Coupon Shopping Ulet

43/365 days of blogging.

Ok, sensya na, nagbusi-busihan ang lola nyo kaya hindi ako nakapagpost ng matagal.  Alam nyo naman ang ate nyo, mistulang kapitana ng fiesta laging abala.  Kaya eto na chika tayo ulet.

All These for $13.73!
All These for $13.73!

So bago na ang presidente at bise ng Pilipinas.  May sapantaha ako kay Noynoy.  Galing sa ama at ina na talagang respetado ng sambayanan.  And the apple doesn’t fall far from the tree.  I am giving him my support and my prayers na magawa nya ang hindi nagawa ng mga presidente pagkatapos ni Ramos.  At oo, kapatid nga nya si Kris at wala akong problema dun.  Sabagay, taliwas sa majority, labs ko si Kris.  So there! Umamin na akong lab ko sya at fina-follow ko sya sa Twitter at funny sa akin ang kababawan nya.  So there, bahala na kayong i-process sa utak nyo yun.

At si Binay?  Kung magagawa nga nya sa Pinas ang nagawa nya sa Makati, well and good.  Harinawa.  I have my reservations, pero lab-lab-lab na vibrations lang ang padadala ko sa kanila ni Kuya Noy.

At sa Angelica Panganiban-Derek Ramsey-Gretchen Barreto issue ang masasabi ko lang,  team Angelica ako.  Enough said!

(Nakita 26470 beses ng 4870 bisitors)

Showbiz Bits

15/365 days of blogging.

So magkagalit si Kres at si Ropa at si Tita Annabelle eh sumasawsaw? Baka kailangan ng fanfare para panoorin ang bagong show ni Ropa? Gamitan lang naman yan…

So hindi nanalo ng Vest Feektyur ang Avatar. Napanood ko ang Avatar, na-enjoi ko sya. (Sabagay, mababaw ang kaligayahan ko pagdating sa pelikula. As in, can you say “Binibining K,” flis?) Pero masaya ako na hindi sya nanalo kasi kung nagkataon yayabang na naman yang si lolo James Cameron nyo. Irita Avila!

Nakakalokang nabalita sa radyo na na-deads ang brother-sung ko. Hindi po tutuo ang chismis. Hindi sya yung sinasabing taga-That’s na namatay kundi si Marco Polo Garcia. Anak ni Rodolfo “Boy” Garcia at Lucita “Girl” Soriano. Condolences po…

Big Brother’s Melai at Jason – “MELASON”?? Anubetch???? “MELASON”??? Parang nakakainis yung combi na yun… Kakaloka! Parang naglolokohan tayo nun, eh.

Hindi nga…

Pramis…

“MELASON” talaga?

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 20410 beses ng 3783 bisitors)