Nothing’s Gonna Change My World

Nag-impulse buying ako nung isang araw sa Best Buy. Kaloka!

Eh piano naman, nung isang gabi, pinakita sa TV yung isang commercial ng “Across the Universe”. Eh naaliw ata ako dun sa mga kanta, na-impulse akong bumili nung video at nung soundtrack album. Anobah! Tama ba yun?

Pero in fairview, maganda naman ang video at ok na ok naman ang soundtrack. Eh sus, Beatles kaya yun, ano? Pero magaganda rin naman ang mga versions nila. Ang naaliw pa kami ni bossing, yung isang girlash sa pelikula, pinay! Yung nag-akting ng Prudence dun palikuliks na ang true na namesung eh TV Carpio. Dyunakis sya nung Teresa Carpio na kilalang singer sa Jongking na ang fathersung eh Pinoy na ang fangalan eh Fernando. Hmmmm… Fernando Carpio. Dynanap ko sya sa internet. Eto nga ata sya.

Ang galing, diba? At ang ganda ng boses ni TV Carpio. Kaya naman proud ako kasi sumasalipadpad na naman ang kapa ng pinay. Sobrang haba ng buhok natin, davah?

Eniweys, balik sa pelikula, medyo nakakawindang sya. Feeling mo para syang isang napakahabang psychedelic trip. Yung tipong, tame ang umpisa, tapos kumukulay, o nagiging collage ang mga eksena, tapos makulay ulit, tapos kakalukring ang mga fifol kasi nagso-song en dans, tapos paunti-unti naging tame na naman sya, parang sasabayan ang pagbaba ng amats mo.

Ganun ang tripping ng pelikula. Pero ok pa rin sya. (Akshuli, nakakaaliw yung nagsa-psychedlic ang kulay.) Tapos appear din si Bono, Joe Cocker, Selma Hayek at si Eddie Izzard. Eh nung pinanood namin ito, di ko knows na may mga cameo roles ang mga bakla kaya minsan nagte-take two pa ako ng “Hmmm… Si Selma Hayek ba yun?” At si bossing ang spluk “Si Bono ata ito…”

Magugustuhan nyo ba ang muvlaks? Depende… kung hard core Beatles fan kayo na ang jisip nyo eh wit nang makakakanta ng mga kanta ng mga Beatles kundi ang Fab Four, medyo baka hindi nyo ito feel. Kung medyo olds na kayo at na-aalala nyo at nagustuhan yung Sargeant Pepper’s Lonely Hearts Club Band na pelikula na ang BeeGees at si Peter Frampton ang bida, baka ma-type-an nyo rin itech. So depende sa kumporme talaga.

Pero ako, oks na oks na rin sya. Hehehe, sulit na rin yung impulse buying ko.

(Nakita 14175 beses ng 2965 bisitors)

Kulit Song For “Batman-Knows-Till-When”

Kulit Song – katangi-tanging, kaisa-isang, walang kumakalabang kantang paulit-ulit mong pinatutugtog (kahit sang-rekwa ang CDs o MP3s mo) sa discman o mp3 player o computer o stereo mo na sinet mo na ng “repeat” ang mode sa kantang yun. Na kung may makakarinig na iba either a) dudugo na ang tenga nila o b) mamememorize na rin nila ang lyrics o c) hahagisan ka na ng sapatos nila para tumigil ka na. Na kung live na kumakanta ang singer o banda siguradong paos na paos na sila dahil parang 48 years na dire-diretso mo na silang pinapakanta.

OO na, nababaliw ako. Simula pa ito nung Huwebes nung isang Linggo. Sa kotse, sa tren, sa bus papuntang opis, maghapon sa opis, sa bus, sa tren, sa kotse, pabalik sa bahay, sa PC ko habang gumagawa ako ng template ng gaydess. At eto, Lunes na, nasa opis na ako ulit, habang nabo-blog gumagawa ng program, yun at yun pa rin ang nasa zen kong tumutugtog. Live version pa ito, kaya naman ultimo sigawan memorize ko na ata.

Hanggang Facebook ko, ito ang video na naka-plasta dun (uy, may Facebook ako… hanapin nyo ako dun ha.. “ate sienna” ang pangalan ko dun sa gmail account ko with the same name, dire-diretso).

Mag-ko-concert sila sa Washington, DC sa October at manonood ako talaga!! Isasama ko si Bossing at ako pa ang taya. Basta, kailangan marinig kong kantahin ni Adam Levine ng live itong kantang ito at super kikiligin matutuwa ako habang kumakanta sya. Pramis talaga!

Hanggang kelan ko pakikinggan ng paulit-ulit-ulit-ulit ito??? Hay naku… si Batman lang ang nakakaalam.

O, sige nga, panoorin nyo ito at tingnan nyo naman bakit labs na labs ko itong kantang ito.

Sunday morning rain is falling
Steal some covers share some skin
Clouds are shrouding us in moments unforgettable
You twist to fit the mold that I am in
But things just get so crazy living life gets hard to do
And I would gladly hit the road get up and go if I knew
That someday it would bring me back to you
That someday it would bring me back to you

That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on sunday morning
And I never want to leave

Fingers trace your every outline
Paint a picture with my hands
Back and forth we sway like branches in a storm
Change the weather still together when it ends

That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on sunday morning
And I never want to leave

But things just get so crazy living life gets hard to do
Sunday morning rain is falling and I’m calling out to you
Singing someday it’ll bring me back to you
Find a way to bring myself home to you

And you may not know
That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on Sunday Morning
And I never want to leave

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 25861 beses ng 4466 bisitors)