Sobrang Gandang Divas

31/365 days of blogging.

Ang dalawang diva!

So yun nga, nanood kami ng concert ni Lani Misalucha at Vice Ganda sa Hippodrome nung Linggo.  In fairness sulit yung bayad namin kasi sobrang tawang-tawa kami at hangang-hanga sa galing nilang dalawa.  Ang hirap din ng ginawa nila kasi pangatlong leg na kami ng East Coast nila – una ang Chicago, pagkatapos ang Toronto.  Siempre, kung galing ka ng Pinas, hataw pa yun sa jet lag and all.  (Pero on second thought, kung kumita ka naman ng sandamakmak na kwarta dahil dito, sus, papayag na ako sa jet lag, no…)

 Actually, kapag iniisip ko ang logistics, wala namang lugi talaga ang artista kapag mga ganitong raket eh.  Ang knows ko nga, based sa experience ng shupatembang ketch, hindi umaakyat ng stage ang mga yan ng hindi kumpleto ang mga bayad.  Kaya nga in the olden days, may mga nasusuba rin na mga produ kasi binayaran na’t lahat ang mga jortista, pag minalas ka sa kinuha mo, hindi aapir.  Kaya ang ginagawa nila ngayon, 50% lang ang down payment, at pag nakita mo na sa concert day itself, dun mo lang ibibigay ang huling bayad.  Patas.  At kahit na nga malugi pa ang promoter o ang produ dahil wala masyadong tiket sales o sponsors, hindi pa rin lugi ang jortista.  Bayad sila kahit na anung mangyari.  At ang masakit pa, kung hindi magaling ang performance ng jortista, ang promoter pa rin ang minalas kasi baka hindi na sya makakuha ng ibang shows sa uulitin.  

Ang sarap ng harap na harap!

 Hemingweys, hindi naman yan ang case ng show nila Vice.  Sobrang galing ng script, ng mga kanta, ng mga damit nila.  At dahil nasa unahang-unahan ako (dahil hindi nakasama ang asawa ni Myra) talagang ultimo panty ni Vice, kitang-kita ko.  Si bossing at si mudaks nya, nasa second row sa likod namin.  Dapat dun ako uupo pero since hayok ako kay Vice at Lani, tiniis ko munang hindi katabi ang jowa ko.  

 At sa sobrang lapit namin, na-alaska pa ako ni Vice.  Kaloka talaga si bakla.  At ang mga punchline, ang bilis talaga ng utak.  Halata mong matalino.  Sa tutuo lang, hindi ka pwedeng maging magaling na stand-up na komedyante kung wala kang utak.  Kasi paano kang sasalo ng mga usapan kung hindi ka mabilis mag-isip ng joke.  Para sa akin, yung bilis na yun mag-isip ng katatawanan, gift yun.  Hindi lahat may ganun. 

I love this shot! (Kuha ni Bossing!)

 Pero kung nakakaihi si Vice, nakakasira naman ng ulo ang boses ni Lani M.  Leche, wala na ata… as in wala na talagang babaeng singer ngayon na makakatulad sa boses ng bilat na ito – mas lalo na sa Pilipinas.  Grabe… ang mga maninipis, makakapal, matataas, mababang mga nota, walang kasayad-sayad, walang palpak.  Pero hindi bumibirit.. hindi masakit sa tenga. Walang sinabi sina Regine, o yang sina Charice at Sarah.  Sya talaga ang tutuong DIVA.  Wala nang iba. 

 Kaya sulit.  Sulit talaga.  Nung kinuwento ko ito kay Inang, naalala daw nya si Lani nung hindi pa ito sikat.  Mga 10,000 years ago nung nasa That’s Entertainment pa ang syupatembang ko.  Kinuha raw nila itong kumanta para sa production number ng Thursday group.  Ang sabi pa ni Inang, yun ata ang first time na lumabas si Lani sa TV.  O diba, bongga.  Pero hindi sila ang nakadiscover kay Lani ha… At that time, hataw na hataw na sya sa pag-gawa ng mga multiplex and all and it was just a matter of time na makikilala na sya.  Kaya lang ang sarap isipin na at one time, nung hindi pa sya ganun kakilala, kilala na siya ni syupatembang.  

O diba, background lang ang Viceral

Si Vice?  Wala akong konek sa kanya maliban sa inasar nya ako sa concert kasi nga sobrang tawang-tawa ako sa jokes nya, mukha raw akong ina-ano.  Lecheng bakla!  Pero lab ko sya.  Altho nung meet and greet (na naging hit and run na photo-op lang), hindi na namin sila nakausap.  Paano nga pinatayo lang kami sa likod nila, kinunan ng picture, tapos yun na.  Wala na.  Sabagay, pagod na sila.  Ako man ang tatlong araw nang ngumagawa, puyat pa ako, may jet lag pa.  Kamustahin naman.  Kaya ok lang.  Hindi naman yun ang importante.  Ang mas ok yung binigyan nila kami ng sulit na show.  What’s more, kasama ko pa ang mga Florence Nightingales kaya ang sarap :)

Pagkatapos ng show, bumalik kami kina Myra para kumain ulet.  Kasi nga birthday nga ng lola ko kaya tinuloy namin ang naunsyaming kain ng alimango at ang cake na sobrang sarap.  Ang saya talaga. 

 Ayan. Wala lang. 

 Napagkukwentuhan lang. 

Ang photo op na hindi pa kinunan lahat ng tao. Kaloka!

(Nakita 24110 beses ng 4217 bisitors)

Ang Ganda, Diva?

24/365 days of blogging.
Ang Baltimore Poster ng Ang Ganda, Diva?

Wala akong ibo-blog.  Nag-iisip na ako ng outfit ko para sa concert ni Lani Misalucha at Vice Ganda mamaya.  Maglilinis pa ako ng kusina at magtitiklop ng damit habang natutulog muna si bossing.  Magkikita-kita ang mga barkading na mga Florence Nightingale mamayang tanghali bago kami gumorra lahat sa Hippodrome.  May kainan kasi birthday din ng isang magandang babaeng itatago na lang natin sa pangalang Myra Aung!

Excited na ako.  Nasa pangalawang row kami sa Hippodrome sa gitnang-gitna mismo. Sobrang saya itong gabing ito, for sure.

Maraming pictures.  Paki-abangan na lang…

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 16643 beses ng 3624 bisitors)