showdown nya – kumanta sya at ka-duet pa ang sarili nya.  Akala ko ultimate na yung kumanta sya pero ang i-duet pa nya ang sarili nya, yun ang tumabo ng husto! Alam kong duet kasi mistulang sagutan yung kanta nya.  Di ko maintindihan ang lyrics nya pero parang isang normal ang boses at isang parang falsetto.  Blibi ba kayo dun?

Wala lang #2:  So sina Luis Manzano at Billy Joe ang hosts ng Wowowee.  Hindi na ako nanunuod.  Kasi ika ng ani Madir, para na lang daw ASAP na naman ang Wowowee.  Wala nang bago.  Mas gusto ko si Binoy.  Ibalik nyo si Binoy!   (Pero ok na rin sina Luis at Billy Joe… wag nang ibalik si Willie, utang na loob! Wag lang talaga!)

Wala lang #3:  Sana tigilan na nila sa kakapansin sa pagsisigarilyo ni Noynoy.  Sa tutuo lang, coming from a smoker, kapag lagi mong pinipilit ang isang tao na tumigil na sa paninigarilyo mas lalo syang hindi titigil.  Tumigil ako nun, 5 years ago, on my own.  Kasi gusto ko.  Kaya tantanan na nila yung tao.  Matanda na sya, alam nya ang ginagawa nya, titigil nya yun sa panahon na gusto nya.  

Wala lang #4.  Eto pa, tungkol kay Noynoy ulet.  Kung ako ang magiging presidente at sinasabi kong pagkababang-pagkababa ni Gloria ng Malacanang eh ipapaimbestigahan ko lahat ng mga kamalasaduhang pinag-gagagawa nya, dapat bang chumika-chika at umese-ese pa ako sa kanya sa mga kung ano-anong mga seremonyas na pang PR lang? Parang ang plastik-plastik ko naman nun.   Di ko feel jumoin kay Gloria sa Luneta nung Independence day, mere!  Kaya nga independence day eh, may kalayaan akong piliin ang mga gusto kong puntahan na mga affairs.  Hay naku…

At kung ayaw ko rin tumira sa Malacanang, choice ko yun!  Kung nanay ko nga sa Arlegui tumira, bakit hindi ako pwedeng sa Bahay Pangarap tumira?

Yun lang :)

 

(Nakita 18530 beses ng 3753 bisitors)

Flu

Nakakainis ang may flu. Ito na ata ang pinaka-grabeng flu na naramdaman ko. At ang nakakainis pa nito, nagpa-vaccine pa ako. So para que pa????  Mabuti pa nung hindi ako nagpapa-flu vaccine, hindi ako dinadapuan ng sakit, (not unless I willed it and I said so, hehehe).

Hindi sana ako magkaka-flu.  Inaalagaan ko si Bossing kasi sya ang originally nagkasakit.  Ok pa ako eh.  Kaya lang later on, sumakit na ang likod nya at may symptoms na naman sya ng kidney stones nya.  So sa tulong ng panananakot ng mga kabarkada nyang mga nurses, nadala ko sya sa doctor.  Since wala na naman sa bansa ang GP namin, dinala ko na sya sa ER kasi at least, dun, makakapag-order ng mga lab tests, at makukuha agad ang results.

Continue reading Flu

(Nakita 23267 beses ng 3892 bisitors)

I Miss My Dollies

Miss ko na ang mga dollies ko.  Ilang linggo ko na rin silang hindi nahahawakan at napaglalaruan.  Ilang linggo ko na silang hindi nagagawan ng damit.  Dumating na nga si Lovely, hindi ko pa siya naaayos.  Hindi pa ako naka-order ng bagong mata, hindi pa ako nakabili ng bagong eyelashes at hindi ko pa naaalis ang oiliness ng fez.  Kakaawa naman…

Matagal na nga akong hindi nakakakuha ng mga bagong pictures nila.  Busi-busihan kasi aketch.  Gumawa ng kurtina (karir yun, ha!).  Gumagawa ng throw pillow.  Nag-reresearch ng kung ano ang gagawin ko sa kauna-unahan naming Christmas tree ni Bossing.  (Jewel-toned ba?  Fairies ba?  Angels ba?  O maski-paps na lang kasi dukha lang ako at hindi ko maafford ang mga kemamahal na mga ornaments na type ko?)

Continue reading I Miss My Dollies

(Nakita 22979 beses ng 4770 bisitors)

Esmyus Islip

To who you are concerned:

Plis esmyuski me for not writing in this beautiful blog of mine for 23 days and counting. My bossing is sick and tired with the arthritis. He kenot walk tall and proud and he is on life support of the cratches for the means time being when he want to go to the toilet or around-robin the house. I am being a good bitter half and acting as if a Florence Nightingbird (the paytoll saint of nursing) taking care of himself in his hour of need, and mind you me, he has so many needs and wants in his hour of need… and wants.

Furthermore on the topic of absenceseses, it is very addicting to the mind this game called Farm Town in the FezBuk. That’s why in the middle half of things and stuffs, I am busy with my Bossing and playing like a farmer with a small land reform – plawing, planting and harvesting my plants and whatever else around my land of my vision. I am also tendering the farms of my neighborhood – watering their plants, cleaning the leaves from the tornadoes, this and that – its a hard job and some one is to do this.

But this I promise you everybody and all my relatives combined, I will go back now to writing in this beautiful blog. I am to go back to making your day a complete routine from this day forward till death us apart.

As what Doglas Macartur said when he swam to the beach that is Leyte, “I shall returns!”

And before I forgets to remember,  Happy Father’s Day to all the fathers, most especially and with special mention to my dear Itang and my Bossing.

My Proud Farm

(Nakita 48753 beses ng 9853 bisitors)

Vacation’s All I Ever Wanted

O sya… nadiscover ko na pwede palang unlimited upload sa multiply kaya dun ko na lang sa multiply account ko in-upload lahat ng mga pictures namin ng vacation namin sa Virginia. Marami akong gustong isulat kaya lang medyo pagod pa ako sa kaka-Farm Town sa FezBuk kaya ito na lang muna ang tingnan nyo. hehehehe…

Gusto ko lang sabihin na sobrang saya namin ni Bossing nung bakasyon namin na yun. Relaxing kasi… walang pressure. Nun ko lang nakita ang asawa ko na trested na rested. Nakapag-picture taking ng sobra. Reflected sa mga pictures nya yung focused na focused ang mind nya sa pagkuha ng mga litrato. Very rare yun for him. Madalas kasi yan, laging akala mo nagmamadali sa isip nya. Kaya masaya ako nun. Hindi sya preoccupied with anything else. Na-enjoy nya yung moments na early in the morning, mag-isa sya ng naglalakad sa boardwalk at kuha lang sya ng kuha ng litrato. Karamihan ng mga beach pictures dyan, kuha nya. (Pwera ata dun sa nasa beach kami at nagbababad sa araw… yun lang ata ang mga kuha ko).

Yung sa Williamsburg, pareho na kaming kumukuha ng mga pictures. Enjoy na enjoy din kami dun kasi very historical naman yung isang araw namin na yun.

I would love for us to go on another vacation na kaming dalawa lang ulit. Altho enjoy naman kami ng may mga kasama kaming mga kamag-anakan at mga kaibigan, minsan iba pa rin yung kayong mag-dyowa lang ang lumalabas. Ako? Talagang savored ko yung bakasyon namin na yun. I would think that this is probably one of the best vacations I’ve had with him. Msaya ako na nakita ko syang masaya…

O sya, klik nyo na lang ito for the pictures…

(Nakita 44415 beses ng 7173 bisitors)

Every Cloud Has A Silver Lightning

BossingLaughter is the best medicine.  Specially if you have no money to buy your medicine.  Ikanga, tawanan mo ang iyong problema.

Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na binigay Nya sa akin si Bossing.  OO, my answers have been prayed talaga!  Kasi si Bossing ang nagpapasaya ng araw-araw ko.  Kahit na nga mainit ang ulo ko, kapag nag-joke yun hindi pwedeng hindi ako matawa.  Mas lalo kapag nasa mood syang maging komedyante.  Kasi nga feeling nya, kalbo sya.

Continue reading Every Cloud Has A Silver Lightning

(Nakita 49698 beses ng 8183 bisitors)

Happy Valentayms!!!

Tayo... Hanggang Huli
Tayo... Hanggang Huli

Alam mo, Mylabs, di kita babatiin ng Hafi Valentayms kasi kahit hindi Valentayms, labs na labs pa rin kita. Now and Forever… Emen. Di naman natin kailangan ng valentayms para ipakita sa isa’t-isa ang pagmamahal natin, diba? Nagkakaroon man tayo ng mga pagsubok sa buhay natin, alam naman natin na kakayanin natin lahat yun. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin at sana kahit papaano, nasusuklian ko rin sya ng pag-aalaga sa iyo.

Kahit masyosyonda na tayo, kahit na sumakit na lahat ng mga buto nating dalawa, hindi magbabago ang pagmamahalan natin. I look forward to our plans… alam ko, magagawa natin lahat ng mga plano natin.

(The digiscrap kit is from Feels Like Autumn by She’s Full of Scrap – a digiscrap brand by me and my sisters.)


(Salamat kay Mec sa ginawa nyang photoslideshow na ito ng mga Berks. Touched na touched ako, Mec… Nung nanghihingi ka pa lang ng mga pictures at nakita ko yung mga binigay sa iyo na mga litrato ng ibang berks, paborito ko na yung thread na yun. So much love going around…)

(Nakita 27777 beses ng 4798 bisitors)

Darling, I Will Miss You… (hehehe, Ang Korni Nun!)

Eleven days to go, nasa Calgary na ako.

Masaya ako’t malungkot. Masaya, kasi after almost 4 years, magkikita kami ulit ni Patring. Mayayakap ko na ulit sina Chingching at Coco. Almost 3 years old lang si Chingching nung huli ko syang makita, ngayon, 6 na sya at may kaklaseng “Gold” ang buhok, sabi nya. Si Coco, kinakarga pa nun, ngayon naglalaro na ng Gameboy.

Masaya, kasi after a year and a half, magkikita na kami ulit ng inang at itang ko. Nakakamiss naman sila talaga… Kahit matanda na ako, kailangan ko pa rin ang mga magulang ko – hindi na financial, emotional na ngayon.

Makikita ko na rin ulit ang bayaw kong si Papi, ang pinsan kong si Mark na nasa US Navy na ngayon, ang tyang Alma ko at lahat ng mga barkading. Excited na ako…

At may bonus pa! Baka dumating pa ang hipag kong si Ditse at ang anak nyang peborit ko rin (kapatid ni Bossing si Ditse na nakatira sa Victoria, BC). Masaya yun. Matagal ko na ring hindi nakikita si Ditse, mga isa’t kalahating taon na rin siguro. Magkapareho kami na magkabaliktad ni Ditse, sya naman ang nasa Canada, at ang magulang at mga kapatid nya, andito naman. Ang dalas naming magtawagan nyan. Lately nga, magkatelebabad kaming palagi. Wala lang… buhay-buhay.

On the other hand as much as excited ako, malungkot din ako, kasi hindi kami magkasama ni bossing. Maiiwan sya dahil kailangang pumasok ng Pasko at hindi sya mabigyan ng bakasyon pagkatapos nun.

Bakit aalis pa rin ako kahit wala sya? Kasi alam ni bossing na miss na miss ko na ang pamilya ko – saksi sya dun. Nilalabanan ko na lang nga ang lungkot ko tungkol dun kasi nga andito naman ang asawa kong mahal ko at mahal ako. Sya na siempre ang priority ko. Kaya nagkakasya na lang akong kausap lang ang pamilya ko sa telepono at sa webcam at sa chat. Malungkot, pero ganun talaga ang buhay. Mabuti na lang mabait ang mga parientes at kapatiran ni Bossing, hindi ako tinuring na iba. Mas lalo si Nanay, parang nanay ko na rin talaga.

Mabait ang asawa ako. Hindi ako nagdalawang salita nung sinabi kong baka pwedeng dun kami magholidays na dalawa sa Calgary. Yun nga lang, tawag ng pangangailangan, hindi sya makakasama. Kaya ako lang ang aalis. Alam ko, gusto ring nyang makita at makasama ang mga kamag-anak ko. Excited rin naman sya nung malaman nyang parating na si Patring. Lagi syang interesado sa mga plano tungkol sa mga kapatid ko. At pareho pa kaming nakikipag-usap sa webcam sa Calgary para makita namin ang mga bagets. Anak, kapatid, tiyuhin rin ang turing sa kanya ng pamilya ko.

Worried din akong aalis ako kasi iniisip ko na, sino na ang mag-aasikaso sa kanya habang wala ako? Yung mga susuutin nya, yung baon nya. Sino na ang mag-aasikaso nun? Kapag may sumakit sa kanya, tapos wala ako, paano na sya? Kaya nung Sabado talagang pinilit ko na syang magpa-checkup na rin sa doktor namin. Bukas magpapa-blood test kaming dalawa ng sabay.

Kahapon nung nagligpit ako ng mga nilabhan, tinuro ko sa kanya kung nasaan yung mga bago nyang pantalon na binili ko nung Black Friday sa Hagerstown, nag-balumbon na ako ng katakot-takot na mga medyas at pinagsama-sama ko lahat ng mga sando nya. Pinagsama-sama ko rin sa hangeran nya lahat ng uniporme nya para hindi na sya maghanap.

Isesetup ko nga ang webcam at mic ko sa computer nya para lagi rin kaming makapagusap. Bibili rin ako ng phonecard para mas hindi hassle ang pag-uusap. Baka kasi lumaki lalo ang cellphone bill.

Kaya kakainis ang feeling ko ngayon. Masaya na malungkot. Malungkot na masaya.

Pero ok lang yun. Kung ang balak ko sa buhay eh maging forever Mrs. E****** E. R******, Jr., a mere two-week/three-weekend time is nothing :) It’s just one Christmas compared to a lifetime of other Christmases together. Hindi mawawala ang tambalang kasing tibay ng Fernando Poe, Jr.-Susan Roces. (Mereng patay na ang Da King.)

Kaya paalala lang po, hindi po tutuo ang tsismis sa radyo na matitibag na ang loveteam. Going strong pa rin kami – habang buhay, hanggang libing.

Yun na!

(Nakita 21031 beses ng 3743 bisitors)

I Wanna Dance With Somebody (…sa bahay ng may bahay)

Minsan may mga reality checks sa buhay na kapag dumating sa iyo, oks na oks na palang tanggapin. Kahit nagugulantang ka pa rin sa reality check. hehehehe

Eh piano naman, nitong nakaraang linggo, nag-imbita si Pareng Benjie (college pare ni Bossing na andito rin sa Maryland) na sumama sa kanya at maki-celebrate ng birthday ni Rosemarie, yung isang nurse na staff nya na magbi-birthday ng Vyernex. Eh naka-join na rin namin si Rosemarie nung nag-go kami sa beach para icelebrate naman ang birthday ni Abundio. “Abundio” (Ah-bun-jo, aksent on the last “jo”) ang tawag namin kay Pareng Benjie kasi, a) nakakatawa ang tunog at b) kasi yun ang tutuo nyang pangalan. Pramis, walang halong chorva, “Abundio” nga ang pangalang binigay ni Inang nya sa kanya.

Hemingweys, eh di kasama din namin sa gimik ang mag-asawang Veck at Conrad at si Rose na asawa ni Abundio at si Leo. (Ay, may kwento ako tungkol kay Leo pero mamaya na…)

So ayun, sa bar daw sa Washington, DC ang farty ni Rosemarie (ay, rhyme!). Go naman kami. Ang expected ko, kainan, inuman at kantahan. Nung papalapit na kami sa entrance nung venue, napansin ko, aba, may linya papasok. At ang mga girlashes mga naka backless, plunging neckline, pantsless, paldaless… ang mga boylets, isputing, . teka… parang nakita ko na itong mga eksenang ito somewhere in my past (hello, Julie Vega, are you with us???) Avah! Dance club ito, ah!!! (syet, Maribeth Bichara, is that you????)

Kaloka… Eh heller, mistulang walong taon na atang hindi nakakapasok ang lola nyo ng diskotek (hehehe). Eh di pagkatapos ng konting ka-chorvahan, nakajosok na rin naman kami (nasa VIP list ang pangalan ng Abundio – so shala!). Tapos go-sago na kami sa loob with matching escort pa papuntang taas. Shala! Private party pala. Dun kami sa taas na kita namin ang dance floor sa baba. May sarili pang bar. So shalang-shala talaga!

Eh kamusta naman ang mga eksena sa baba? Hiphop at electronica ang tugtog. So medyo ganun pa rin. Ang mga danz lights ganun pa rin, walang bago. May smoke machine, may fog lights, strobes… ganun pa rin. Walang bago.

Pero ang freaky dance nila, mas freaky na ngayon! Mas nakakaloka na ang mga movements – mistulang iumpog na ng pwet ng babae ang jewels ng boylets. Pero si Bossing nagmamalaki, “huuuu.. hanggang ganyan lang yang mga yan. Sa tutuong buhay bano yang mga yan.” (O diba, si Bossing, feeling He-man na may powers ni Greyskull. Hehehe)

Nung sinabi ko nga kay Veck na malamang alam ni Ina at Charlon (ang mga anak nyang binata at dalaga) ang freaky, inambahan ako ng ina at ang tili “subukan nila”. Mwahahahaha… Ako man kasi, maloka ako kung magsayaw ng ganun ang anakis ko. Latayan ko na lang ang buong katawan nya para hindi na sya makapagdiskotek.

Mga alas dos pa lang, nag-siuwi na ang mga wranglers. (Read: kami yun.) Naisip ko, syet, tumatanda na nga ako. As much as ok lang naman sya, hindi ko na kebs ang eksena. Mas layk ko na yung tsikahan, inuman, kainan, chorvahan… pero wala nang ilaw na kumukutikititap, wala nang usok-usok at wala nang maingay na tugtugan.

Case in point, nung isa pang Sabado, nandun kami kina Conrad dahil birthday ng junakis nilang si Ina. Masaya pa nga yun. May kaldereta, kanin at fried chicken. Tapos nagkantahan. Dun namin nakilala si Leo as in Leo Cagape. Sa mga hardcore ska fanatics sa Pinas, knows nyo sigurong keyboardist sya ng dating Put3ska. Kerek… ang nagpasikat ng Manila Girl. (Too bad, wala na ang Put3ska.) Pero ang tindi ni Leo mag-keyboard! At ang ganda pa ng boses! Kaya nga ang tatlong itlog (Abundio, Conrad at Bossing) feeling nila, sikat sila at panay ang kanta sa mga tinutugtog ni Leo. Nag-paplano na nga kaming bisitahin si Leo sa susunod nyang tugtog dito sa city. Siguro nek wik. Kung walang pasok si Abundio.

Hemingweys… yun nga. Mistulang kapag tumatanda ka nga, nag-iiba na ang definition mo ng gimik. Buti na lang, nagka-chance ang lola nyo na magsawa sa nightout nung kabataan nya (nyarrrrrrrkkkkkkk… para akong lola ko, anoba!!!!). Kaya wala namang kawalan ang mabawasan ang nightlife. Mas masaya na akong may konting mga kabarkadang kasama, may kantahan, may inuman, may lafangan, may pang-aasar na kasama at maraming-maraming tawanan.

Hindi ko na feel ang mag-pole dancing, pramis!

O sya, para sa may mga amnesia, eto ang “Manila Girl” ng PUT3SKA.



Related Posts with Thumbnails

(Nakita 22974 beses ng 4010 bisitors)