At Eto Pa… The Mega Website

Ikanga ni Inang kapag na-ha-hyper at mistulang nagkaka-ADHD sa pagkwento ng mga happenings sa buhay-buhay sa pali-paligid ng mga kama-kamag-anakan.

“At eto pa…”

Alam nyo naman siguro kung gaano ako ka-mega-over-OA fan ni Megastar. Kaya isipin nyo na lang kung ikaw ang kausapin na gumawa ng design ng website nya, hi-hindi ka ba???

HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!

Kaya, mistulang si Mega na tumatanggap ng award para sa best actress, eto lang ang masasabi ko:

“Bimbo, maraming salamat sa pagbigay sa akin ng chance. I labs yu talaga!”

Si Bimbo Isidro ang official webmaster ng official website na Sharon Cuneta Online. Mabait yang si Bimbs… pasensyoso pa. (hehehehe, sa true-true lang).

Kaya mga kafatiran, eto na po, without further adieu, ang isa sa pinaka-pinagkaabalahan ko ng mawala ako pansamantala sa blogosphere, ang design ko ng website ni Ms. Sharon Cuneta.

Ang d-in-esign kong website ni Mega Star

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 28944 beses ng 5032 bisitors)