Thank You, Lord… Sa Lahat-Lahat!

The New iPad

Nakabili na kami ng iPad!!!  At awa ng Diyos, 5.5 GB na lang ang natira pagkatapos kong maglagay ng halos isang libong libro, isang daang apps!  Walang pictures, walang kanta.  Wag nyo akong tanungin kung saan galing ang mga apps at libro ko, pramis di ko sasabihin.  Hindi Pwede!!!  End of discussion.

So maganda ba?  Siempre! Nagagamit ba?  Siempre naman.  Full-retina display ba talaga??  OO!  May app akong pang-baking at cooking, may app akong pang-gitara, app na pang-photography.  Mas lalo na yung pang-recipe – kesa magpi-print ako sa basement tapos dadalhin ko ung papel sa kusina.  Ngayon, dala ko na iPad ko habang nagbebake at nagluluto.  Dun pa lang, sulit na ako.  Happy-happy-Joy-joy.  Maraming salamat kay Lord dahil kung hindi sa blessings nya, hindi kami makakabili nito.  Salamat po…

Hemingweys, so ano pa ba ang mga bago-bago?

I Christened Thee, Stanley (a.k.a. Stainless)

After 5,000 years, bago na ang overn namin!  Actually nung dumating ako sa buhay ni bossing, tatlo sa apat na kalan na lang nito ang gumagana.  Pagkatapos ng limang taon, umusok naman yung isa at lumiyab pa!  Kaya nagdeklara na ako ng proclamation no. 14344-5254 – kailangan na ng bagong oven!  Pasalamat na lang sa Breakfast Club Savings and Loan Cooperative, na itago na lang natin sa pangalang, Breakfast Club Paluwagan, nagkaroon ng chance na bumili na ng kapalit!  Salamat talaga sa mga mapag-impok na mga prenships.  Kaya naman  pagkasweldong-pagkasweldo ko, diretso na kami sa Sears at umorder na ng bagong oven.  At take note, joint forces kami ni Bossing ko na nag-isip-isip ng kung ano ang bibilhin – hindi dapat kamahalan dahil may iba pa kaming mga plano sa future, but at the same time, dapat gagana ng maige at hindi kami bibigyan ng sakit ng ulo agad.  At entonces, ang nanalo – si Stanley!

At magmula nun, ang sarap nng magluto.  Mas lalo na, ang sarap mag-bake! At dahil ganado ako, at nag-request si bossing, tinanong ko sa nanay ko ang kanyang secret formula ng masarap na raisin bread.  At dahil mabait ako sa mudrix, binigay nya sa akin ang kanyang secret recipe, pero wag nyo nang tanungin kung ano ito at sabi nya, secret! (OO, mahilig ang pamilya ko sa secret, hehehehe).

At sa tutuo lang, paborito namin ang lasa ng tinapay na ito.  Hindi na nga sila bumibili ni Itang ng tinapay sa labas at nung kamakailan lang na bumisita ang kapatid kong lalaki sa Canada eto kaagad ang nirequest nya kay Inang.  Isang buong ganito, kaya nyang ubusin ng isang upuan lang.

Ang Masarap na Tinapay ni Inay

So nung una, dinikta ni Mudir sa akin ang recipe na memorized na nya – tubig, yeast, asukal, margarine, asin, arina at itlog.  Tapos maya-maya, ang pasas.  At nung kasalukuyan ko na syang ginagawa, panay pa rin ang tawag ko.  Mas mabusisi kasi ang paggawa ng tinapay… o siguro mas sanay na lang kasi akong gumawa ng cake.  Pero hemingwey, sa madali’t sabi, nangyari na ang nangyari, salamat sa breadmaker na binili ni bossing sa Goodwill ng $8 na manghang-mangha ang kapatid ko na si Patring na gumagana pa nung binili ng asawa ko.  (OO naman, no? Salamat na lang sa mga thrift stores talaga.)

In furnez, ang sarap ng ginawa ko!  Talagang unang kagat ko pa lang, para talaga akong nabalik sa Pilipinas at nandun kami lahat na kumakain ng tinapay ni Mudir.  Tinawagan ko nga sya agad para mag-thank you dahil sa tutuo lang, kung ang forte ng nanay ay magluto, para saan pa na nagluluto sya ng masarap kundi para sa kasiyahan ng pamilya nya, diba?  At champion dyan ang nanay ko!

Kaya naman, magmula ngayon, kapag gagawa ako ng tinapay, lagi at lagi si Mudir ang maaalala ko.  Hayyyyy… ang sarap ng tinapay ng buhay!  Hehehehe…

Yun lang!  Babush!

(Nakita 18898 beses ng 3799 bisitors)

The New iPad – iDon’t Care Sila???

Alam nyo naman siguro kung ano ang trabaho ko.  Para dun sa mga hindi nakaka-alam, mainframe programmer po ako na nagpo-program ng COBOL sa isang mainframe computer.   Ang iba ang tawag sa amin eh Dinosaur Programmers kasi nga prehistoric times pa raw ang mainframe.

O, ayan na ang mga bagets, “What’s a mainframe computer?” raw.

Bago ang tablets,  bago ang iPad, iPhone, iPod, bago ang PCs, may tinatawag silang mga mainframe computers.  Yun yung mga computers na nagsimula nung… alam nyo sa true lang, masyadong mahaba para ikwento ko sa inyo kung paano nagsimula at kung ano ang mainframe computers.  Kaya eto na lang ang tingnan ninyo:  Computer History.   Kumpleto yang website na yan, may mga pics pa para makita ninyo kung ano itsura nila.

Mainframe Dumb Terminals in the background

But in essence, mainframe computers handle the biggest volume of data. Not only because they can store humongous amount of data and humongous amount of programming code, but also because they’re very stable, and more secured than other computer-based systems.  I know, maraming aalma dun sa security point, pero hellers, ayoko makipag-argumento.  Kung di kayo bilib, ok lang din.   But what you don’t know is that most of the things you see and experience around you happen because of the mainframe.  Ang pagdeliver sa inyo ng sulat galing sa post office, ang nababasa ninyong electric, credit card, water bills ninyo, ang refund ng taxes ninyo sa maryland (at baka sa inyong mga states o mga bansa  rin), ang healthcare ninyo, mga shipments, ang mga banko ninyo, ang insurance companies ninyo, ang kung ano-ano pa sa gobyerno, lahat yan, powered by your old but dependable mainframe computers.

So in furnezzzz, kahit na ano pa ang itawag nila sa akin – dinosaur, legacy, old-timer, kebs ko sa kanila!  Kailangan pa rin nila ako para patakbuhin ang mundo.

Pero yun nga, dahil matatanda na ang mga sistemang ito at hindi na inooffer ang mga languages na ginagamit para paandarin itong mga makina na ito sa college; ang mga taong nasa mainframe, halos lahat, retireable na.  *Ehem*, maliban sa mangilan-ngilan na may asim pa *ehem*  isa ako dun *ehem*.  Kaya imagine-nin nyo na lang ang scenario, ang mga PCs na nasa harap ng mga tao, ang screen, itim na ang kulay ng font, kulay green (PC na nga ang gamit namin pero ang pag-hookup sa mainframe thru a PC-Mainframe connectivity software), ang mga kasama mo sa department, pinakabata na ang mid-40s ang edad (at ako nga yun!).

The New iPad

So eto na, inannounce last week na nilaunch na ang 3rd Generation na iPad.  Eh di siempre ang lola nyo, excited.  Hindi ko masyadong kebs nung unang lumabas ang iPad kasi bago pa nun ang iMac namin atsaka bago pa ang iPhone ko.  Pero nung lumabas ang iPad 2 at nakikita ko kung paano sya gamitin ng syupatiders ko, narealize ko na ang advantage nya.  Hindi pa kami bumili ng iPad 2 kasi sabi ng mga prenship lalabas na raw ang pangatlo.  Eh di hintay naman ako… at ngayon nga na lalabas na sya, nagtatatalon na ako sa tuwa (exagg pero parang ganun na rin ang feeling).  Naghanap ako ng mapagbabalitaan sa mga kaupisina ko.   Lumapit ako sa isa.  Eto ang takbo ng usapan namin:

Ako: *kinikilig sa balita* Hey, Karl, do you know… the new iPad is coming!!!

Karl: What’s an iPad?? (Zoom in sa reaction ni Karl na parang takang-taka at hindi alam ang sinasabi ko)

Ako: HUWATTTTT?????  (Pan sa mukha ko at nanlalaki ang mata at butas ng ilong sa gulat)

You’re kidding, right??? Tell me you’re kidding!

Karl: No, I’m serious.  What’s an iPad?? Is that like a cellphone?

And to think pinakamalapit na ang edad ni Karl sa edad ko.  Lumapit ang isa ko pang katrabaho.

Karl: Ray, the iPad is out. (na may kasamang bungisngis na nang-aasar)

Ray: I don’t need a new one, I have one that I use to listen to music to.

Ako: *Thought bubble*  teka… hindi iPad ang nasa isip nito.

Ray, you’re talking about the iPOD.  That’s different…

Ray: Oh?  What;s an iPad?? (accent on the “a” na parang *iPaaaaaad* ang tunog)

Ako: The tablet!!! huwadahell??? Where have you guys been hiding under???

Ray: Oh, those… I don’t need those, I can’t see any use for them.

Karl: This is all Big Brother stuff.  Slowly they’re invading our privacies and looking into our lives.

Ako: *buntung-hininga* Whatever, guys…. I’ll look for someone who cares!

At umikot ako sa buong floor namin, dun ko narealize, Lord and behold (ha, ha, ha nagamit ko rin Nannah Bading!)! Wala pala talagang magke-kervalu na may bagong labas na iPad kundi ang lola nyo.

Hindi kathang isip yang kwento ko, ha… tutuo yan.   Ganun sila talaga ka-techno-wa kebs.  Dahil ba matatanda na sila?? Hindi ko maintindihan.  So wa sila kervaloo na full retina-display ang bagong iPad, na thinner sya than the iPad 2 (kasi wa nga sila knows na may iPad 2 rin), na may iSight 5-mp camera ito, may Face-Time camera at kasing halaga lang ito ng dating iPad 2 at ang mga iPad 2 binabaan pa ang presyo!  Ikanga, ang drama ng mga owpismeyts ko, iDon’t Care!  Mahabaging heavens!

Pero ang masasabi ko lang, bukas, lalabas na ang bagong iPad.  Maaga pa lang, pipila na ako sa Best Buy.

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 17236 beses ng 3697 bisitors)