Doll Coordinate Recipe

67/365 days of blogging.

Doll Coordinate Recipe 9

HUWAT?!?!?!?!?!  May mga bagong Doll Coordinate Recipe mooks (Oo, “Mooks”  as in Magazine-Books.  shalla, diba???)  na hindi ko alam???!!!  Ano ba naman yan???!!!!

(Grabe, nakaka-hingal yang sentence na yan, puro exclamation points at question marks na marami.  Ang OA ko talaga!) 

Eh kasi naman, na-excite ako talaga mas lalo na nung makita ko yung mga damit na nasa loob ng magazine.  Kakaloka! Hindi na naman ako mapapakali sa mga ito hangga’t hindi ko sila napapasakamay. (MWahahahaa!!!  Para kontrabida lang naman ang dating nung “napapasakamay”)

Eh ang nakakaloka pa sa lahat, ang mahal kaya nilang tinitinda itong mga ito.  Presyo ng libro kasama ang shipping, aabot ng almost $50 isa.  Anuba! Mas mahal pa sa sampung kilong karne sa Costco ang presyo na makakapag-pakain na ng isang batalyong homeless.  (Exags, alam ko.  Pero still you get the picture…) 

Doll Coordinate Recipe 10

Ito namang kasing mga hapon na ito, kumbakit sinasamantala ang pagiging lukaret ng mga babaeng kana na nagluluka-lukahan sa mga mooks na ito.  Pati tuloy ako nadadamay eh Pinay naman ako.   Nakakatawa pa kasi wala kang mabilhan dito sa US.  Kahit yung mga manyika wala.  As in talagang pinapaikot nila ang pwet ng mga lukreshiang mga kana.   

Samantalang mga $18 lang naman ang mga ito kapag kinonvert mo yung Y1500.  Diba, harang masyado.  Kaya kahit na gusto ko silang bilhin ng sabay-sabay, hindi pwede kasi sobrang mahal.   (Not unless… magpabili kaya ako sa pinsan kong nasa Japan? O kay Mama Sachiko??  Hmm… may sense.)

Nasubukan ko na kasi itong mga mooks na ito.  Talagang ang mga patterns nila lapat na lapat sa mga blythes ko.  Hindi katulad nung mga una kong binibili na mga patterns ni Skipper (yung kapatid ni Barbie) na sobrang laki at kahit na kay Barbie mo isukat, malaki pa rin at wala sa proportions.   Ang weird talaga nun…

Doll Coordinate Recipe 11

Itong mga ito, swak na swak ang sukat.  Dinala ko pa nga sa Pinas yung dalawa kong DCR (1 and 8)  at pinakita ko sa lola ko kasi nga mananahi ang lola ko at nagpatulong akong intindihin yung mga patterns.  Japanese kasi ang sulat sa mook kaya iintindihin mo na lang talaga yung pattern at yung mga pictures.  Eh sanay ang lola ko sa ganun kaya ang dami nyang naturo sa akin. 

Ayan, parang gusto ko na tuloy gumawa talaga ng mga damit ulet ng manika ko.  Actually nagmumuni-muni na nga ako ulet kung ano pa ang dapat kong gawin sa kanila eh.  May mga dapat akong irepair sa kanila plus kailangan na nila ulet ng bagong spa treatment – shampoo, make-up, eyelash implants.  The works.  Kaya siguro next week, pwede na ako ulet.  

Tumitingin na nga ako ng isang katawan para dun sa isa kong blythe na lelembot-lembot ang katawan. Naghahanap ako ng tutorial kung paano aayusin yung T-bar ng mata nung isa na nasobrahan ko ng kaskas kaya sumobrang liit kaya naman ang mata nya mistulang tumitirik na parang si Exorist.  At kailangang lagyan ko sila ulet ng mga pilik-mata.  Naubos kasi nung pinack ko sila pauwi dito galing Pinas.

In other words, they badly need a treatment!  Kaya next week, busy na ako ulet.  Mananahi na ako, mangungulot, magme-make-up at magmemekaniko.  Maloloka na naman sa akin si Bossing kasi ilalabas ko na naman ang mga blythes kong kinatatakutan nya!
Mwahahahaha!!!! 
Related Posts with Thumbnails

(Nakita 69472 beses ng 11854 bisitors)