Posts Tagged ‘snowmageddon’
Snowkang-snowka Na Ako!!
4/365 days of blogging.
Oo, nakaka-uyam na ang snow! Ngayon lang naman kasi nag-snow ng ganito karami sa Maryland for a long, long, long, long time. All-time high na nga ang snowfall namin eh – 36 inches.
Isang linggo rin akong hindi nakapasok sa upisina last week na kasagsagan ng snowstorm. Dalawa dun, work from home, sumunod na dalawang araw, walang pasok na talaga, at Byernes, nag-liberal leave na ako – too much na para pumasok pa ako.
Hindi mo makita ang daan, hindi ka makapag-park. At ang hangin ha, afreyd ka kasi sobrang lakas. Parang bagyo. Parang any monument eh mawawalan ng ilaw.
Eh ang siste, come hell or high water, may pasok si Bossing. Kaya para makasiguro na makakapasok sila, nilagay sila ng hospital management sa hotel. Kaloka. Kalakasan ng hangin sa labas, mag-isa ako sa bahay, nakabaluktot sa loob ng kumot at nagdadasal na harinawang hindi mawalan ng TV at ilaw.
Read the rest of this entry »
(Nakita 4026 beses ng 971 bisitors)

