Ginagalit Nyo ‘Ko, Eh!!

Le Cirque, NYARUYYYYYYY!!!! Sapak sa bulls-eye!

Alam nyong seryoso na ang usapan kapag tagalog na ang article ni Ka Conrado. Eh sino ba naman kasi ang hindi magagalit??? Whichever way they put it, wala silang ligtas sa tanong na “eh bakit kasi inabot kayo ng P1.75M sa dalawang dinner lang. Kahit na sabihin nilang hindi si Ma’am ang gumastos dun kundi yung mga kasama nyang mga politiko, still, saan sila kumukuha ng ganun kalaking pera para lustayin sa dalawang dinner lang??? Eh di siempre, sa kaban ng bayan. So it doesn’t matter anymore, whether si Ma’am o kung sino pang pontio pilatong politiko, ang suma-tutal, kawawa pa rin si Juan.

Di pa kayo nahiya na isang damakmak kayong umalis at lahat yun – eroplano, pocket money, pagkain nyo – bayan ang nagbayad. Di pa kayo nahiya na kahit hindi naman talaga kayo dapat na kasama, andun kayo, may mga bitbit pa kayong ibang alalay nyo. Kulang pa eh, no?

Wala eh. Wala talagang ilalaban, walang magandang explanation. Kahit tumambling ako ng patagilid, patihaya, patalikod, paharap – hindi ko talaga mabigyan ng justification. Kaya para sa inyong lahat ng nandun at nakipagsaya, nagpakabundat, nagpasasa, eto ang inyo!

May araw din kayo!!!!

Bebe, ang medicina de corazon ko, pronto, muchaha!!! Aatakihin ata ako sa sobrang yamot!!!!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 22652 beses ng 4376 bisitors)