Posts Tagged ‘Flu’
Flu
Nakakainis ang may flu. Ito na ata ang pinaka-grabeng flu na naramdaman ko. At ang nakakainis pa nito, nagpa-vaccine pa ako. So para que pa???? Mabuti pa nung hindi ako nagpapa-flu vaccine, hindi ako dinadapuan ng sakit, (not unless I willed it and I said so, hehehe).
Hindi sana ako magkaka-flu. Inaalagaan ko si Bossing kasi sya ang originally nagkasakit. Ok pa ako eh. Kaya lang later on, sumakit na ang likod nya at may symptoms na naman sya ng kidney stones nya. So sa tulong ng panananakot ng mga kabarkada nyang mga nurses, nadala ko sya sa doctor. Since wala na naman sa bansa ang GP namin, dinala ko na sya sa ER kasi at least, dun, makakapag-order ng mga lab tests, at makukuha agad ang results.
(Nakita 19054 beses ng 2624 bisitors)
