Happy Valentayms!!!

Tayo... Hanggang Huli
Tayo... Hanggang Huli

Alam mo, Mylabs, di kita babatiin ng Hafi Valentayms kasi kahit hindi Valentayms, labs na labs pa rin kita. Now and Forever… Emen. Di naman natin kailangan ng valentayms para ipakita sa isa’t-isa ang pagmamahal natin, diba? Nagkakaroon man tayo ng mga pagsubok sa buhay natin, alam naman natin na kakayanin natin lahat yun. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin at sana kahit papaano, nasusuklian ko rin sya ng pag-aalaga sa iyo.

Kahit masyosyonda na tayo, kahit na sumakit na lahat ng mga buto nating dalawa, hindi magbabago ang pagmamahalan natin. I look forward to our plans… alam ko, magagawa natin lahat ng mga plano natin.

(The digiscrap kit is from Feels Like Autumn by She’s Full of Scrap – a digiscrap brand by me and my sisters.)


(Salamat kay Mec sa ginawa nyang photoslideshow na ito ng mga Berks. Touched na touched ako, Mec… Nung nanghihingi ka pa lang ng mga pictures at nakita ko yung mga binigay sa iyo na mga litrato ng ibang berks, paborito ko na yung thread na yun. So much love going around…)

(Nakita 26555 beses ng 4658 bisitors)

Hello… Andyan Ka Ba???

Saglit lang…

Pagbigyan nyo lang ang lola ninyo.

O sya, hindi na ako mag-ju-judge. Bad yun, sabi ni Patring. At ang hinihingi ko sa Universe eh baka hindi matupad. So eto hindi judgment, stating of facts lang na may kasamang mga tanong…

*mahaba at malalim na buntong-hininga*

Kung alam mong may isang taong naghihirap ng husto para sa isang taong, siguro naman eh mahal mo dahil “dugo sya ng iyong dugo”, hindi ba fair lang na tulungan mo naman itong taong ito sa mga bagay na ginagawa nya na para rin naman sa “dugo ng iyong dugo”? Mas lalo na kung kaya mo naman? At hindi pwedeng sabihin na hindi mo kayang tumulong ng karapatdapat at tama dahil alam ng lahat na kayang-kaya mo. Grabe… kayang-kaya mo.

Hindi lang kakarampot na tulong na gasino lang. Yung talagang humati ka at nang mapatunayan mo rin naman sa sarili mo na talagang tutuo yung sinasabi mong nagbago ka na at sinisikap mong punan yung hindi mo nagawa nun. O bola lang ba lahat yun?
Continue reading Hello… Andyan Ka Ba???

(Nakita 14027 beses ng 2340 bisitors)

Ang Pambomba, Kaning Lamig at si Bossing

Hay halayhay… Tama na muna ang ilusyon na si Bea Alonzo ako at may drama sa Maging Sino Ka Man. Baka sabihin nila kung ano na namang opyo ang nasinghot ko. Kaka-lukersh yun eh.

Eto na lang. Kagabi sa bus, habang nayayamot ako dun sa dalawang lasing na pasahero, inaaliw ko na lang ang sarili ko sa pag-isip-isip. Ng biglang pumasok sa isip ko, may gumagamit pa kaya ng mga pambomba ng lamok? And siempre corollary tu dat towt, may gumagamit pa kaya ng katol?

Wala lang. Pumasok lang sa isip ko.

Ay, si Fafa Jay, kilalang-kilala nyo sya davah? Lumabas na ang next libro nya – Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig. I’m sure nagustuhan ninyo ang una nyang libro. Kaya magugustuhan nyo rin ito. Komiks ang format nya. Kaka-aliw. Kung gusto nyo pa ng ibang screen captures ng komiks, tingnan nyo ito.

Binalita din sa amin ni Fafa na go-sago sya sa Pinas para nga sa launching ng MKNBKL sa April 14 2008, Monday nang 3pm sa FULLY BOOKED sa THE FORT. Lunes yun, pero sana mapuntahan nyo sya at masuportahan. Para sa mga ate at lola ko, gusto ko lang sabihin sa inyo na gumwapo lalo si Fafa Jay ngayon! Slim na slim kaya naman mas lalong lumabas ang kapogian. Hehehehe, magwatir-watir kayo dun! At para sa mga boylets, naman siempre repapips si Fafa kaya peace man kayo dun. Eniweys-hiweys, huwateyver the case, go kayo sa launching ha.. buy ng book, at papirmahan sa kanya. At kapag nakita nyo na sya, sabihin nyo, representative ko kayo, at manghingi kayo ng kiss para sa akin. Mwehehehehehe…

At ang last but not the least, siempre pa, ang aking Bossing. Lumabas na po ang kanyang website – Kuya Fuji, The Journal of the Piano Man. Ay, wag raw madala, hindi kasing seryus ng title ng blog ang mga entries. Ikanga ni Melanie Marquez, “Don’t judge my brother, he is not a book!” hehehehe… harinawang matuwa din kayo sa kanya. I-link nyo sya ha… at pakisabi sa kanyang nilink nyo sya para masama nya kayo sa links nya. Naghahanap pa ng mga prenships sa pagbo-blog si Bossing kaya naman medyo naji-jiya pa sya. Pero bisitahin nyo ha. Para matuwa din kayo :)

Hmmm…. di ko pa rin masyadong feel ang bago kong template. hmmmmm…..

(Nakita 26324 beses ng 5208 bisitors)

Can We Still Be Friends

(O, warning… senti-moment itech.)

Dear Andres,

Kamusta ka na kaya? Alam mo, matagal ko nang gustong gawin ito. Matagal ko na kasing gustong ilabas ang saloobin ko… Minumulto pa rin kasi ako ng hindi magandang ala-ala nating dalawa… Kapag naaalala kita, sumasakit ang puso ko at mangilang beses na rin na naluluha ako.

Oo, may mga demonyong pumapaligid sa utak ko kapag naiisip kita at pinapaiyak ako. Sinusutsutan akong naging masama ako dahil iniwan daw kita. Pero aminin na natin, alam nating dalawa kung ano na ang nangyayari sa buhay natin nung huling taon na magkasama tayo. Naghihilahan na tayo pababa at hindi na talaga tayo masaya nun.

Kung naiba ang sitwasyon, sigurado, hindi naman mangyayaring hihiwalay ako sa iyo. Pero madalas mo nang naririnig sa akin, bago pa nangyari ang lahat – hindi ko na kaya… hindi na ako masaya… hanggang trabaho, nadadala ko na ang lungkot at problema. At alam mong hindi ako ganun.

Hindi naman ako naging masamang nobya. Alam mong inintindi ko lahat ng nangyayari sa iyo. Pilit na binibigyan ko ng rason ang bawa’t nakikita kong parang mali. Ni wala ngang nakaalam na may problema na tayo dahil ayokong sumama ang tingin ng kahit na sino sa iyo. Dahil masasaktan ako kung may marinig ako sa kanila. Pero yun nga, tao lang ako. At gusto ko lang na maging patas ang buhay sa akin. Tumatanda na rin naman ako. Gusto ko nang magkaroon ng taong makakasama ko sa buhay, na talagang mararamdaman ko na hindi ako nag-iisang kumakarga ng mga problema ng mundo. Yung kailangan ako dahil mahal ako hindi dahil kailangan nila ako para pisikal na mabuhay. Nung bandang huli kasi, ramdam ko, yun na lang ang silbi ko sa mundo mo.

Naiisip pa rin kita. Iniisip ko pa rin paano kaya kung naging ok ang takbo ng buhay. Tayo nga kaya ang nagkatuluyan? Pero alam ko, naging instrumento lang lahat ng nangyari dahil kailangang magkita kami ni bossing sa huli. Kasi kailangang matupad ang nakatakda. Si Bossing ang talagang takda para sa akin. At alam ko, siya ang sagot na pinagdasal ko nun ng matagal sa harap ni St. Jude nung minsang dumalaw ako sa simbahan. Si Bossing ang ultimatong regalo sa akin ng Diyos.

Pero huwag kang magduda. Naging masakit para sa akin ang paghihiwalay natin. Yung sinasabi ko lagi sa mga kaibigan ko na ikamamatay kong maghiwalay tayo, tutuong nangyari yun. Yung araw na tuluyan na tayong naghiwalay, yun ang araw na nilibing na ako sa lupa. Pero isang taon na ako’ng, pakiramdam ko, bangkay na lumalakad na lang – wala ng direksyon ang buhay. Dahil sa puso ko, hindi na ikaw ang lalaking minahal ko walong taon ng nakaraan.

Pero kailangang danasin ko yung pagkamatay na yun para mabuhay ako uli. Para malaman ko kung paano talaga ang lumigaya, umibig at pumayapa – ng may tutuo nang kaakbay. Salamat sa lahat ng hindi man sinasadyang naituro mo sa akin. Nakita ko kasi ang diperensya nung tayo at yung ngayon. Hindi mo kasalanan yun, nangyari lang talaga… Pero yun nga, mas minamahal at pinapahalagahan ko si Bossing dahil sa lahat ng nakita kong kulang sa relasyon natin dati.

Sana, maayos ka na ngayon. Sana hindi ka bumalik sa problema mo dati. Siguro nga hindi ako ang taong pwedeng magpalakas ng loob mo para lumaban sa mundo. Sana lang, anuman ang kinalabasan ng nangyari sa atin, ito ang naging mitsa mo para madiskubre mo kung sino ka talaga at ano ang talagang gusto mong mangyari sa buhay mo.

Yun nga lang, nawa’y hindi muna ako biruin ng tadhana dahil hindi pa ako handang makita o makausap ka. Hindi dahil natatakot akong mahulog sa iyo ulit (dahil hindi na mangyayari yun), pero dahil hindi pa ako handa na malaman, kung sakali, na hindi mo nalabanan ang mga problema mo… Sana kapag nagkita tayo, masaya ka na talaga at may kasama kang nakagawa ng hindi ko nagawa para sa iyo.

At sana pagkatapos kong isulat ito mawala na lahat ng demonyo para hindi na ako malulungkot kapag naiisip kita. Para ang maalala ko naman ay yung magagandang nangyari sa atin at yung mga naituro mo sa akin. Para matutunan ko na talagang magpasalamat na naging tayo ng minsan sa buhay ko. Marami naman tayong magandang ala-ala nun, diba?

At sana, magmula ngayon, maniwala na talaga ako sa sarili ko kapag sinasabi kong hindi ka naman pababayaan ng Diyos na masira. Lagi pa rin kitang pinagdadasal.

Ako pa rin ang kilala mong
Sienna

Can We Still Be Friends
(Todd Rundgren)

We cant play this game anymore
But can we still be friends?
Things just cant go on like before
But can we still be friends?

We had something to learn
Now its time for the wheel to turn
Grains of sand, one by one
Before you know, its all gone

Lets admit we made a mistake
But can we still be friends?
Heartbreaks never easy to take
But can we still be friends?

Its a strange sad affair
Sometimes seems that we just dont care
Dont waste time feeling hurt
Weve been through hell together

Dannana etc,
Can we still be friends

Can we still get together sometimes?
Hey babe, can we still go on?
We awoke from our dream,
Things are not always what they seem
Memories linger on
Its like a sweet, sad, old song

Dannana etc, can we still be friends

(Nakita 16986 beses ng 2750 bisitors)

I’ll Cover You

Since it’s almost Christmas. Nawa’y lahat tayo hindi maging malamig ang kanya-kanyang mga pasko.

At para sa aking mga sisterettes, mga dyunakis, para sa inyo ito… May kanya-kanyang tayong ka-match sa mundo, hindi man natin sila naging asawa o dyowa, pwedeng kaibigan sila, o kapatid o nanay. Basta, merong isang nilalang dito sa mundo na para sa atin lang…

(Nakita 16665 beses ng 3025 bisitors)

Ang Sikreto

“Every single person has at least one secret that would break your heart. If we could just remember this, I think there would be a lot more compassion and tolerance in the world”

– Frank Warren, Postsecret

Wit ako santa (kahit na minsan inaambisyon-ambisyon kong ganun sana ang tingin ng mga utaw sa akin). Marami akong ino-okray-okray ng harapan, at mas gravetch, may mga times na, pasikreto, may mga minamaldita ako. Sus, husgahan mo ba ako? Tao lang ang lola nyo. Ayokong magpaka-plastic na mag-ala “Himala”, lumuhod, at sabihing “mag-kapit-bisig tayong lahat at yakapin ang katabi ninyo…”

Hindi ako pinanganak na ganun.

Pero minsan, inuusig din ako ng Safeguard at may nagsasabing “Ineng, ako ang iyong konsensya”. At kapag nahimasmasan na akong magpaka-retarded, bigla kong naaalala yang kwot na yan sa itaas.

Sa tutuo lang, ma-giraffe yun, ha! Isipin nyo nga, sukdulan na kayong nangingitim sa galit tapos in the middle of it all, bigla ba kayong mag-iisip ng “ay, sister, wit ka nang ma-engri… may dahilan ang pagiging retarded nyang kinagagalit mong taong yan!”. Siempre, hindi diba? Eh minsan mas masarap mag-galit-galitan at talagang ibuhos lahat ng alam mong klaseng mura dun sa tao. O, wag mag-deny… Nangyari na rin sa iyo yan. Ikanga ng born-again kong teacher nun sa Calculus na si Miss Aguila, “Liars go to hell, EMEN!!!!”

O sya. Engri na kung engri. Namula, nangitim, nangasul… sige, lahat na ng colors of the rainbow, nakita na sa mukha mo at nahirapan ka pang bumalik sa kulay mong mestiza (uyyyyyyy, ambisyosa ang lola!) sige, “granting”. (Ikanga ng kaibigan kong lukresia din, “granting” daw imbes na “granted” ang sabihin.) Pero kapag nailabas mo na nga lahat, at nakapunta ka pa nga sa banyo, at medyo nahimasmasan ka na, ano na ang iniisip mo?

Yun ata ang po-went ng kowt – compassion. Mahirap, lola. Pero ngayon na tumatanda ako, pinipilit ko talaga… kasi dun ko lang ata nare-realize na kahit na asshole pa ang kausap ko, hindi rin sigurado sya masaya sa pagiging asshole nya. O siguro malungkot din sya kasi konti lang ang prenships nya. O siguro, may mabigat syang problema kaya lumalabas ang pagka-asshole nya. (Kahit na madalas mas gusto kong sabihin na, “O siguro kasi asshole lang sya talaga, period!”)

May mga dumarating sa aking mga pagkakataon na talagang sukdulang itong kowt lang na ito ang nagtatali sa katinuan ko kapag nagagalit ako sa tao. Mistulang tila sinasampal-sampal ka na ng sakit o ng walang pakundangang pananadya, iisipin mo na lang, “may dahilan ang pagiging lukring nya” at pilit mong iniintindi ang mga ginagawa nya. Hindi madali, pero kung gusto mo ng world peace, at ikanga ng walang kamatayan at walang kasawa-sawang kantang “Let There Be Peace On Earth: “and let it begin with me” daw, pipilitin mo.

Minsan may magandang binubunga… minsan naman, pakiramdam mo, para na lang sirang plakang hindi na matapos-tapos ang kalukresiahan. Pero deep inside, ok ka na. Iisipin mo na lang “at least hindi ikaw ang nananakit… indulhensya mo na yun sa langit”. (Harinawang taking down notes si Lord ng mga good deeds mo para wit ka na go to hell at makipag-EB kay Taning)

Pero kapag nagkabunga ang pagmamaganda, este, pagmamamabait mo, ok na rin. Iisipin mo na rin, buti na lang hindi mo pinatulan, hindi mo na binusa-busa pa ang ningas.

Kasi minsan, sa konting dasal, at sobrang daming pasensya, nag-iiba rin ang ihip ng hangin. Nag-aamoy amihan din kalaunan.

PS. Next week, announcement na ng mga bago sa pansitan.net!!! ABANGAN!!!!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 20791 beses ng 3828 bisitors)