I Miss My Dollies

Miss ko na ang mga dollies ko.  Ilang linggo ko na rin silang hindi nahahawakan at napaglalaruan.  Ilang linggo ko na silang hindi nagagawan ng damit.  Dumating na nga si Lovely, hindi ko pa siya naaayos.  Hindi pa ako naka-order ng bagong mata, hindi pa ako nakabili ng bagong eyelashes at hindi ko pa naaalis ang oiliness ng fez.  Kakaawa naman…

Matagal na nga akong hindi nakakakuha ng mga bagong pictures nila.  Busi-busihan kasi aketch.  Gumawa ng kurtina (karir yun, ha!).  Gumagawa ng throw pillow.  Nag-reresearch ng kung ano ang gagawin ko sa kauna-unahan naming Christmas tree ni Bossing.  (Jewel-toned ba?  Fairies ba?  Angels ba?  O maski-paps na lang kasi dukha lang ako at hindi ko maafford ang mga kemamahal na mga ornaments na type ko?)

Continue reading I Miss My Dollies

(Nakita 22970 beses ng 4768 bisitors)

Ang Mga Mata… Ni Angelita

eyes1So dumating na nung lunes ang mga eye chips ng mga manyika ko.  Bago pa man din dumating ang mga mata ni angelita, talagang mega-aral na ako kung paano ko sya ilalagay kay Matet at Minicake.  Ten kasi ako na baka kailangan ko syang buksan eh feeling ko, “I’m not ready”.  Mabuti na lang, salamat sa YouTube, nakakita ako ng pag-gawa sa kanya na glue-stick lang ang gagamitin. Bumili din ako ng pilik-mata para palitan yung stock nila na manyikang-manyika ang dating na pilik-mata.  May libre pa akong isang pares pa ng eye chips.
Continue reading Ang Mga Mata… Ni Angelita

(Nakita 28960 beses ng 5454 bisitors)

Blythie-Blythe-Blythe!

SI MinicakeSo nung nakaraang linggo, dumating na ang mga order kong Blythe galing ng Japan.  Sa tutuo lang, naloka ako ng husto kakahanap ng maganda pero muring na manyika.  Mabuti na lang katulong ko si Mama Sachiko, ang aking butihing kaibigan-ka-blog-ka-berk na nakatira sa japan at marunong mag-nihongo.  Sya ang kumausap sa mga japok para mabili ko ang manyika sa isang store dun.

Una kong nakita itong mga manyikang ito kay Ging Maganda.  Naloka ako bigla kasi ang dami palang pwedeng gawin sa mga Blythe na ito.  Bukod sa nabibihisan mo, napapalitan mo sya ng kulay ng mata, nalalagyan mo sya ng ibang buhok, napapalitan mo ang katawan, name-make-up-an mo.  Marami.  Ang dami pang websites na tungkol sa kanila.  Sa Y ouTube, ang daming mga how-to videos kung paano mo siya i-mo-mode.  Sa Flickr ang daming accounts na puro blythe lang talaga ang pinapakita nila. Nakaka-engganyo talaga na nakakatuwa syang bihisan atsaka landiin.  Eh hindi sya katulad ng Barbie kasi nga ang laki ng ulo kumpara sa katawan, ang laki ng mata, ang laki ng nuo. (Hello, Christina Ricci, istatue??) Love it or hate it.
Continue reading Blythie-Blythe-Blythe!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 40684 beses ng 7383 bisitors)