Leche!

… ilang linggo din akong hindi nakapag-blog, ah!

Nagbirthday na si Krungkrung-girl, nag-birthday na si Greta, nag-birthday na si Coco at si bradir-in-lo, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nagkagalit na si Willie at Joey, nag-sorry na si Willie, di pa rin tinanggap ni Joey, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Bumalik na si Malu Fernandez sa Manila Standard, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nag-premiere na ang Marimar, nasa ABS-CBN na si KC Concepcion, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nagrerenovate na kami ni bossing ng kusina, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nag-anniversary na ulit ang pagbagsak ng Twin Towers, magrerecall na raw sila ng mga sundalong nasa Iraq, nag-rerecall na sila ng mga laruan na galing ng china, hindi pa rin ako nakapag-blog.

May bipolar disorder daw si Britney Spears, kinulong at lumabas na si OJ, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Mag-aannounce na ako ng mga bagong taga-pansitan, hindi ko man lang nabo-blog.

Leche!

Nakakaloka kasi ang digital scrapbooking!

Ps. Sa mga nag-comment sa aking close encounter with the panyet kind (read previous entries), maraming salamat! Truelalang kahindik-hindik, kasuka-suka, kaokray-okray. Pero awa ng Diyos, dahil bumalik na ako sa dating oras ng pag-alis ko sa balay para mag-commutateyshen at sa unahan na ako ng train at bus sumasakay, hindi na ako nakakakita ng pitotoy na hindi kanais-nais.

Di na ako sasagot sa mga comment nyo, mga prenships, bibisitahin ko na lang mga blogs nyo this weekend – dun ko na lang kayo chichikahin! At tutuo ang basa ninyo, maglilinis na naman ako ng blogroll at mag-aannounce na ako ng mga bagong neybors ng pansitan next week!

Babushka!

(Nakita 22722 beses ng 3811 bisitors)

One “Lovely” Monday Morning

Story of my life…

So Lunes ng umaga, dahil pumasok si bossing ng Linggo ng gabi, kasama ako ng sangkalipunang people of Maryland sa pag-commute. Alam nyo na siguro ang routine ko – drive hanggang istasyon ng tren, tren ng mga 30 minuto, bus ng isa’t kalahating oras papuntang Annapolis – one way pa lang yun.

Kapag ganitong mga pagkakataon kailangan kong gumising ng sobrang aga. Sobrang aga na tulog pa si Sabel at hindi pa rumoronda ng huling hirit ang mga kalapating mababa ang lipad.

Kaya maiintindihan ninyo siguro na habang nasa tren at bus ako nakakatu-katulog pa ako. Para naman pagdating ko sa opis kahit papaano, rested at kalmado na ang byuti ng lola ninyo.

Dalawang ruta ng tren ang pwede kong sakyan sa umaga – isang pa-fly papuntang airport at isang papuntang huling istasyon ng tren. Kapag yung papuntang airport ang nasasakyan ko, bumababa ako sa istasyon ng bus papuntang Annapolis. Mas gusto ko kapag napapasakay ako ng hanggang dulong istasyon kasi mas matagal ang tulog ko at nababawasan ng mga bente minutos ang byahe ko ng bus (dumadaan din ang bus sa huling istasyon). Lahat ng tren, dumadaan sa downtown sa kalagitnaan ng byahe.

So medyo napi-picture nyo na ang byahe ko, davah? Kahapon ng umaga, medyo napasarap ako ng tulog kaya medyo yung pangatlong tren na ang nasakyan ko. Swerte naman at yung papuntang huling istasyon pa sya. Sa unang upuan ako umupo, katapat ng mga pa-sideways na upuan para sa mga disabled at matatanda. Pumwesto na ako at natulog. Pagdating ng downtown may tatlong lalaking itim na umupo din sa mga harapan na silya – isa katabi ko, isa sa harap ko na mga pang-disabled ang upuan at isa sa kabilang silya. Pagdating ng mga apat na istasyon bago ako bumaba, bumaba na yung nasa harap ko at yung nasa kabilang silya. Yun na lang mamang katabi ko ang natira.

Dahil antok-antok pa ako di ko masyadong pinapansin ang katabi ko maliban sa isip ko bakit ba galaw sya ng galaw ng mga kamay nya na nakapwesto sa harapan nya. Mga dalawang beses ko syang nilingon. Sa pangatlong beses, parang gusto kong masuka – ang punyetang mama, nakalabas pala ang etits at winawagayway! P*tr*g$s na T*ng%in#ng yan! Kasama ang galit at kaba, lumipat ako ng upuan. Ang katangahan ko, dala na siguro ng taranta, lumipat ako ng upuan dun sa opposite side na pang-disabled din. Sinipat ko ang tren at tiningnan kung maraming tao. Marami naman pero lahat walang kakatunog sa nangyayari. At dahil tanga ako, napansin ko, humarap pa ang punyetang mama sa akin at tuloy pa rin ang wagwag ng etits nya!

T&ng*n% talaga! Di ko na lang tinignan at mabuti na lang papalapit na kami sa huling istasyon. Shocked ako at takot ng bumaba ako ng tren, Tumitingin ako sa paligid ko kung saan napunta ang mama, hindi ko na makita. Mabuti na lang maaliwalas ang istasyon at maraming tao. Sumama akong makihintay ng bus sa isang grupo ng mga babae.

Alam mo, dapat kahapon pa lang, sinumbong ko na sya dapat sa mga Transit Police na nandun. Pero mas naunahan ako ng takot na baka kasi mamukhaan nya ako at sa susunod eh kung ano na ang gawin sa akin kung sakali man na makita ko sya ulit.

Pero ngayon, nahimasmasan na, sa suggestion ng asawa ko, hipag ko at kasamahan sa trabaho, isusumbong ko sya sa Transit Police. Naghihintay lang ako ng return call dun sa tinawagan ko na Transit officer.

Kahapon pa ako nag-iisip. When faced with something as that, na-sho-shock pa rin pala ang sensibilities ko at hindi rin pala ako kasing gutsy ng akala ko. Lecheng yan! Ikaw ba naman ang makakita ng ari na winawagayway sa harap mo ng umagang-umaga mula sa lalaking hindi mo naman type, hindi ka ba naman ma-shock at maunahan ng galit???

Lecheng yan! Mahuli sana sya at mapunta sa seldang puro mga criminal na nang-re-rape ng mga lalaki o maka-kuha sana sya ng katapat na may itak at mapugutan sana ng iwawagwag nya. TANG-INIS NA YAN!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 14824 beses ng 2748 bisitors)