Kelan Kaya? (Malapit Na, Pramis!)

20/365 days of blogging.

Drawing Ko Yan!

Nung Christmas 2008, ang regalo sa akin ni Bossing ay isang Wacom Bamboo Tablet.  Pang-freehand drawing sya.  There was a time na nung aktibo pa ako sa pag-supporta sa mga shupatembangs sa aming digiscrap store, sinubukan ko ring mag-design.  Unfortunately, hindi ko masyadong nakarir ang intrigahan at iritabelles na mga mujer ng iba’t-ibang digiscrap store world kaya umexit muna aketch.  Pero twing makikita ko ang Bamboo Tablet ko, parang gustong-gusto ko na syang gamitin at paglaruan ulet.  Kaya lang, as usual, wala akong time.

Pero naisip ko, this time, may panahon na ako.  Gagamitin ko na sya ulet.  So sinubukan kong magpunta sa site ng Wacomm para i-link sa site ko.  Aba! Maraming bago!  Ang mga tablet, iba na ang itsu.  Pero ang maganda at exciting sa lahat, may mga mini-applications na sila na pwedeng pang-enhance ng iyong Wacomm table time – pang-drowing, laro, pang-modify ng mga photos, etc.  At dinownload ko sya! At gumana sya sa tablet ko!  Winnie Santos!!!!

Yun din kasi ang naging problema ko nung una kong ginagamit ang Wacom ko.  Parang hindi ko pa ma-coordinate ang mata ko sa kamay ko pagdating sa tablet ko.  Feeling ko, parang hindi tama ang calibration ng tablet at pen para sa akin.  Tapos ang ginagamit ko pa nun, Photoshop.  This time, may mga Mini’s na na pwedeng gamitin with your tablet.  Winner ang Mini!  Nakakaaliw!  Kailangan lang i-calibrate ko ang tablet sa kamay ko.

Ang Aking Wacomm Bamboo Fun

Kaya expect-in nyo na na gagana na ulet ang aking mga imajineyshen sa pag-gawa ng mga things and all other chuvaneseses.   Magbabago na ako ng Manilena.  Magkaka-time na akong gumawa ulet ng mga templates, gumawa ng digi-scrap, mag-drawing at gumawa ng mga cards.  Kasi nga, wala nang event of the year (hehehe, I lab yu, Ina!!).  I want to do a lot of things na hindi ko nagawa for the past year or so.  This time, pin-ramis ko na sa sarili ko na dapat, as in DAPAT, paganahin ko na ang ibang skills ko.  Not for anything else, pero para na rin sa sarili ko.  A deeper sense of wholeness.  A deeper indulgence for the left-side of my brain (hehehe).

I love technology!!

Ang Bagong Bamboo Dock

(Nakita 18105 beses ng 3238 bisitors)

Ano Tingin Mo Sa Akin?

Ang Maryland Light Rail talaga, sobrang memorable na sa akin itong sasakyan na ito. Dyan nga ako pinakitaan ng mga aring maitim. Yes… not once… two times pa! Dahil sa huling vez na yun, nalaman ko tuloy kung ano feeling ng sino-subpoena, nalaman ko tuloy kung ano itsura ng district court house ng Maryland at meron palang Court Leave ang state na pwede mong gamitin na hindi binabawas sa regular leaves mo. So shala that last one… (ang court leave, hindi ang maitim na etits).

At patuloy pa rin na nagbibigay sa akin ng memories ang light rail…

Nung Viernex ng gabi, medyo pensive ang mood ng lola nyo pauwi galing trabaho. Eh medyo malamig pa sa labas kaya suot ko yung yellow ko na ski jacket na bigay sa akin ni itang at inang tapos, siempre dahil scared sa mga manyak, sa unang coach ako sumakay, sa harap na upuan, malapit sa train operator.

Kapag nagko-commute ako medyo haggardness na aketch pagdating ng uwian. Tapos, ewan ko ba, medyo wit lang talaga ako sa mood. Kaya ayun, nakataas pa ang paa, naka-suot pa ang hood ng jacket, naka-masid lang ako sa labas habang umaandar ang train – muni-muni. Pensive nga kasi ang drama ko.

Nung huminto ang tren sa University Center na istasyon sa downtown, may sumakay na puting lalaki na mukhang art student – may knapsack, may brief case at drawing pad. Naturalmente, i therefore kongklud, art istudyent. Mukha pa ngang hippie eh – yung tipong nakasalamin, may balbas at bigote at ang ang buhok buhaghag to the max. Umupo sya sa kabilang side ng train kung saan yung upuan nya eh naka-harap sa upuan ko.

Wala lang. Di ko naman masyadong pansin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Kapag pa-norte ang byahe mo, may mga sampu pang istasyon magmula dun sa University Center station hanggang sa Lutherville station, kung saan naka-park ang kotse ko. Mahaba-haba pang byahe un… mga 30 to 40 minutes pa siguro. Pero maganda ang scenery nun – puro puno (na iba-iba na ang kulay dahil fall na), may lake ka pang dadaanan na ginawang preservation ng state. May lumalabas pang mga deer madalas, at kung anik-anik na iba’t-ibang uring ibon (yung lumilipad na kind).

Nakakadalawang istasyon pa lang magmula sa center, naglabas ng mga colored pencil si art student. Wala kasing gaano nang tao kaya pwede mo nang ihambalos sa buong train ang mga gamit mo. Napansin ko si art student biglang nagkoko-color.

Wala lang. Tuloy lang ako sa karir kong loner ako. Iniisip ko na kung ano pa ang ilalagay ko dun sa media kit na ginagawa ko. Naisip kong parang type ko atang kina Nimfette mag-thanksgiving. Namimiss ko na ang bakla at parang masarap kasi mag-black friday shopping sa Hagerstown. Kasi di ko rin feel maghanda ng pabo itong taon na ito. Wala lang talaga.

Inside LRtKalagitnaan ng byahe, napansin ko, nagkakahugis na ang dinodrowing ni art student. Napapansin ko pasulyap-sulyap pa sya sa bintanang katabi ko na kaharap nya. Isip ko, mukhang ang loob ata ng train ang dinodrowing nya. May nakikita akong mga blue at beige – loob nga ng train. Sa kaliwang bahagi ng papel nya, may isang parang blob na dilaw. Hmmm.. ang liwanag nga kasi nung ilaw sa may ulo ko eh.

Tingin na naman ako sa labas. Iniisip ko na kung ano-ano ang bibilhin kong mga pamasko. Nag-iisip na rin ako kung kelan ako pwedeng umalis papuntang Calgary kasi padating na si Patring at ang dalawa nyang dyunakis. Excited na akong makita sila at sina itang at inang itong Pasko.

For some reason, naiintriga na rin ako sa drawing ni art student. Mga tatlong istasyon bago ako bumaba dun ko nadiskubre… ako ang dinodrowing nya! Yung dilaw sa kaliwang bahagi ng papel, ako yun! Naka-drawing na ang maong kong suot, ang rubber shoes kong nakasampa sa harapan kong upuan at naka-drawing pa nga yung hood sa ulo ko.

Medyo nagkatinginan kami ni art student, pero wala lang. Keri lang sya, ako naman, parang ok lang. Kanya-kanyang trip yan. So para hindi na lang ako mailang, kunyari na lang hindi na ako tumingin sa kanya. Pero sa isip ko, ano kaya ang nakita niya at dinrowing nya ako?

Nung pababa na ako ng tren, sinilip ko ulit yung drowing nya. Buo na. Halos tapos na. Nginitian ko na lang sya.

Sa kotse habang nagdadrive ako pauwi, iniisip ko pa rin si art student. Alam ko naman hindi nya ako dinrowing dahil nagagandahan sya sa akin (hehehehe). Pero isip ko, kapag nga kaya hindi ka aware kung may nakatingin sa iyo, o hindi ka conscious sa paligid mo, sa mga panahong hindi ka humaharap sa ibang tao at nababalutan ka ng pag-mumuni-muni, ano nga kaya ang mukhang naipapakita mo sa mundo? At korolari to dat, anong mukha mo ang nakikita ng mundo?

Yung art student na yun, pwede ring bored lang sya at gusto nyang maaliw, o siguro may kailangan syang assignment at kailangang mag-drawing sya… maski anik-anik na lang na makita nya, pero pwede rin kayang iba ang tingin nya sa itsura ko nun? Lumalabas nga ba sa mukha ko o sa itsura ng pagkaka-upo ko ang tema ng mga iniisip ko?

Makita ko pa kaya ulit yung drawing nya na yun?

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 18312 beses ng 2838 bisitors)