Eh Kanino Pa Ba Ako Magmamana??

34/365 days of blogging.

O, December 1 na!  Ang tindi diba?  Any monument pasko na.  Parang nakakainis na nakakapraning.  Hindi pa ako ready, Isabel!!!

At ang pinakasign na nagbabadya na ang Pasko?  Kapag gumagawa na ng mga electronic postcards ang syupatiders kong si Greta.  At dahil galing siguro sa bagong mga digiscrap nya ito, nagpadala sa facebook ng sampol.  So siempre, inasar ko.  At sumagot naman.  At itong mga two-liners lang naming dalawa, dun mo na malalaman, malaki talaga ang sira ng mga ulo ng buong angkan namin.  At take note, normal na usapan lang yan.  Hindi pa talaga nagj0-joke yan.

(Pero ok na rin ito… kesa naman para kaming tele-novela na puro drama at iyakan na lang.  Keri na ‘to, ‘teh.)

Ang pinakitang picture
Ang walang kakwenta-kwentang sagutan

Ps.  At ang inang ha… “boxes are coming” daw.  Ano naman, maglalakad???

(Nakita 16412 beses ng 3629 bisitors)

Pasko Na Sinta Ko (At least malapit na…)

10/365 days of blogging.

Ilang days na lang raw bago mag-christmas??? 

Basta ang alam ko, November na ngayon, ilang days na lang Thanksgiving na tapos the first weekend pagkatapos ng Thanksgiving, bibili na kami ni Bossing ng puno ulet.  Excited na ako… Lagi naman akong excited pag Pasko.  Kasi nga masaya.  Kung Disyembre ang reunion namin next year, sana sa Pinas kami magpasko.  Dream ko yun.  Ang tagal ko nang hindi umuuwi ng Pasko.  Ang mahal kasi eh.  Andun yun sa taas kasama ng “magbakasyon sa Pinas ng US summer” at “magbakasyon sa Pinas ng pinoy summer”.  Ganun sya kamahal.

Gagamitin ko pa rin ang mga ginamit kong decor last year.  Ang mahal kaya ng mga yun, no… Dapat lang gamitin ulet.  Plus nakabili nga ako sa Pinas ng parol kaya yun ang highlight ng Christmas decor ko ngayon.  Plus magdadagdag na lang siguro ako ng decor sa labas ng bahay.  Live na pine tree leaves pa rin atsaka mga ilaw.  Kaya masaya. 

Gusto ko ng bahay na masaya pag Pasko.  Kasi nga Pasko yun.  Dapat masaya.  Ayoko ng malungkot na Pasko. Masakit sa loob.  Kaya hangga’t dapat at kaya, ipagpasalamat ang mga paskong kaya nyong i-celebrate.  Kailangan maghanap ng rason bakit dapat masaya sa Pasko.  Hindi pwedeng hindi… there will always be a reason to be thankful…

Kaya, ilang araw na lang bago magpasko???





Designed by Vistaprint
Maker of Photo Cards

(Nakita 8013 beses ng 2001 bisitors)

Merry Christmas Na!!!

Pagpasensyahan nyo muna ang template ko.  Nagbababagong-anyo ako ulit – parang si Valentina.  Kaya habang pasko, deck the halls muna.

Marami pa akong pictures at mga anik-anik na ipopost kaya lang dahil pasko, sobrang toxic ang environment – trabaho, social life, love life.  Medyo bumababa na ang treshold ng wallet ko dahil sa pasko pero keri pa rin.  Christmas comes just once a year.  Na-blizzard kami nung Sabaders kaya si Bossing, nakatulog sa kakashovel ng driveway.  Katatapos ko lang magbalot ng mga regalo at maayos na ulit ang salas namin.  Tatlong linggo nang nakatayo ang Christmas tree at winner ang decor.  Nakapag-bake na ako ng mga christmas cookies at naipamigay na ang first batch sa mga prenships.  Idedeploy ako sa kabilang building sa trabaho kasi simula na ang toxic kong training.  Baka mas lalo na akong hindi maka-hawak ng internet sa opis kapag napunta na ako sa bagong cubicle ko.

Pero dahil Pasko pa rin naman, ito na lang muna ang ibibigay ko sa inyo.  Mga pamangkin ko ito kay Patring na nasa Calgary.  Nung pinapanood ko ito, tawang-tawa ako pero tulo ng tulo ang luha ko at sipon.  Halos murahin ko si Patring sa fexbuk kasi nga pinaiiyak ako. Sa true lang, miss na miss ko na naman ang pamilya ko – sa Canada at Pinas.  Kung pwede lang talaga si Bossing umalis, nasa Calgary na kami ngayon. Pero di bale, this year, magkikita-kita kami ulit – baka sa pinas pa. *crossing fingers, legs and eyes*

Kaya, para sa inyo, harinawang masaya ang Pasko nyo at kasama nyo ang inyong mga mahal sa buhay, harinawang kasama nyo silang rumarampa sa mga malls, sa mga gimik at kung saan-saan pang mga parties.  Harinawang masaya kayo ngayong Pasko.  Merry Christmas mula sa akin at kay Bossing ko :)

(Nakita 27521 beses ng 4706 bisitors)

Tipis Nyo??

So nagtatanong ang mga prenships kung ano raw ba ang pinagkakaabalahan ko – heto.  Masyado akong nagiging busy kasi malapit na ang Pasko.  Excited ako kasi, perstaym, magki-christmas tree kami ni Bossing.  For all the time na naging mag-dyowa kami, never pa kami nag-ambisyon na magdecorate ng bahay pag Christmas.  Maraming rasones pero chorva na lang.

Wala nang masyadong mga Christmas decor na nakatago si Bossing.  Pinagtatatapon nya halos lahat, tulad ng pagtapon ng isang mapait na kahapon (hellers, Ate Charo, are you listening?).  Hemingweys, fast is fast, kaya kalimutan na natin ang nakaraan. Ang importante, ang ngayon.  Ang importante, AKO (mwahahaha!). Oo na, masyadong mahaba ang buhok ko, hindi matawaran!

Continue reading Tipis Nyo??

(Nakita 19932 beses ng 3882 bisitors)

Manilena.com

Hokey… nakwento ko ba sa inyo na niregaluhan ako ni Bossing ko ng WACOM Bamboo Fun Drawing Tablet? Kung hindi pa, basahin nyo sya ditech.

So eniweyz-hi-waist, since naaaliw ako sa regalo kong yun, gumawa na ako ng bagong template para sa Manilena.com.

thumbnail

Naisip kong bigla, syet, mukhang kailangan i-revive ko na ang pag-gawa ng mga templates. Ang problema nga lang.. kelan pa? eto nga lang nag-e-effort ako ng kung anik-anik sa mga blogs ko, giraffe na giraffe na ako.

Sa true lang, ang dami kong gustong gawin ang problema ko lang oras. Ang buhay ko talaga sa araw-araw umikot na lang lagi sa trabaho ko – kasama na ang almost 1 million years na tagal na byahe. Tapos sa weekend naman parang nahihiya naman ako kay Bossing na hindi ako mag-asikaso sa balay. Kaya, wish ko na lang talaga. Pero paunti-unti ginagawa ko naman ang mga karir ko. Harinawang, magbunga nga kahit na 50% lang ang effort. Malay ko.. huwanopdisdeys… Good luck na lang sa akin. Emen.

Kanina, pauwi kami ni bossing, may bago na naman syang tough hit. Pero as usual, di ko maalala kaya bukas ko na lang ikukwento sa inyo. hehehehe…

(Nakita 26259 beses ng 4003 bisitors)

Hippopotamus Christmas

Yung pinapakinggan naming istasyon sa radio dito habang nagbabyahe kami ni bossing sa umaga, ang pinatutugtog the whole day eh puro christmas songs. Ok lang naman.. it puts you in the Christmas spirit.

Pasko na nga talaga. Hindi na papipigil pa… hindi na papa-awat (hehehe).

Napansin ko, for the past two years, hindi na ako sad kapag padating na ang Pasko. Wa na akong mga drama-drama-eklavu with matching may-i-shed-a-tear pa aketch. Wa na! Welcome na welcome ko ito to the point na excited pa nga ako. Buy ako ng mga christmas gifts, making a list and checking it twice pa. Mereseng konti lang ang budget ko, kebs ko! Yun ang challenge para sa akin – a great gift for a convenient price!

Hay naku… Gusto kong bigyan ng philosophical (pakshet, ang hirap i-isfel nun, ha! At binasa ko pa ng paulit-ulit) reason huyway-liwayway masaya ako. Siguro lang tumatanda na ako. Atsaka siguro hindi na ako naghahanap pa ng kung anik-anik. For one, andyan na si Bossing sa tabi ko. For two (siempre “for two” pagkatapos ng “for one”), nakakatulong din kaya na tuwing Linggo habang nagsisimba, pinipilit ko talaga na merong dapat ipagpasalamat? Mereseng magpasalamat lang ako na walang mahal namin na may sakit, o wala akong natatanggap na bad news o dahil nakakain kami ng tama sa oras araw-araw o dahil may trabaho kami ni bossing pareho o dahil hindi umulan buong linggo o dahil hindi pa rin nagugunaw ang mundo… (hindi pa…). Iipong dapat talaga merong “Thank You” portion ang weekly drama ko kay Lord.

Wranglers na nga ata ang lola niyo… Wit na mga wishing-wishing on a star for happines.

Ay, pero siempre may mga likes pa rin ako. (Tao lang naman aketch!) Tulad ng IMac (na, swear-to-God, talagang pinapangako ko sa sarili ko na makukuha ko sa 2008 kaya nagsisipag ako), yung dream kong kasal namin ni Bossing sa simbahan na gagawin sa Pinas (na siguro sa 5th year anniv na lang namin para may relevance kuning-kuning), isang Blackberry fone (na hindi ko pa rin majustify sa sarili ko kung kailangan ko nga o nagpapa-cute lang ako) at kung anik-anik pa na mga maliliit na mga things (pronounce: theeengs)…

Tulad kahapon, go-sago kami ni Bossing sa mall pagkatapos ng work ko. Siempre jumiwalay ako sa kanya kasi nga may-i-hide sya sa akin habang buy daw sya ng giftsung ko. So ako naman, buy pa ako ng ibang gifts na nasa listahan naming dalawa. After an hour or so, nagkita kami ulit. Wala raw syang mabili na regalo ko. ‘Nakngtipaklong! Spluk ko, “Huwat???? Sa nilaki-laki ng mall na itech, wa ka ma-sight??? Eh andyan ang Apple store, nag-go ka ba dun???” At ang sinagot ng asawa ko, isang malutong at mala-taning na tawa na ang pahiwatig eh “christmas gift ang hanap ko, hindi pang-kabuhayan package”.

Hay naku… sabagay, kung tutuusin nga naman, ano pa ba ang hihingin kong regalo sa asawa ko? Mabait. Hindi ako pinababayaan. Laging andyan sa tabi ko. Pinagluluto ako kapag hindi ako pwedeng magluto, may matching baon on the side pa. At mahal ako, sa lahat ng oras, araw, buwan at taon na nagkasama na kami. Siguro nga walang tigil na pagmamahal na lang ang hihingin ko sa kanyang christmas gift…

Hmmmmm…. Hindi rin daw!

(hehehehe)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 17239 beses ng 2886 bisitors)