Sa Paligid-Ligid

Ang mga nagaganap sa pali-paligid at kung ano naman ang masasabi ko.

1.  Nag-IPO na ang Fezbuk.  Kaloka, bakit hindi ako bumili ng stocks nila???  Pero on sekontot, parang hindi naman ata magtatagal ito kasi unang araw pa lang ng public offering nila, $0.23 lang ang itinaas tapos ngayon 9% na ang binaba.  “Dud” nga ata ang Fezbuk IPO eh

2.  Patay na si Donna Summers at Robin Gibb.  Tumatanda na nga ata ako… lahat ng mga idol at paborito kong mga personalities, paisa-isa, natsutsugi na sila.  Hindi ko keri!!  Wala na ang tinaguriang Queen of Disco at ang natitirang Gibb na lang ay si Barry… at si Janno (Salamat Mark Serrano sa joke, mwahahaha!)

3.  Boycottin daw si Lady Gaga.  Hindi raw kasi naaayon ang mga kanta.  Labag daw sa Diyos ang mga kanta nya.  Andyang idedemanda pa raw nila si lola.  Hellers, eto na naman sila.   Bakit ba tayo may “selective censorship”?  Bakit, ang pangongotong, ang pag-nakaw ng kaban ng bayan, ang pagkakaroon ng mga kabit at maraming asawa ng mga pulitiko, hindi ba kasalan din sa Diyos yan?  Bakit hindi yang mga pulitikong pulpol nayan kaya ang idemanda nila??? If I know, sumasakay lang sila sa katanyagan nil lola para mapag-usapan sila.

4.  Sana manalo si Jessica Sanchez sa American Idol. Deserving naman sya eh.  Altho kung tatanungin nyo ako, at opinyon ko lang ito, ang galing ni Jessica ng pagkanta, in-born na sa ating mga Pinoy na magkaroon ng ganyang exceptional na talent.  Ang kulang ng mga singers natin, bonggang exposure sa international market at manager na backers at managers na katulad ni Oprah at David Foster.  Hindi ba, Charice?

5. Palabas pa rin ang Every Breath You Take ni Angelica Panganiban at Piolo Pascual. Na kasama si Smokey Manaloto.  Siempre, kailangan i-plug ko!

Yun na!

Bow.

O, ayan... showing pa rin sa sinehang malapit sa inyo

(Nakita 42573 beses ng 7281 bisitors)

One More Chance

32/365 days of blogging.
Sana ganito na lang ang ginagawa nung mga utaw na magaling sa computer at mga kung anik-anik na mga graphics.  Kesa naman pag-papabigat sa internet ang ginagawa – tulad ng spamming, phishing, at iba pang walang kakwenta-kwentang bagay.

(… Bitter Ocampo lang ako kasi ang dami na namang spam ng site ng Pansitan.net… kakainis!!!! Nakakapagod magbura.

Ayoko ng putek, ayoko ng marumi, ayoko ng masikip!
Ayoko ng spam… mas lalo na kung hindi yung delata!)



(Nakita 12266 beses ng 2481 bisitors)

atesienna@facebook.com?

19/365 days of blogging.

Photo courtesy of The Telegraph

Napanood nyo ba yung pelikulang “The Social Network“?  Yung pelikula based sa paano nagsimula ang Facebook at sino si Mark Zuckerberg, ang genuis behind the social networking site? 

Amazed ako sa batang ito.  Sobrang talino.  Sa edad na 18 sinimulan nyang gawin ang isang networking site na pang-campus and by the age of 20 nasa buong internet na sa buong mundo itong site na ito at tinawag na “Facebook”.  By 2010, naabot na nila ang 500M na mark ng users ng facebook.

Of jors, sino ba naman ang wala sa facebook?  Ang mudak at pudak ko nandun.  Ang mudak ni bossing ko rin may profile dun. Kasama na sila dun sa 500M na users na yun. Lahat na nga ng tao may facebook.  Ganun sya ka-impluwensyal.  Ganun kalawak ang reach ng site na ito, ultimo mga olds naki-join na.

At lately, ang announcement ni Mark Zuckerberg, makakapag-email ka na sa ibang tao thru facebook – may facebook man sya o wala.  One-stop shop na ang social network site na ito.  Actually, hindi na ako nagtataka.  Ayaw na nila talagang umalis ang mga tao sa site nila.  Pero, it makes sense.  Kung babad ka na rin lang sa facebook (katulad ng maraming kakilala ko, itago na lang natin ang isa sa pangalang “Bossing”), eh di dun mo na rin i-check ang email mo.  Yun ang point nila.  Bakit?  Marketing yan for sure.  Hindi ko alam kung paano iko-connect, but for sure, yun yun.

Actually ang daming buti rin naman ang naidulot ng facebook.  Kaming magkakapatid, dun madalas magkita at magkausap.  Dun ko nakikita ang mga litrato ng mga pamangkin ko.  Dun ko rin nakakakausap ang mga kaibigan namin, kahit na yung ibang ang tagal na naming hindi nakikita o matagal na naming hinahanap.  Minsan paramg may party sa mga profile kapag nagdugtung-dugtung na ang mga comments. 

May ibang users na dun nakakakita ng kanilang mga nagiging asawa/boypren/girlpren.  May mga taong dun nakikita ang mga kapatid, kaanak na kay tagal na nilang hinahanap.

Pero hindi lang puro saya sa facebook.  May mga sob stories din.  Mga taong nadenggoy ng akala nila mga tutuong mga business at nag-invest ng pera sa mga kausap sa facebbok.  Mga taong nagpakamatay dahil nabubully sa mga account nila sa facebook.  Mga nadidiskubreng mga boypren, girlpren, asawa na nagdo-double time sa iba.  Mga naghihiwalay na mga relasyon dahl nakahanap ng iba – mga dating dyowa at mga taong nun lang nakilala.

So like I always say, dapat, ingat pa rin.  Minsan nga kasi ang internet, napapaniwala ang marami na para na ring tutuong buhay.  Pero may isang elemento ang tutuong buhay na hindi ko alam kung magagaya ng internet – actual, real human encounter.  Not unless magawa na nila ang teleportation, dapat isipin pa rin ng iba na nasa internet pa rin ito.  Gamitin pa rin ang utak kapag nakikipag-usap o nakikipagdeal sa isang tao.  Gamitan pa rin ng common sense at pag-iingat.

(Nakita 16579 beses ng 2878 bisitors)

515 Facebook Friends is Too Much!

3/365 days of blogging.

Ok, nagbawas ako ng mga facebook “friends”.

Piano naman kasi, nagulat ako na umabot na ng 515 ang mga “kaibigan” ko na inisip ko, teka muna.. eh ilan lang naman sa kanila ang talagang pinupuntahan ko. Yung iba sa kanila, walang profile picture, at parang 10,000 years nang hindi nabibisita ang facebook account nila. Ang iba, naisip ko, eh hindi ko naman sila naging friends nung magkasama kami sa isang eskwelahan o isang subdivision o isang kumpanya o isang bansa. Ang iba naman na links ko, mga fan pages lang naman na, sa tutuo lang, hindi ko na kebs ngayon.

So ang tanong, eh bakit kailangang patagalin pa sa facebook ko? Naisip ko, kung hindi ko sya nakakausap sa online, sa telepono, o harap-harapan at I’m sure wa naman sya kebs sa akin, vhaket fa, davah? Eh kaya ka nga nag-facebook eh para makapag-balitaan kayong magkaibigan/magkamag-anak/magkaklase.

At ang isa pang hindi ko na gagawin, yung mag-accept ng mga facebook requests sa mga utaw na wit akong ka-konek-konek. Ni online friends na konek, wala. Isip ko kasi, hindi kita kilala, hindi mo ako kilala, bakit gusto mong ilagay ako sa facebook mo? Kung nagbabasa ka ng blog ko, mag-message ka man lang sa akin na reader ka ng blog ko para ma-tanggap kita.

Hindi naman ako suplada, hindi rin ako choosy. Basta chikahin nyo lang ako na reader ko kayo, ok naman sa akin yun. Facebook-friends tayo… for sure, pramis.

Kaya kagabi, habang nanunuod ng marathon ng Simpson at Family Guy, nagdelete ako ng ibang links ko sa Facebook. Ngayon, 490 na lang ang friends/relatives/online connections ko.

490… Konti na lang sila.

(Nakita 17732 beses ng 3635 bisitors)

I Miss My Dollies

Miss ko na ang mga dollies ko.  Ilang linggo ko na rin silang hindi nahahawakan at napaglalaruan.  Ilang linggo ko na silang hindi nagagawan ng damit.  Dumating na nga si Lovely, hindi ko pa siya naaayos.  Hindi pa ako naka-order ng bagong mata, hindi pa ako nakabili ng bagong eyelashes at hindi ko pa naaalis ang oiliness ng fez.  Kakaawa naman…

Matagal na nga akong hindi nakakakuha ng mga bagong pictures nila.  Busi-busihan kasi aketch.  Gumawa ng kurtina (karir yun, ha!).  Gumagawa ng throw pillow.  Nag-reresearch ng kung ano ang gagawin ko sa kauna-unahan naming Christmas tree ni Bossing.  (Jewel-toned ba?  Fairies ba?  Angels ba?  O maski-paps na lang kasi dukha lang ako at hindi ko maafford ang mga kemamahal na mga ornaments na type ko?)

Continue reading I Miss My Dollies

(Nakita 22109 beses ng 4626 bisitors)

So Anong Bago?

May mga lumalabas ngayon sa blogosphere about this Tracy Isabel Borres gurl and her immersion-chu-chu experience na sinulat nya sa Facebook nya. (Basahin nyo na lang at ayaw ko nang magsummarize pa ulit, ultimo nga si Kitty Go, may entry sa blog nya about this gurl.)

Ang masasabi ko lang, “eh ano ang bago?” Ang reaction nya, typical na reaction ng mga bagetchinang spoiled brat na pinabayaan ng mga magulang na isiping mga prinsesa sila at sila ang God’s gift to human kind. Na “a cut above the rest” sila. Na walang karapatan ang mga kapos-palad na hawakan man lang sila, let alone be caught talking to them. (At hindi ko gawa-gawa yan, yan ang nakasulat dun sa blog nya.)

At ang reaction ko? “MWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!”

Eh isipin nyo: kung nainis sya sa living conditions nya nung kasama nya ang mga Aetas, naisip nyo ba na mas yamot sigurado ang mga Aetas sa kanya? Nakakainsulto sa mga Aetas kung nagpakita sya ng pagkayamot, pagkadiri o pagkasuplada. At kung hindi man nayamot ang Aetang pamilyang nakasama nya nung buong weekend na yun at tinumbasan ng kabaitan at pakikisama ang pagiging malasado nya, sino ang lumabas na walang edukasyon?

So sino ang talo? Suresh, hindi si Amang o si Ate. Sino ang katawa-tawa? Hindi yung mga batang sinasabi nyang “kakadiri”.

Hindi na bago ito.

Minsan hindi ko rin masisisi yang mga yan. Minsan, kasalanan din ng mga magulang bakit sila ganyan. May mga magulang na hindi maganda ang turo sa mga bata pagdating sa pakikipagsalamuha sa tao – na kung hindi nila “kauri” hindi dapat bigyan ng pansin. Na kung hind ka-level, hindi dapat pinagkakakausap. I’m sure, itong batang ito, hindi nya nakuha yang mentalidad na yan on her own. Nakita nya yang pagmamataas na yan sa isa o sa dalawa nyang magulang. Hindi nya maiisip maging matapobre ng sya lang. Pero kung hindi man ganun ang magulang, hindi rin gumawa ng tamang aksyon ang mga magulang para tanggalin itong masamang ugali na ito ng anak nila. Kahit saan mo tingnan, may mali dyan somewhere.

Tsk… hindi na bago. If you think about it, in the end, sino ang tutuong talo? Kung wala siyang natutunan sa immersion na ginawa niya, hindi naman pagkatao natin ang nakulangan kundi kanya.

Harinawa na lang na sana, huwag dumating ang pagkakataon na susubukan siya ng tadhana. Nakakalungkot na baka hindi siya pumasa. Na lahat ng ginastos ng mga magulang niya para masabing nagka-edukasyon siya eh baka mauwi sa wala. (Hindi rin naman birong pera ang pag-aralin ka sa Ateneo. Ang total ng lahat ng ginastos sa pag-aaral nya, kaya nang buhayin ang buong komunidad ng mga Aeta ng mahabang panahon.)

Wala lang.. nag-rant lang ako.

(Nakita 19271 beses ng 3574 bisitors)

Kulit Song For “Batman-Knows-Till-When”

Kulit Song – katangi-tanging, kaisa-isang, walang kumakalabang kantang paulit-ulit mong pinatutugtog (kahit sang-rekwa ang CDs o MP3s mo) sa discman o mp3 player o computer o stereo mo na sinet mo na ng “repeat” ang mode sa kantang yun. Na kung may makakarinig na iba either a) dudugo na ang tenga nila o b) mamememorize na rin nila ang lyrics o c) hahagisan ka na ng sapatos nila para tumigil ka na. Na kung live na kumakanta ang singer o banda siguradong paos na paos na sila dahil parang 48 years na dire-diretso mo na silang pinapakanta.

OO na, nababaliw ako. Simula pa ito nung Huwebes nung isang Linggo. Sa kotse, sa tren, sa bus papuntang opis, maghapon sa opis, sa bus, sa tren, sa kotse, pabalik sa bahay, sa PC ko habang gumagawa ako ng template ng gaydess. At eto, Lunes na, nasa opis na ako ulit, habang nabo-blog gumagawa ng program, yun at yun pa rin ang nasa zen kong tumutugtog. Live version pa ito, kaya naman ultimo sigawan memorize ko na ata.

Hanggang Facebook ko, ito ang video na naka-plasta dun (uy, may Facebook ako… hanapin nyo ako dun ha.. “ate sienna” ang pangalan ko dun sa gmail account ko with the same name, dire-diretso).

Mag-ko-concert sila sa Washington, DC sa October at manonood ako talaga!! Isasama ko si Bossing at ako pa ang taya. Basta, kailangan marinig kong kantahin ni Adam Levine ng live itong kantang ito at super kikiligin matutuwa ako habang kumakanta sya. Pramis talaga!

Hanggang kelan ko pakikinggan ng paulit-ulit-ulit-ulit ito??? Hay naku… si Batman lang ang nakakaalam.

O, sige nga, panoorin nyo ito at tingnan nyo naman bakit labs na labs ko itong kantang ito.

Sunday morning rain is falling
Steal some covers share some skin
Clouds are shrouding us in moments unforgettable
You twist to fit the mold that I am in
But things just get so crazy living life gets hard to do
And I would gladly hit the road get up and go if I knew
That someday it would bring me back to you
That someday it would bring me back to you

That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on sunday morning
And I never want to leave

Fingers trace your every outline
Paint a picture with my hands
Back and forth we sway like branches in a storm
Change the weather still together when it ends

That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on sunday morning
And I never want to leave

But things just get so crazy living life gets hard to do
Sunday morning rain is falling and I’m calling out to you
Singing someday it’ll bring me back to you
Find a way to bring myself home to you

And you may not know
That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on Sunday Morning
And I never want to leave

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 24620 beses ng 4315 bisitors)