Happy New Year Na!

Huli-kaw, 2009 na!

Eh kamustahin naman ang bakasyon ko sa Canada?

We Are Family

Masaya… as in. Nung makita ko ang kapatid ko na inaabangan ako paglabas ko ng eroplano, naluha na ako. Nayakap ko ang itang ko, nabuhat pa nga ako (yes, Santa Klaws, pumayat na kasi ako) Nagkita rin kami ng tyahin ko at ng pinsan ko – nagkita-kita kasi kami dun dahil sinundo naman ng tyahin ko ang pinsan ko na galing ng San Diego. Pag-uwi ko, tuwang-tuwa akong yumakap kay inang. At mangiyak-ngiyak na ako nung biglang-bigla nagsigawan ang mga pamangkin ko, yumakap sa akin habang magkayakap pa kami ng inang ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasaya ang puso ko nung makita ko silang lahat.

Be Proud!

Nagkita-kita rin kami ng mga kaibigan ko. Ang mga pukersha kong mga barkada na frawd na frawd ako dahil may kanya-kanya na silang mga major accomplishments. Mga sariling bahay, mga anak, mga magagandang trabaho. Parang kelan lang eh broke pa kaming lahat at pangarap lang ang coach at louis vuitton na mga bag. hehehe

Nagkita rin kami ng isang mabuting kaibigan na itatago ko na lang sa pangalan na “Cecil” at isang kaklase nung high school na itatago ko na lang sa pangalang “Angie”. Pramis, hindi nila mga tutuong pangalan yang mga yan. hehehe

Proud din ako kasi ang daming Overseas Filipino Workers akong nakilala. Mga alaga sila ng tyahin ko na may sarili nang human resources agency sa Calgary. Masaya silang kasama. Mapapalapit talaga ang puso mo sa kanila.

Kung gusto nyo ng mga pictures, hanapin nyo na lang sila sa facebook ko at sa facebook ng syupatid ko.

Ang kulang lang talaga sa bakasyon ko eh si bossing. Kaya naman nung bumalik ako, kulang na lang hindi na kami lumabas ni bossing ng kwarto – kasi nga ang daming pinagkukwentuhan. Kayo, malisyosa ang mga utak nyo!

Hemingweys, madali’t sabi, recharged ako sa pagbalik ko.

In other news, gusto ko pong pasalamatan ang lahat ng bumoto sa akin sa nakaraang contest ng Top 10 Pinoy Expats/OFW Blog of the Year 2008 ng Thoughtskoto. Nanalo ang lola nyo ng 2nd Top Pinoy Expats/OFW Blog pagkatapos ni Apo Jim. At Top Pinoy Expats/OFW Blog sa US en Canada.

Maraming-maraming salamat sa mga judges, sa lahat ng bumoto at kay Kenji sa isang nakatataba ng pusong parangal.

At salamat din sa inyong lahat… panibagong taon, panibagong mga happenings. Maraming salamat sa inyong pagbisita, pag-comment at pagsubaybay. Pangako, mas marami pang kwento sa taong ito :)

(Nakita 29161 beses ng 5782 bisitors)

Darling, I Will Miss You… (hehehe, Ang Korni Nun!)

Eleven days to go, nasa Calgary na ako.

Masaya ako’t malungkot. Masaya, kasi after almost 4 years, magkikita kami ulit ni Patring. Mayayakap ko na ulit sina Chingching at Coco. Almost 3 years old lang si Chingching nung huli ko syang makita, ngayon, 6 na sya at may kaklaseng “Gold” ang buhok, sabi nya. Si Coco, kinakarga pa nun, ngayon naglalaro na ng Gameboy.

Masaya, kasi after a year and a half, magkikita na kami ulit ng inang at itang ko. Nakakamiss naman sila talaga… Kahit matanda na ako, kailangan ko pa rin ang mga magulang ko – hindi na financial, emotional na ngayon.

Makikita ko na rin ulit ang bayaw kong si Papi, ang pinsan kong si Mark na nasa US Navy na ngayon, ang tyang Alma ko at lahat ng mga barkading. Excited na ako…

At may bonus pa! Baka dumating pa ang hipag kong si Ditse at ang anak nyang peborit ko rin (kapatid ni Bossing si Ditse na nakatira sa Victoria, BC). Masaya yun. Matagal ko na ring hindi nakikita si Ditse, mga isa’t kalahating taon na rin siguro. Magkapareho kami na magkabaliktad ni Ditse, sya naman ang nasa Canada, at ang magulang at mga kapatid nya, andito naman. Ang dalas naming magtawagan nyan. Lately nga, magkatelebabad kaming palagi. Wala lang… buhay-buhay.

On the other hand as much as excited ako, malungkot din ako, kasi hindi kami magkasama ni bossing. Maiiwan sya dahil kailangang pumasok ng Pasko at hindi sya mabigyan ng bakasyon pagkatapos nun.

Bakit aalis pa rin ako kahit wala sya? Kasi alam ni bossing na miss na miss ko na ang pamilya ko – saksi sya dun. Nilalabanan ko na lang nga ang lungkot ko tungkol dun kasi nga andito naman ang asawa kong mahal ko at mahal ako. Sya na siempre ang priority ko. Kaya nagkakasya na lang akong kausap lang ang pamilya ko sa telepono at sa webcam at sa chat. Malungkot, pero ganun talaga ang buhay. Mabuti na lang mabait ang mga parientes at kapatiran ni Bossing, hindi ako tinuring na iba. Mas lalo si Nanay, parang nanay ko na rin talaga.

Mabait ang asawa ako. Hindi ako nagdalawang salita nung sinabi kong baka pwedeng dun kami magholidays na dalawa sa Calgary. Yun nga lang, tawag ng pangangailangan, hindi sya makakasama. Kaya ako lang ang aalis. Alam ko, gusto ring nyang makita at makasama ang mga kamag-anak ko. Excited rin naman sya nung malaman nyang parating na si Patring. Lagi syang interesado sa mga plano tungkol sa mga kapatid ko. At pareho pa kaming nakikipag-usap sa webcam sa Calgary para makita namin ang mga bagets. Anak, kapatid, tiyuhin rin ang turing sa kanya ng pamilya ko.

Worried din akong aalis ako kasi iniisip ko na, sino na ang mag-aasikaso sa kanya habang wala ako? Yung mga susuutin nya, yung baon nya. Sino na ang mag-aasikaso nun? Kapag may sumakit sa kanya, tapos wala ako, paano na sya? Kaya nung Sabado talagang pinilit ko na syang magpa-checkup na rin sa doktor namin. Bukas magpapa-blood test kaming dalawa ng sabay.

Kahapon nung nagligpit ako ng mga nilabhan, tinuro ko sa kanya kung nasaan yung mga bago nyang pantalon na binili ko nung Black Friday sa Hagerstown, nag-balumbon na ako ng katakot-takot na mga medyas at pinagsama-sama ko lahat ng mga sando nya. Pinagsama-sama ko rin sa hangeran nya lahat ng uniporme nya para hindi na sya maghanap.

Isesetup ko nga ang webcam at mic ko sa computer nya para lagi rin kaming makapagusap. Bibili rin ako ng phonecard para mas hindi hassle ang pag-uusap. Baka kasi lumaki lalo ang cellphone bill.

Kaya kakainis ang feeling ko ngayon. Masaya na malungkot. Malungkot na masaya.

Pero ok lang yun. Kung ang balak ko sa buhay eh maging forever Mrs. E****** E. R******, Jr., a mere two-week/three-weekend time is nothing :) It’s just one Christmas compared to a lifetime of other Christmases together. Hindi mawawala ang tambalang kasing tibay ng Fernando Poe, Jr.-Susan Roces. (Mereng patay na ang Da King.)

Kaya paalala lang po, hindi po tutuo ang tsismis sa radyo na matitibag na ang loveteam. Going strong pa rin kami – habang buhay, hanggang libing.

Yun na!

(Nakita 20337 beses ng 3642 bisitors)

Roll Out The Tequila!!!


Darating na si Patring namin! Itong Nobyemvers 19, darating na si Patring kasama ang 2 sa lima kong kulit-pamangkeneseses sa Calgary sa Canada. Ang asawa ni Patring, si Papi, matagal-tagal na ring nauna. Mga isa’t-kalahating taon na. Nung unang dumating si Papi, sa McDonald’s sya unang nakakuha ng working visa. Mataas na kung tutuusin ang posisyon ni Papi sa atin – manager ng Outback sa Makati. Pero tulad ng marami, nakipagsapalaran sya. Nilunok ang pride, nag-crew ng McDonald’s para lang makarating sa Canada.

Pero magaling kasi si Papi. Mga ilang buwan lang, naghanap ulit ng ibang mapapasukan. Marami na ngang ibang resto ang gustong kumuha sa kanya. May naswertehan syang isang resto, na dahil na rin siguro na-impress sa kanya (at ginawa na syang branch manager agad), gagawin na syang provincial nominee (para maging landed immigrant status) at kasama pa ang pamilya nya. Kaya ayun, wala pang kalahating taon magmula nung makuha sya sa bagong resto, parating na ngayon ang pamilya nya. Darating na ang bunso kong sisterette!

Dalawa na kaming andito, 2 down… 2 more to go. Kapag andito na rin sina Greta at Ringo, masayang-masaya na ako talaga… Konti na lang… konting dasal pa.

Entonces, sa Kaneyda ako magseselebreyt ng birthday ni bebi Jesus. Simula pa lang ng Disyemvers 19 nasa Calgary na ako hanggang Jenuweri 5. Bongga! Excited na ako. Nag-text din ako kay Mark na pinsan ko sa San Diego, CA at uuwi din sya – sa parehong araw na uuwi ako. Kaya Happy-Happy-Ebribadi-Happy. Malungkot nga lang kasi hindi ko kasama si Bossing. Hawa kasi ang schedule nya kaya for the perstaym, hindi kami magkasama ng Pasko’t Bagong Taon. Pero keri lang… ngayon lang naman. Miss ko na rin kasi sina Inang at Itang eh – isang taon at kalahati ko na silang hindi nakikita. At halos tatlong taon ko nang hindi nakikita sina Patring. Naiintindihan naman ako ni Bossing. Alam nyang miss na miss ko na ang pamilya ko.

Kaya tipid movement ako ngayon. Kailangan mag-ipon. Sa Calgary na ako mamimili ng mga regalo.

At sa mga ka-tsikang-prenship gang ko sa Calgary, humanda kayo! Kasama nyo ang reyna ng Cucci Gang itong holidays!!!! WOOHOOO!!!!! Ilabas na ang TEQUILA!!!

MWAHAHAHAHAHA!!!!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 24164 beses ng 3527 bisitors)