Sobrang Tagal…

1/365 days of blogging (ulet…)

Bohol Beach Club

Ang tagal, grabe!  Tatlong buwan na hindi nag-update!  Anong karapatan na ituloy ang dating countdown ng days of blogging.  Ang kapal ko naman diba? Kaya balik tayo sa umpisa.  Count 1 ulet.

Eh bakit nga ba kasi sobrang nagbisi-bisihan?

Una, nagprepare na ng toxic sa debut ni Czarina.  Sobrang kinarir kaya.  Lahat ng decor sa mga mesa, ang backdrop ng stage, ang invitations, isama mo pa ang pag-repair ng gown.  Sobrang karir.  At sabihin pang mahigit isang taon na pin-repare, na-toxic pa rin sa huli.  Pero ang haba ng buhok namin ng nanay nya pagkatapos, kasi ang ganda ng debut ni Ina.  SOBRANG. GANDA. Yun lang.

Blood Compact Memorial

Pangalawa, wala pang ilang araw pagkatapos ng debut, fly na kami ni bossing sa ‘Pinas.  Nag-Cebu (sobrang educational!), nag-Bohol (sobrang ganda!), nag-Divisoria (sobrang miss ko!), sangkatutak na punta sa Greenhills (sobrang aliw!), sanlibong beses atang nagpunta sa Cainta para makipagkita sa mga kaklase nung high school (sobrang lasing!), sampung libong beses atang kumain ng Baliwag, Lechon Cebu, TJ’s at Crystal Jade  (ang sarappppp, grabe!!), nakipagkita sa mga kumareng barkading at ilang daang libong oras ng bonding time kasama ang syupatiders, pamangkin at lola – sa loob ng isang buwan.   Bilangin nyo yun.  Toxic pero sobrang saya ko.  Limang taon akong hindi umuwi.  Hindi nakakatawa yun, kaya hindi na dapat maulit na hindi umuuwi ng ganun katagal.  Dapat yun Mortal Sin.  Hindi na dapat gawin ulet.

Chocolate Hills

Pangatlo, wala nang pangatlo.  Yun lang talaga ang nag-okupa ng mga oras ko magmula ng huli akong nag-blog.  Kaya’t dapat lang, ibalik ko ulet sa number 1 ang bilang ko ng blogging.  Ulitan kung ulitan.

At ano ang mga naobserbahan ko sa isang buwang bakasyon na kasama si Bossing (na tatlong linggo lang ang bakasyon kaya may isang linggo ako all by myself)

1.  lahat na lang halos ng commercials na gawang pinoy puro celebrities ang endorsers magmula kay Bossing Vic hanggang kay Piolo hanggang kay Michael V.   Naisip ko na nga, gagawa ako ng listahan ng mga commercials na artista ang mga endorsers eh.  Siguro next entry…

The Sisterhood of the Logbook (4/6)

2.  mainit pa rin, pero wala nang babago pa dun.  Kung mag-snow dun magtaka pa ako.  End of the world na.

3.  aircon na ang LRT at aliw na aliw akong sumakay sa kanya.  Eh paano ang bilis eh.  Minsang nagpunta ako ng Makati ng Byernes ng naka-taxi at sobrang traffic inokray pa ako ng syupatembangs ko dahil ang tanga ko raw.  Kung nag-LRT ako hindi sana ako inabot ng isang oras papuntang Makati galing sa amin sa Cubao.  Pero hellers, kamustahin naman kaya ang damit ko pagkatapos – hahabulin na ako ng plantsa sa sobrang gusot kasi people power malamang sa LRT ng alas kwatro ng hapon.

Ang High School Friends (Kasama si Ate at Kuya)

4.  mukha nang Makati ang Greenhills, pero I love the tiangge!!  Walang makakatulad talaga.  Maliban sa Divisoria, but then again, Divi is Divi and Greenhills is Greenhills.  Apples and oranges.  At mistulang naloka ako sa sobrang quadruple class A na mga pekeng Louis Vuitton!!  Kung hindi ka marunong tumingin, mapepeke ka talaga.  Ako pa ang nahiyang dalhin ang LV ko sa Greenhills. Dahil nakaka-insecure.  Dahil pumapasok sa isip ko baka fake din ang bag ko.  Dahil orig ang LV ko.  Aruuuuuu….

5.  may McKinley Hills na na sobrang sossy.  Sa tutuo lang, bakit ba panay ang pagawa nila ng mall sa Pilipinas?  Third world pa tayo nang lagay na yan ha… Di ko macompute talaga.

High School Friends (Part 2)

6.  wala na ang Magnolia House, ang St. Paul’s College, St. Paul’s University na, ang Immaculate Conception Church sa amin, Immaculate Conception Cathedral na.  May Greenbelt 5 na.  Iba na ang itsura ng SM sa Makati, muntik na akong maligaw.  Wala na rin ang Fiest Carnival, Shopwise na sya ngayon.  May Telus na call center na sa Cubao (the same Telus na phone company ng Canada).  Di ko pinuntahan ang MOA, kasi wala naman akong bibilhin sa kanya.  At COD display twing pasko, nasa bubong na ng walkway sa Greenhills magmula Ortigas Avenue papuntang loob ng Unimart.  Ang munisipyo ng Cainta wala na sa main road ng A. Bonifacio, nasa loob na sya malapit sa Teacher’s Village.  At hindi na sya Cainta Catholic School – Cainta Catholic College na sya.

High School Friends (Part 3)

7.  lahat ng tao naka-cellphone.  May mga station pa na pwede kang mag-charge ng cellphone mo sa 7-11 kung sakaling na-low batt ka na.  Ang laki ng tiangge ng bilihan ng kung anik-anik sa cellphone sa Greenhills, naloka akong bumili ng cover ng iPhone ko.  At ang daming naka-iPad.

8.  ang Brookside Subdivision sa Cainta na kung saan kami lumaking magkakapatid, hindi mo na makikilala.  Hindi ko na halos nakita ang landmark na bahay na bilog kasi may inuman na sa harapan nito (na hindi ko alam, pag-aari pala ng mga kababata namin sa Brookside).  Ang St. Francis Subdivision na kung saan naman lumaki si Bossing, malaki na rin daw ang pinagbago.  Medyo na-sad sya kasi luma na yung bahay nila dun.

High School Friends (Part 4)

9.  masarap pa rin ang fishballs, ang squidballs, ang cuapao, ang Baliwag Lechon.  Isama mo pa ang mangga, atis, lanzones, at rambutan.  Masarap pa rin ang isda, iba pa rin ang lasa ng manok, baboy at baka – siguro kasi wala masyadong kemikal, hindi katulad ng mga karne dito.

10.  dumilim ang Aurora Blvd. Siguro kasi dahil sa LRT.  Mixed emotions ako sa LRT, malaki talaga ang tulong at pakinabang nya, pero on the other hand, ang mga daan kung saan sya tinayo, pumangit.  Kailangan ba talagang isakripisyo yun?  Nawala na nga ang Arcegas sa may amin.  Siguro nga kasi wala na ring bumibili ng bike.  Iba na ang hilig ng mga bata.  Ang Santolan kung saan bumababa para sumakay ng jeep papuntang Makati, di ko talaga malaman, hanggang ngayon, kung ano yun dati.  Nabura na ata sa memory ko yung parteng yun ng buhay ko.

San ka pa???

11.  hindi pa rin nagbabago ang itsura ng kapatid ko.  At ang gwapo pa rin ni Aga Muhlach.

Ang dami… ang daming highlights.  Hindi ko na nga nakunan ng litrato lahat ng mga bagay na nangyari sa amin.  Bigla kong narealize kulang pa ang mga litrato dahil wala pala kaming kuha ng lola ko na maganda.  Pero di bale, next year, mas maraming pictures.

At eto lang, kahit bagu-baguhin pa nila lahat, kahit bali-baligtarin, kahit mag-labo-labo na sila, eto pa rin ang mahal kong Pilipinas.  Eto pa rin ang babalik-balikan ko.  At manalo lang ako ng Lotto, babalik na kami ni Bossing sa Pinas.  Kasi tutuo, there’s no place like home…

Sa Pilipinas Lang...

(Nakita 32109 beses ng 5366 bisitors)

‘Di Na Natuto

Apo Jim, pagamit lang sandali ng title ng kantang sinulat mo para kay Pareng Gary.

Di ko na lang kasi maintindihan, eh.  Siguro nga, ang Pinoy likas na makakalimutin.  In a way, minsan, maganda yan.  May mga kasalanan sa atin na talagang napatawad na at kinalimutan na.   Ikanga, bawal maging magsasaka (kasi ang magsasaka, mapagtanim… ok?)

Kaya lang minsan iniisip ko rin, detrimental din sa atin, eh.  Tulad na lang sa pulitika, parang lahat ng pinaglaban natin sa EDSA Uno nawala at nabaon na lang sa limot.  Kasi tingnan nyo naman kung sino na ang mga nakaupo sa gobyerno.  Mas malala pa ang korapsyon ngayon kesa nung panahon ni Makoy.   Dati si Marcos lang ang nangongorap, ngayon ebribadi hapi – magmula kataas-taasan, at ang lahat ng mga kamag-anakan nila, hanggang sa pinakamaliit na pulis pangkalawakan.  Lahat kanya-kanyang kotong, kanya-kanyang umit, nagkakaiba lang sa laki.  Ang utang ng Pilipinas,  hindi na lang kaapu-apuhan ko ang magbabayad, mga apo ng apo ng apo ng apo ng apo (*hingal*) ko na.  And still, hindi pa rin ending.

Katulad na lang ng nangyaring Ondoy at Pepeng na trahedya.  Eto ha, ilang araw ko nang pinag-iisipan at tinatanong-tanong – bukod sa napakaduming basura, bakit sandamakmak ang putik na kahalo ng tubig-baha?  Mapapansin nyo ito sa mga bumahang lugar sa Rizal at mga katabing probinsya.  May napanood pa ako sa TV na ang sabi ng isang lalaki, dati-rati pa naman raw na bumabaha sa lugar nila, hindi na nila masyadong iniinda yun.  Ang kaibahan lang raw ngayon, mas mahirap linisin kasi nga may kasamang makapal na putik ang baha.

Kung may kasama nang lupa, ibig sabihin nun, galing yung lupa sa mga bundok.   At kung sumasama sa tubig-ulan ang lupa, ibig sabihin nun, hindi na sila napipigil ng mga puno.  Dahil wala nang mga punong sasalungat pa sa pag-agos ng lupa.

And at this point, naiisip ko ang nangyari sa Ormoc nung 1991.  May nakakaalala pa ba sa trahedyang yun?  Yung flash flood na dala ng bagyong si Uring na pumaslang ng 5,000 tao at umabot ng $12M ang damages sa bayan ng Ormoc sa Leyti?   Diba ang sabi ng mga environmentalist, ang isa raw sa pinakamalaking sanhi ng flash flood ay dahil sa mga denuded na mga forest sa paligid ng Ormoc.   At bakit nakakalbo ang mga gubat? Dahil ang mga lintek na mga tumatagpas ng mga puno dun, hindi nagtatanim muli ng mga bagong puno pamalit sa mga pinutol nila.

Sabi ng gobyerno nun, gagawin raw nila ang lahat para hindi na mangyari ulit ang nangyari sa Ormoc.  As in, halos sinumpa ang mga illegal loggers at mistulang ipapakain pa nila ng buhay sa mga buwaya ang tema ng mga speeches nila nun.

Labing-walong taon pagkalipas ni Uring, wala pa ring nangyari.  Sa aftermath ni Ondoy at Pepeng, eto na naman ang mga pulitiko, sinisisi na naman ang mga illegal loggers.  Deforestation daw ang dahilan kung bakit lumaki ng ganun ang nasalanta ni Ondoy.   Sunod ang mga basura.  Ang hindi pag-respeto sa paligid.  Yung sinulat ni Marcos de Guzman, Jr. sa Philippine Daily Inquirer nung October 9, 2009,  eh yun din halos ang blueprint na sinabi ng gobyernong gagawin nila sa nangyari sa Ormoc (plus-minus a few pointers).

Mahirap kasi sa atin, napaka-reactionary ng majority ng Pinoy.   Hangga’t hindi nauumpog, hindi kumikilos.   Aminado ako dyan.  Ako man, ganun.  Pero minsan, dahil na rin dyan, nakakalimutan na rin natin ang mga obligasyon natin sa bawa’t isa at sa bansa natin.  Ang mga nakikitang pang-aabuso sa kalikasan, nagbubulag-bulagan.   Ang mga naririnig na pangungurakot, pasok sa isang tenga, labas sa kabila.  Magniningas-kugon sa mga gawain, kulang sa follow-thru.  After awhile, ni sundot, hindi na gagawin.

Ilang beses na bang may mga nangyayari sa Pinas na kahit na anupaman – intriga, kontrobersiya, scandal.  Makikita mong masyado tayong nagpapaka-passionate sa mga nakikita at naririnig natin.  Parang ang laki-laking kasalanan na ulitimo hanggang Senado nakakarating pa.  (Hello, Hayden Kho.  Ano na nangyari sa kaso mo?)  Pagkatapos, kapag nakakita ng bagong pagkaka-abalahan, ng bagong pagkukuhanan ng pogi-points, nakakalimutan na ang pinagkakaguluhan kahapon.  Nababaon na sa limot.

Kaya siguro ang mga nangongorap na mga pulitiko sa atin, nakakawala.  Kasi maigsi ang attention span nating mga Pinoy.   Masyado tayong natutuwa sa novelty of an idea pero madali rin tayong magsawa.

Kapag nagbabasa ako ng mga articles tungkol sa Ondoy at Pepeng, inaabangan ko kung mababanggit man lang sa mga articles ang nangyari sa Ormoc.  Sadly, hindi ko napansin na nakitaan nila ng parallelism ang mga trahedya.   Kaya naiisip ko, Apo Jim, ‘di na tayo natuto talagaever.

Pero sawa na rin akong magreklamo na lang lagi.  Sawa na ako ng puro na lang ako satsat.  This time around, gusto ko, may gawin na ako.  Pero ayoko lang ng magdodonate ng pera, tapos, tapos na.   Gusto ko ng active participation.  Kung may alam kayo na pwedeng salihan remotely na pang-Pilipinas, sabihan nyo naman ako.  O ituro nyo sa akin ang website.   Siguro, oras na para umaksyon na rin ako.   Dapat may gawin na.  Sabi nga ng mga taga-peyups, “kung hindi ngayon, kelan pa?”

(Nakita 39068 beses ng 5671 bisitors)

Bawal Magreklamo!

ondoycaintaaMay K ba akong magreklamo ng kahit na ano tungkol sa buhay eh andito ako – may bahay, may trabaho, may kinakain, may sinusuot, hindi binabagyo, hindi nilalamig…

May K ba akong maghinagpis eh andito ako – kumpleto ang mga kamag-anak at mahal sa buhay, mga magseselebrate ng birthday, ng anniversary, ng binyag, ng kasal… walang ililibing.

May K ba akong huminga ng malalim samantalang ano man ang problema ko ngayon, ga-ano lang yun, kumpara sa problema ng mga taong nasalanta ni Ondoy at Pepeng…

Wala…

Kaya hindi muna ako magmamaldita kahit na kanino o kahit na sa anumang bagay.  Hindi pa ako tapos magdasal ng pasasalamat na ok lang ang pamilya ko at walang sinalanta ng sobra.   Hindi pa ako tapos magdasal para sa mga nasa Pilipinas na talagang minalas.  Hindi pa ako tapos magdasal na sana marami pa ang tumulong sa kanila.

Basta, utang na loob lang, paki-usap, wag nyo naman silang bigyan ng sira-sirang damit.  Wag rin naman expired na mga delata.   Ok lang ang dyapeyk na t-shirt at pantalon, salamat din sa mga nurses na tumutulong sa mga nagkakasakit.

Sa lahat ng Pinoy sa Pinas at sa buong mundo, salamat sa inyong mga tulong.   Kaya natin ‘to.

(Nakita 35591 beses ng 5350 bisitors)

Rain, Rain Go Away Na!

Maraming nasalanta ng bagyong Ondoy sa Pilipinas. Tsk… kapag si Madir Neyture talaga ang sumalanta wala syang pipiliin – mayaman, mahirap, walang pinipili, lahat pwedeng delubyohin.

I’m sure by now marami na kayong nabasa at napanood na mga istorya ng mga naapektuhan ni Ondoy. Maraming tao ang nawalan ng bahay at nasa mga bubong na. Marami din ang namatay. Maraming tao ang may sakit, nagugutom at nawalan ng tirahan.

manilarainAs usual hindi pa rin outstanding ang response ng gobyerno sa problemang ito. Ang hotline raw na binigay sa publiko, sa voice mail daw pumapasok. Ang DECS, huli pa nung inannounce na walang pasok sa eskwela, may mga helicopters daw na umaaligid pero hindi man lang daw binabaan ang mga taong nasa bubong na, dadalawa lang daw ang rubber boats na umaandar sa Marikina para sa rescue operations, yung iba nating kababayan, binabaha ka na nga, nanakawan ka pa. Andyan pa ang picture ni Mikey Arroyo na bumibili ng mamahaling alak sa Rustan’s habang sinasalanta ang mga kababayan natin at walang makain. Tsk…

Pero I don’t want to dwell on the negatives. Wala nang bago dun (kahit na yung kay Mikey, hindi na bago sa akin, kahit na nakakainit pa rin ng ulo). Mas gusto kong isipin yung mga OFWs na nag-fund raising agad-agad para sa Pilipinas, ang mga tao sa media na talagang walang sawang nagrereport ng kalagayan ng bansa at nanghihingi na rin ng tulong para sa mga kababayan natin, ang mga netizens na nagpapasa ng mga balita sa lahat ng mga pinoy sa lahat ng parte ng mundo, ang mga kilalang mga artista at personalities na tumulong sa mga telethons para makakuha ng donations, ang mga miembro ng dragon boat team na tumulong sa rescue operations, ang mga pari at madre na tumulong sa kanilang parokya, ang lahat ng nagbigay ng oras, pera, gamot, pagkain, damit, pansamantalang tirahan.

Salamat sa kanilang lahat. Salamat sa mga gintong puso. Sa pagtulong na hindi humihingi ng kapalit, na hindi ginagawa yun para sa PR at pogi points. Sa kanila na ang tanging gustong mangyari ay mailigtas ang lahat ng kapwa Pinoy na nangangailangan ng tulong. Maraming-maraming salamat. Kayo ang mga bagong bayani ng bansa.

(Nakita 31684 beses ng 5207 bisitors)

Philippine Blog Awards

Philippine Blog Awards

Nasa list ako ng eligible blogs ng Philippine Blog Awards for the Personal Blogs Category. Ang galing, diba?

Nag-send na sila ng email sa akin dati na magpadala ako ng limang blog entries ko in the past year na irereview nila. So naghanap kami ni bossing ng mga entries at pinadala sa kanila.

Makuha kaya akong finalist? Ang daming magagandang blogs dun sa list nila, eh. Ang mga kumare at mga anakis eh andun din. Nervyusness…

Huwis me luck…

Which reminds me… nakikita nyo ba yung parang paro-parong icon dyan sa kanan nyo? paki-click nyo naman at iboto nyo ako, ha… naka-boto na kasi lahat ng kamag-anakan ko. eh kulang pa eh. hehehehe… salamas :)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 12326 beses ng 2404 bisitors)