Posts Tagged ‘MTA’

PostHeaderIcon Follow Up Report kay Manyak

Naisulat ko po ito sa mga kablogkada ako. Share ko lang sa inyo ang mga deve-lopments:

just talked with an MTA police this morning. Nagpunta sya dito sa office to talk with me. I gave him details of what happened. And it’s weird that you suddenly realize how much detail you don’t take in when caught off guard.

He asked me the following:

what was his hair like? since it was long, he asked if they were in dreadlocks or corn rolls. up to how long was his hair
what shade of skin did he have? he’s black pero siempre iba-ibang shades pa rin sila
was he wearing sandals, slippers or shoes, and what color.
was he wearing rings? any markings on his hand
how tall could he have been (and knowing me na hindi ako marunong mag-guage ng distance and height, you can imagine the struggle)
how was he built
how old did i think he looked. (he thought at first na bagets. sabi ko, hindi… matanda na sya.. in his 30s maybe)
at what stop did he board?
what was the number of the train, what time was that

and eto ang mga ultimate questions na nakakaloka:
was he circumcised or not
was he erect or not while he was doing it (kasi siguro kung hindi erect mas obvious kung circumcised or hindi)

o diba… kakaloka ang mga tanong nya.

and quite frankly, hindi ko sya mamukhaan. ilabas nyo sya sa police lineup na mga halos pareho nya ng itsura, hindi ko sya mamumukhaan. :(

mabait naman yung pulis. and he assured me that they will try and find him. I even told him na sabi ng asawa ko may isang itim na mama din na madalas mag-flash sa may hospital nila (Maryland General Hospital is right along the Light Rail in downtown also) so i told him that it could be the same person. (Kasi nga sa downtown din sumakay itong flasher ko). And he said it could be, or it’s also possible that it could be a different person. Pero first time daw ito na may nagreport ng flasher sa train.

pero relieved na ako na naikwento ko sa pulis. he even adviced me na kung bother pa rin ako by the incident mayron kaming employee counseling-chu-chu. kasi nga state employee din nga naman daw sya and he knows this. and kung mahuli raw yung mama, that they will make the man go thru theraphy. kasi nga naman, may sakit sya kaya sya ganun.

binigyan pa nga ako ng tip nung pulis. sabi nya it’s unlady-like nga raw pero kapag bigla kang nagmumura o tinatalakan mo yung flasher, more often than not, they shy away at natu-turn off because it breaks the illusion for them daw. pero sabi nga nya, not a lot of women do that kasi they’re not using to throwing curses around.

he gave me a number to call and told me to keep it sa cell ko, just in case something like this happens again or kung makita ko ulit yung flasher. he gave me his badge number, his full name and his home address. i guess SOP nila yun to assure you na they’re the real thing.

may tatawag daw sa akin later to follow-up on the case dahil iimbestigahan daw nila. So, i’m happy that they took my report seriously. Medyo ok na ako about it :)

(Nakita 1987 beses ng 337 bisitors)

PostHeaderIcon One “Lovely” Monday Morning

Story of my life…

So Lunes ng umaga, dahil pumasok si bossing ng Linggo ng gabi, kasama ako ng sangkalipunang people of Maryland sa pag-commute. Alam nyo na siguro ang routine ko – drive hanggang istasyon ng tren, tren ng mga 30 minuto, bus ng isa’t kalahating oras papuntang Annapolis – one way pa lang yun.

Kapag ganitong mga pagkakataon kailangan kong gumising ng sobrang aga. Sobrang aga na tulog pa si Sabel at hindi pa rumoronda ng huling hirit ang mga kalapating mababa ang lipad.

Kaya maiintindihan ninyo siguro na habang nasa tren at bus ako nakakatu-katulog pa ako. Para naman pagdating ko sa opis kahit papaano, rested at kalmado na ang byuti ng lola ninyo.

Dalawang ruta ng tren ang pwede kong sakyan sa umaga – isang pa-fly papuntang airport at isang papuntang huling istasyon ng tren. Kapag yung papuntang airport ang nasasakyan ko, bumababa ako sa istasyon ng bus papuntang Annapolis. Mas gusto ko kapag napapasakay ako ng hanggang dulong istasyon kasi mas matagal ang tulog ko at nababawasan ng mga bente minutos ang byahe ko ng bus (dumadaan din ang bus sa huling istasyon). Lahat ng tren, dumadaan sa downtown sa kalagitnaan ng byahe.

So medyo napi-picture nyo na ang byahe ko, davah? Kahapon ng umaga, medyo napasarap ako ng tulog kaya medyo yung pangatlong tren na ang nasakyan ko. Swerte naman at yung papuntang huling istasyon pa sya. Sa unang upuan ako umupo, katapat ng mga pa-sideways na upuan para sa mga disabled at matatanda. Pumwesto na ako at natulog. Pagdating ng downtown may tatlong lalaking itim na umupo din sa mga harapan na silya – isa katabi ko, isa sa harap ko na mga pang-disabled ang upuan at isa sa kabilang silya. Pagdating ng mga apat na istasyon bago ako bumaba, bumaba na yung nasa harap ko at yung nasa kabilang silya. Yun na lang mamang katabi ko ang natira.

Dahil antok-antok pa ako di ko masyadong pinapansin ang katabi ko maliban sa isip ko bakit ba galaw sya ng galaw ng mga kamay nya na nakapwesto sa harapan nya. Mga dalawang beses ko syang nilingon. Sa pangatlong beses, parang gusto kong masuka – ang punyetang mama, nakalabas pala ang etits at winawagayway! P*tr*g$s na T*ng%in#ng yan! Kasama ang galit at kaba, lumipat ako ng upuan. Ang katangahan ko, dala na siguro ng taranta, lumipat ako ng upuan dun sa opposite side na pang-disabled din. Sinipat ko ang tren at tiningnan kung maraming tao. Marami naman pero lahat walang kakatunog sa nangyayari. At dahil tanga ako, napansin ko, humarap pa ang punyetang mama sa akin at tuloy pa rin ang wagwag ng etits nya!

T&ng*n% talaga! Di ko na lang tinignan at mabuti na lang papalapit na kami sa huling istasyon. Shocked ako at takot ng bumaba ako ng tren, Tumitingin ako sa paligid ko kung saan napunta ang mama, hindi ko na makita. Mabuti na lang maaliwalas ang istasyon at maraming tao. Sumama akong makihintay ng bus sa isang grupo ng mga babae.

Alam mo, dapat kahapon pa lang, sinumbong ko na sya dapat sa mga Transit Police na nandun. Pero mas naunahan ako ng takot na baka kasi mamukhaan nya ako at sa susunod eh kung ano na ang gawin sa akin kung sakali man na makita ko sya ulit.

Pero ngayon, nahimasmasan na, sa suggestion ng asawa ko, hipag ko at kasamahan sa trabaho, isusumbong ko sya sa Transit Police. Naghihintay lang ako ng return call dun sa tinawagan ko na Transit officer.

Kahapon pa ako nag-iisip. When faced with something as that, na-sho-shock pa rin pala ang sensibilities ko at hindi rin pala ako kasing gutsy ng akala ko. Lecheng yan! Ikaw ba naman ang makakita ng ari na winawagayway sa harap mo ng umagang-umaga mula sa lalaking hindi mo naman type, hindi ka ba naman ma-shock at maunahan ng galit???

Lecheng yan! Mahuli sana sya at mapunta sa seldang puro mga criminal na nang-re-rape ng mga lalaki o maka-kuha sana sya ng katapat na may itak at mapugutan sana ng iwawagwag nya. TANG-INIS NA YAN!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 2678 beses ng 368 bisitors)

Archives