LA Is My Version Of My Purgatory

29/365 days of blogging.

Maybe it’s just me.  Maybe it’s also because of the not very good experiences.  But truth be told, I never liked SoCal, particularly, LA. 

Actually, now that I think about it, right from the very start that I set foot sa lugar na ito, hindi ko na sya ganun ka-feel – marumi, kitang-kita mong nababalutan ng maitim na ulap ang atmosphere sa eroplano pa lang, at walang warmth na maramdaman sa mga tao.

Oo, andun ang Disneyland, ang Universal, ang Hollywood plus ang Jollibee, ang Red Ribbon, ang Goldilocks, ang Max’s, ang mga restaurants sa Newport Beach, ang mga museums,.  Grabe, dun ko nga nakita ng harapan si Tori Spelling na namimili sa GAP at  ang namayapa nang si Bernie Mac na dress to kill sa LA Airport.  Pero after all of that, despite all that, I find Los Angeles the saddest place on earth.

Sana wag mo akong okrayin, mas lalo na kung taga-LA ka at enjoy kang tumira dito.  I am happy for you kung hindi ganito ang nararamdaman mo.  Pero talagang very superficial sa akin ang lugar.  Puro glitter pero walang depth, maraming eye candy pero kulang sa substance.  Feeling ko, kahit maraming pinoy sa paligid, kahit maraming kaibigan, wala akong maramdamang warmth sa paligid.  Parang may kulang lagi… Kahit may boyfriend ako nun, feeling ko, nag-iisa ako.   The sunny weather all year didn’t do me any good.  It didn’t transcend towards my private life.  Sad… 

Apat na taon din akong tumira sa LA.  Nagkaroon ng mga kaibigan na magiging kaibigan habang-buhay.  Pero aside from the times with them, malungkot ang dating sa akin ng lugar.  Except for the friends I’ve met, wala akong maramdaman na warmth sa mga tao dun.  Feeling ko hindi sila mapagkakatiwalaan, na any moment, they would turn on you when they can.  Kahit na nga mga pinoy pa sila, dun ka makakarinig ng mga kwentong sila mismo ang mag-susumbong sa iyo sa immigration kung TNT ka, o na sina-size-up ka kahit na hindi ka naman nila kilala.  May kamag-anak pa nga ako na nag-offer na babayaran daw nila ako alagaan ko lang ang lola ko sa tyahin dahil akala nila wala akong papeles habang nakatira ako dun.  

Continue reading LA Is My Version Of My Purgatory

(Nakita 23567 beses ng 4432 bisitors)

Happy Valentayms!!!

Tayo... Hanggang Huli
Tayo... Hanggang Huli

Alam mo, Mylabs, di kita babatiin ng Hafi Valentayms kasi kahit hindi Valentayms, labs na labs pa rin kita. Now and Forever… Emen. Di naman natin kailangan ng valentayms para ipakita sa isa’t-isa ang pagmamahal natin, diba? Nagkakaroon man tayo ng mga pagsubok sa buhay natin, alam naman natin na kakayanin natin lahat yun. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin at sana kahit papaano, nasusuklian ko rin sya ng pag-aalaga sa iyo.

Kahit masyosyonda na tayo, kahit na sumakit na lahat ng mga buto nating dalawa, hindi magbabago ang pagmamahalan natin. I look forward to our plans… alam ko, magagawa natin lahat ng mga plano natin.

(The digiscrap kit is from Feels Like Autumn by She’s Full of Scrap – a digiscrap brand by me and my sisters.)


(Salamat kay Mec sa ginawa nyang photoslideshow na ito ng mga Berks. Touched na touched ako, Mec… Nung nanghihingi ka pa lang ng mga pictures at nakita ko yung mga binigay sa iyo na mga litrato ng ibang berks, paborito ko na yung thread na yun. So much love going around…)

(Nakita 27753 beses ng 4794 bisitors)

Si Reyna Emperatriz

Eto talagang boss kong Reyna Emperatriz, lagi akong shina-sha-ka-khan.

Mga isang buwan na ang nakaraan, nagsabi na ako sa Haring Constantinong bossing ko sa opis na namumulubi na kami ni bossing sa gas na winawaldas ginagastos namin papasok at pauwi galing trabaho. Eh pwede naman kasi na mag-work-from-home ang ganda ko eh. Hindi naman kasi ako Miss Friendship na humaharap sa mga utaw kaya pwedeng itago ako sa kweba at wag nang palitawin sa mundong ibabaw. Eh di ang sabi ng Haring Constantino, “Game Na!”. Kung type ko pa raw ang dalawang araw, pwede pa nga raw. (thought balloon: “hmmmm… ganun???? Talagang ayaw na nya akong palabasin ng kweba?”) Pero yun nga ang caveat (uyyyy, caveat. Ayan, Greta, ka-degree ng “albeit” mo! hehehehe) KUNG papayagan ako ng Reyna Emperatriz.

Continue reading Si Reyna Emperatriz

(Nakita 23838 beses ng 4218 bisitors)

Can We Still Be Friends

(O, warning… senti-moment itech.)

Dear Andres,

Kamusta ka na kaya? Alam mo, matagal ko nang gustong gawin ito. Matagal ko na kasing gustong ilabas ang saloobin ko… Minumulto pa rin kasi ako ng hindi magandang ala-ala nating dalawa… Kapag naaalala kita, sumasakit ang puso ko at mangilang beses na rin na naluluha ako.

Oo, may mga demonyong pumapaligid sa utak ko kapag naiisip kita at pinapaiyak ako. Sinusutsutan akong naging masama ako dahil iniwan daw kita. Pero aminin na natin, alam nating dalawa kung ano na ang nangyayari sa buhay natin nung huling taon na magkasama tayo. Naghihilahan na tayo pababa at hindi na talaga tayo masaya nun.

Kung naiba ang sitwasyon, sigurado, hindi naman mangyayaring hihiwalay ako sa iyo. Pero madalas mo nang naririnig sa akin, bago pa nangyari ang lahat – hindi ko na kaya… hindi na ako masaya… hanggang trabaho, nadadala ko na ang lungkot at problema. At alam mong hindi ako ganun.

Hindi naman ako naging masamang nobya. Alam mong inintindi ko lahat ng nangyayari sa iyo. Pilit na binibigyan ko ng rason ang bawa’t nakikita kong parang mali. Ni wala ngang nakaalam na may problema na tayo dahil ayokong sumama ang tingin ng kahit na sino sa iyo. Dahil masasaktan ako kung may marinig ako sa kanila. Pero yun nga, tao lang ako. At gusto ko lang na maging patas ang buhay sa akin. Tumatanda na rin naman ako. Gusto ko nang magkaroon ng taong makakasama ko sa buhay, na talagang mararamdaman ko na hindi ako nag-iisang kumakarga ng mga problema ng mundo. Yung kailangan ako dahil mahal ako hindi dahil kailangan nila ako para pisikal na mabuhay. Nung bandang huli kasi, ramdam ko, yun na lang ang silbi ko sa mundo mo.

Naiisip pa rin kita. Iniisip ko pa rin paano kaya kung naging ok ang takbo ng buhay. Tayo nga kaya ang nagkatuluyan? Pero alam ko, naging instrumento lang lahat ng nangyari dahil kailangang magkita kami ni bossing sa huli. Kasi kailangang matupad ang nakatakda. Si Bossing ang talagang takda para sa akin. At alam ko, siya ang sagot na pinagdasal ko nun ng matagal sa harap ni St. Jude nung minsang dumalaw ako sa simbahan. Si Bossing ang ultimatong regalo sa akin ng Diyos.

Pero huwag kang magduda. Naging masakit para sa akin ang paghihiwalay natin. Yung sinasabi ko lagi sa mga kaibigan ko na ikamamatay kong maghiwalay tayo, tutuong nangyari yun. Yung araw na tuluyan na tayong naghiwalay, yun ang araw na nilibing na ako sa lupa. Pero isang taon na ako’ng, pakiramdam ko, bangkay na lumalakad na lang – wala ng direksyon ang buhay. Dahil sa puso ko, hindi na ikaw ang lalaking minahal ko walong taon ng nakaraan.

Pero kailangang danasin ko yung pagkamatay na yun para mabuhay ako uli. Para malaman ko kung paano talaga ang lumigaya, umibig at pumayapa – ng may tutuo nang kaakbay. Salamat sa lahat ng hindi man sinasadyang naituro mo sa akin. Nakita ko kasi ang diperensya nung tayo at yung ngayon. Hindi mo kasalanan yun, nangyari lang talaga… Pero yun nga, mas minamahal at pinapahalagahan ko si Bossing dahil sa lahat ng nakita kong kulang sa relasyon natin dati.

Sana, maayos ka na ngayon. Sana hindi ka bumalik sa problema mo dati. Siguro nga hindi ako ang taong pwedeng magpalakas ng loob mo para lumaban sa mundo. Sana lang, anuman ang kinalabasan ng nangyari sa atin, ito ang naging mitsa mo para madiskubre mo kung sino ka talaga at ano ang talagang gusto mong mangyari sa buhay mo.

Yun nga lang, nawa’y hindi muna ako biruin ng tadhana dahil hindi pa ako handang makita o makausap ka. Hindi dahil natatakot akong mahulog sa iyo ulit (dahil hindi na mangyayari yun), pero dahil hindi pa ako handa na malaman, kung sakali, na hindi mo nalabanan ang mga problema mo… Sana kapag nagkita tayo, masaya ka na talaga at may kasama kang nakagawa ng hindi ko nagawa para sa iyo.

At sana pagkatapos kong isulat ito mawala na lahat ng demonyo para hindi na ako malulungkot kapag naiisip kita. Para ang maalala ko naman ay yung magagandang nangyari sa atin at yung mga naituro mo sa akin. Para matutunan ko na talagang magpasalamat na naging tayo ng minsan sa buhay ko. Marami naman tayong magandang ala-ala nun, diba?

At sana, magmula ngayon, maniwala na talaga ako sa sarili ko kapag sinasabi kong hindi ka naman pababayaan ng Diyos na masira. Lagi pa rin kitang pinagdadasal.

Ako pa rin ang kilala mong
Sienna

Can We Still Be Friends
(Todd Rundgren)

We cant play this game anymore
But can we still be friends?
Things just cant go on like before
But can we still be friends?

We had something to learn
Now its time for the wheel to turn
Grains of sand, one by one
Before you know, its all gone

Lets admit we made a mistake
But can we still be friends?
Heartbreaks never easy to take
But can we still be friends?

Its a strange sad affair
Sometimes seems that we just dont care
Dont waste time feeling hurt
Weve been through hell together

Dannana etc,
Can we still be friends

Can we still get together sometimes?
Hey babe, can we still go on?
We awoke from our dream,
Things are not always what they seem
Memories linger on
Its like a sweet, sad, old song

Dannana etc, can we still be friends

(Nakita 17758 beses ng 2856 bisitors)

Lavandera Koh

Hehehe, anditech kami ni bossing sa isang laundrymat sa may Dyannapolis. Siempre kasi hindi pa tapos ang laundry room namin at niretire na namin ang washer en dryer namin. Kaya ayun si bossing, inaabangan na matapos ang washing pagkatapos maglo-load na kami ng mga damit saa dryer. Ang galing ng wireless internet diba?

O sya.. mamaya na ulit. Tapos na raw ang wash sabi ni bossing. Dyabu for now!

(Nakita 12430 beses ng 2447 bisitors)

Giants!! Giants!! Giants!!

Superbowl Sunday kahapon. Huweytaminit, bago ang lahat, baka akala nyo feel na feel ko ang football. On the contrary, the opposite pa nga. Wit ko knows kung paano nagso-score, bakit sa iba-ibang linya sila nagsisimula, at kung anetch-anetch pa.

So anong ginagawa ko’t nagpapacute akong manuod ng Super Bowl? Dahil tumaya ako sa ending namin sa dyopis! hehehehe

At para siyang ending the basketball sa atin (o diba, sumasali din ako dun nung nasa pinas pa ako). Pero ang difference, sa football, di mo pa alam kung ano-ano ang mga numerong tinatayaan mo. Ang gagawin nila, gagawa sila ng grid ng 100 squares na ang sukat eh 10 squares across at 10 squares down. Katumbas nun ang mga numerong 0-9 across and down. So since maglalaro ang Patriots at ang Giants, ang mga kahon ng Giants ang pahalang at ang kahon ng Patriots ang nasa pahaba. Maglalagay ka ng pusta mo sa mga kahon na tig-$3 ang isang kahon.

Kapag napuno na lahat ng 100 squares, mag-papalabunutan na ang coordinator ng mga numerong 0-9 para sa Patriots at ganun din para sa Giants. Kung ano ang pagkakasunod-sunod ng pagbola ng numero, yun din ang pagkasunod-sunod ng pag-assign ng mga numero sa kahon.

Bakit ganun?

Kasi raw ang football may mga numerong magaganda na mas probable na tamaan kaysa sa ibang kumbinasyon na numero. Kaya kung ilalagay lang daw na 0-9 agad ang mga numero sa kahon, mapipili daw agad ung mga numerong magaganda. Kulang ang sasali para makaipon ng pot kasi nga matitira yung mga pangit na numero. Ano-ano ang maganda at pangit? Malaysia at Pakistan! Feel ko lang mag-laro. hehehehe

So yun ang kaibahan nya sa basketball, kasi ang basketball anything goes pagdating sa mga numero. So free for all ang labanan.

Dahil apat na quarters pala ang football, parang basketball, yung numero mong tinayaan, apat ang tsansang manalo. Dahil $3 ang taya namin bawa’t numerong kombinasyon, may pot kaming $300 na $75 bawa’t quarter. Eh di tinanong ko yung kaopisina ko kung pwedeng apat na beses manalo ang numero mo. Sabi nya oo, raw, kung laging ganun ang ending ng mga scores nila, eh di apat na beses kang nanalo. May nangyari na nga raw na tatlong quarter ang napanalunan sa kanila – iba’t ibang numero ng score pero laging ganun ang ending. swerte diba? $225 na tumataginting.

Kaya yan ang dahilan kung bakit ako nagpapacute.

Medyo disappointed pa nga ako kasi ang half-time entertainment nila eh si Tom Petty and the Heartbreakers. Eh “Free Fallin” lang ang alam kong kanta nila. Si Bossing kilala sila, kaya enjoy sya. Kung tipong Maroon V pa yun o Alicia Keys, natuwa pa ako. Tapos hindi ko pa nakita lahat ng ads ng super bowl. Pero yung mga nakita ko, natawa ako, pero di ako talagang amazes na amazes. Alam nyo bang $2.6 million per 30-second ang rate ng Superbowls para sa commercials nila? Grabe, ang daming zeros nun! mas lalo na kapag kinonvert sa peso (bago bumaba ng P45 to $1 ang forex).

Kung gusto nyong makita ang mga commercials, punta na lang kayo dito: www.myspace.com/superbowl_commercials.

Pero in fernalu, masaya ako! Nanalo ang GIANTS! Alam nyo naman ako – maawain, kaya sa underdog ako kakampi. Well, maraming magsasabi na hindi naman sila talagang underdog. Pero kung magkukumparahan ng dami ng panalo sa superbowl, mas mahahaba ang buhok ng mga Patriots.

Yun nga lang, luz valdez ako sa “ending”. hehehehe

(Nakita 16564 beses ng 3366 bisitors)

Para Kanino Itech?

Ola, hafi nyu nir tu ol! At sa mga bumati sa dyuhok ng lola ninyo, tenchu! Umani ng tagumpay sa dyopis and hairlalu ko. As in sobrang ganda to the max ang feeling ko. At timing din ang pagkagupit ko, kasi umpisa pa lang ng taon, sandamakmak na ang trabaho ko na wishing ko lang “leche, sana naman hindi ganito ka-toxic buong taon.” Enjoy naman ang ginagawa ko, pero, jingle lang talaga pahinga ko. Pero ikako nga, better working than not. Kaya blessing ang buhok kasi kahit toxic, maganda pa rin. hehehehe

O, since bagong taon na, which means ang mga lolo’t lola na pinanganak ng dekada 60 eh tumatanda na lalo (ouch, talaga!) meron akong faf quiz para sa inyo. I’m sure, nung mga nonoy at nene pa kayo at konti pa lang ang mga dyortistang pwedeng pagkalukringan at hindi pa uso ang mga telenovela, may mga kantang tumatak sa isip nyo na kapag tinutugtog ito, may mga naaalala kayong showbiz pinoy. Hindi sila ang mga orig na kumanta ng mga kanta, pero kumbaga “trademark song” nila itech.

Testingin natin ang galing ng mga utak at memorya ng mga lolo’t lola nyo. Sa mga kantang sumusunod, kanino sya kilalang-kilala? Na minsan mas natatandaan pang kanila yun kesa sa mga orig na mga songers.

At para mas maisip ninyo ang mga memories, isinama ko ang video ng mga kanta. O siya.. game na!

1. “Just an Illusion” ng Imagination. May smoke effect pa yan nung sinayaw nila sa pelikula nilang “Forgive and Forget”.

Continue reading Para Kanino Itech?

(Nakita 23478 beses ng 4172 bisitors)

Bippity-Boppity-BOB

After 300,000 years na mahaba ang buhok ko, nag-pagupit ako ng maiksi ngayong hapon! Kasama ko ang step-dawter na si M, nagpagupit kami sa isang hair salon sa Towson Mall. Actually, medyo scared pa nga ako kasi sabi niya $30 lang daw. Isip ko, inayyyy, 30 dollarseseses lang??? Baka ma-chapter ang hairlalu ketch eh mag-crayola ako. Pero tinapangan ko na lang ang loob ko. Isip ko, kung wit ko feel ang ambience ng salon o chippanggalusha ang mga hair stylistics, walkout na lang aketch.

Hakshuli knows ko nang magpapagufit ako ng short. Yam na yam na ako na walang kabuhay-buhay ang buhokz ko – mahaba ngang mala-dyesabel pero wala naman akong madalas gawin sa kanya kundi naka-pony-tail. Lang-katuts, davah? Eh madalas pa, jojosok ako sa opis ng basa pa ang hairlalu tapos ipo-pony ko, parang wala akong kagana-ganang mag-muk-up na. Eh siempre, bagong taon, eh di mag-bagong buhok din. At least ito, promise talagang kailangan may-I-beautiful ako palagi. Otherwise, bakit pa ako mag-aaksaya ng isang oras na mag-ayos ng juhok, davani?

So balik bob-cut ang drama ko. Feel ko pa ngang katulad ni Posh Spice ang haircutz kaya lang di ko na makakarir yun dahil round kaya ang fez ng lola nyo, heller… atsaka baka ma-spluk pa ni bossing na nagpapabagets ako, wit na lang.

Conference pa kami ng hairstylist ha. As in, pinakitaan ko sya ng tatlong klase ng bob at major discussion kami ng kung ano ang pinakamaganda at bagay sa akin. At nung binaba ko ang hair ko para ma-imbestigahan nya kung paano ang gagawin nya, naloka sya nung makita nyang mahaba ang hairz ko at sinabing “Are you really sure you want to get it that short?” Tumango ako. Tapos sabi nya, “alam ba ng dyowa mo na ganyan kaigsi ang gagawin natin?” Tumango ako ulit. Na sinagot nya ng “trulalang hindi ako susugurin ng dyowa mo at patayin ako dahil nagpagufit ka ng short??” Na sinagot ko rin ng “heller, fwede bra, hindi killer ang asawa ko at knows nya ito at teka kaya… I’m a woman of the new millenium!! My hair, my decisions!” Pero makulit ang lukresyang Iranian na lukring humabol pa ng, “at hindi ka iiyak habang ginugupitan kita?” Na ang tangi kong balik eh, “VHAKET?????”

So ayun, at habang may-i-cut sya ng hairlalu ko, kinuwento nya sa akin na yung kasing nauna nyang customer na mahaba ang buhokz eh nag-iinarte ng iyak magmula simula hanggang huli. Eh sabi ko, “huway liwayway pa syang nagpagupit tapos ngangawa-ngawa sya????” Ito talagang mga puting ito, ma-a-arte. Lech!

Anyways-highways, excited ako sa buhok ko. Sabi ko nga sa lukresiang hairstylist ko na labs ko na ngayon, “I LAB ETTTTTTT!!!!”. Sa sobrang tuwa ko, nagpauto akong bumili ng volumizing lotion sa kanila. Ok lang, sobrang wagi talaga ako. Pagdating sa botika, buysung pa ako ng bagong roller brush at hair lift comb. Sayang at wala na si bossing nung umuwi kami ni M dahil kumain pa kami, nagpunta ng Goodwill, nagbotika at nag-grocery. Kaya bukas pa makikita ni bossing ang aking crowning glory at I’m sure, matutuwa yun.

Moral of the story: hindi porke’t 30 dollarseseseses lang ang bayad eh dyongit na ang gupit mo. Peborit hairstylist ko na si Iraniang Soleth ngayon.

(Nakita 28059 beses ng 8033 bisitors)

Ang Sikreto

“Every single person has at least one secret that would break your heart. If we could just remember this, I think there would be a lot more compassion and tolerance in the world”

– Frank Warren, Postsecret

Wit ako santa (kahit na minsan inaambisyon-ambisyon kong ganun sana ang tingin ng mga utaw sa akin). Marami akong ino-okray-okray ng harapan, at mas gravetch, may mga times na, pasikreto, may mga minamaldita ako. Sus, husgahan mo ba ako? Tao lang ang lola nyo. Ayokong magpaka-plastic na mag-ala “Himala”, lumuhod, at sabihing “mag-kapit-bisig tayong lahat at yakapin ang katabi ninyo…”

Hindi ako pinanganak na ganun.

Pero minsan, inuusig din ako ng Safeguard at may nagsasabing “Ineng, ako ang iyong konsensya”. At kapag nahimasmasan na akong magpaka-retarded, bigla kong naaalala yang kwot na yan sa itaas.

Sa tutuo lang, ma-giraffe yun, ha! Isipin nyo nga, sukdulan na kayong nangingitim sa galit tapos in the middle of it all, bigla ba kayong mag-iisip ng “ay, sister, wit ka nang ma-engri… may dahilan ang pagiging retarded nyang kinagagalit mong taong yan!”. Siempre, hindi diba? Eh minsan mas masarap mag-galit-galitan at talagang ibuhos lahat ng alam mong klaseng mura dun sa tao. O, wag mag-deny… Nangyari na rin sa iyo yan. Ikanga ng born-again kong teacher nun sa Calculus na si Miss Aguila, “Liars go to hell, EMEN!!!!”

O sya. Engri na kung engri. Namula, nangitim, nangasul… sige, lahat na ng colors of the rainbow, nakita na sa mukha mo at nahirapan ka pang bumalik sa kulay mong mestiza (uyyyyyyy, ambisyosa ang lola!) sige, “granting”. (Ikanga ng kaibigan kong lukresia din, “granting” daw imbes na “granted” ang sabihin.) Pero kapag nailabas mo na nga lahat, at nakapunta ka pa nga sa banyo, at medyo nahimasmasan ka na, ano na ang iniisip mo?

Yun ata ang po-went ng kowt – compassion. Mahirap, lola. Pero ngayon na tumatanda ako, pinipilit ko talaga… kasi dun ko lang ata nare-realize na kahit na asshole pa ang kausap ko, hindi rin sigurado sya masaya sa pagiging asshole nya. O siguro malungkot din sya kasi konti lang ang prenships nya. O siguro, may mabigat syang problema kaya lumalabas ang pagka-asshole nya. (Kahit na madalas mas gusto kong sabihin na, “O siguro kasi asshole lang sya talaga, period!”)

May mga dumarating sa aking mga pagkakataon na talagang sukdulang itong kowt lang na ito ang nagtatali sa katinuan ko kapag nagagalit ako sa tao. Mistulang tila sinasampal-sampal ka na ng sakit o ng walang pakundangang pananadya, iisipin mo na lang, “may dahilan ang pagiging lukring nya” at pilit mong iniintindi ang mga ginagawa nya. Hindi madali, pero kung gusto mo ng world peace, at ikanga ng walang kamatayan at walang kasawa-sawang kantang “Let There Be Peace On Earth: “and let it begin with me” daw, pipilitin mo.

Minsan may magandang binubunga… minsan naman, pakiramdam mo, para na lang sirang plakang hindi na matapos-tapos ang kalukresiahan. Pero deep inside, ok ka na. Iisipin mo na lang “at least hindi ikaw ang nananakit… indulhensya mo na yun sa langit”. (Harinawang taking down notes si Lord ng mga good deeds mo para wit ka na go to hell at makipag-EB kay Taning)

Pero kapag nagkabunga ang pagmamaganda, este, pagmamamabait mo, ok na rin. Iisipin mo na rin, buti na lang hindi mo pinatulan, hindi mo na binusa-busa pa ang ningas.

Kasi minsan, sa konting dasal, at sobrang daming pasensya, nag-iiba rin ang ihip ng hangin. Nag-aamoy amihan din kalaunan.

PS. Next week, announcement na ng mga bago sa pansitan.net!!! ABANGAN!!!!

(Nakita 21733 beses ng 3944 bisitors)

Follow Up Report kay Manyak

Naisulat ko po ito sa mga kablogkada ako. Share ko lang sa inyo ang mga deve-lopments:

just talked with an MTA police this morning. Nagpunta sya dito sa office to talk with me. I gave him details of what happened. And it’s weird that you suddenly realize how much detail you don’t take in when caught off guard.

He asked me the following:

what was his hair like? since it was long, he asked if they were in dreadlocks or corn rolls. up to how long was his hair
what shade of skin did he have? he’s black pero siempre iba-ibang shades pa rin sila
was he wearing sandals, slippers or shoes, and what color.
was he wearing rings? any markings on his hand
how tall could he have been (and knowing me na hindi ako marunong mag-guage ng distance and height, you can imagine the struggle)
how was he built
how old did i think he looked. (he thought at first na bagets. sabi ko, hindi… matanda na sya.. in his 30s maybe)
at what stop did he board?
what was the number of the train, what time was that

and eto ang mga ultimate questions na nakakaloka:
was he circumcised or not
was he erect or not while he was doing it (kasi siguro kung hindi erect mas obvious kung circumcised or hindi)

o diba… kakaloka ang mga tanong nya.

and quite frankly, hindi ko sya mamukhaan. ilabas nyo sya sa police lineup na mga halos pareho nya ng itsura, hindi ko sya mamumukhaan. :(

mabait naman yung pulis. and he assured me that they will try and find him. I even told him na sabi ng asawa ko may isang itim na mama din na madalas mag-flash sa may hospital nila (Maryland General Hospital is right along the Light Rail in downtown also) so i told him that it could be the same person. (Kasi nga sa downtown din sumakay itong flasher ko). And he said it could be, or it’s also possible that it could be a different person. Pero first time daw ito na may nagreport ng flasher sa train.

pero relieved na ako na naikwento ko sa pulis. he even adviced me na kung bother pa rin ako by the incident mayron kaming employee counseling-chu-chu. kasi nga state employee din nga naman daw sya and he knows this. and kung mahuli raw yung mama, that they will make the man go thru theraphy. kasi nga naman, may sakit sya kaya sya ganun.

binigyan pa nga ako ng tip nung pulis. sabi nya it’s unlady-like nga raw pero kapag bigla kang nagmumura o tinatalakan mo yung flasher, more often than not, they shy away at natu-turn off because it breaks the illusion for them daw. pero sabi nga nya, not a lot of women do that kasi they’re not using to throwing curses around.

he gave me a number to call and told me to keep it sa cell ko, just in case something like this happens again or kung makita ko ulit yung flasher. he gave me his badge number, his full name and his home address. i guess SOP nila yun to assure you na they’re the real thing.

may tatawag daw sa akin later to follow-up on the case dahil iimbestigahan daw nila. So, i’m happy that they took my report seriously. Medyo ok na ako about it :)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 14064 beses ng 2798 bisitors)