Spam Musubi And A Summer Salad

7/365 days of blogging.

spam_musubiI know… Spam is not the most healthy food in the planet.  Sa tutuo lang, kung makikita nyo ang sodium ingredient ng Spam, feeling nyo naka-inom na kayo ng isang galong tubig na may isang galong asin sa loob.  In other words, sobrang taas!

Pero paminsan-minsan, masarap kumain nito.  Oo, tutuo ang sabi nila, pang-puting basura (white trash) ang spam dito sa Jameyrika.  Pero, sa Pilipinas naman kaya ako lumaki?  Kaya sa true lang, ang sarap nito kasama ng itlog at sinangag.    At kaya lang ako umiiwas sa Spam, hindi dahil sa sobrang  pang-white trash sya, kundi nga dahil sa sobrang taas na sodium content nya.

Pero kanya-kanya lang yan. Sa Pilipinas, ordinaryo syang ulam. On the other side of the globe sa Hawaii, sasabihin sa inyo ng Hawaiiano parang isa sa staple food nila ang Spam.  At ginagawa pa nila itong musubi.  Ikanga ng Wikipedia:

Spam musubi is appreciated for its taste and portability. A single musubi, usually wrapped in cellophane, can be purchased at small deli-type convenience stores (including 7-Eleven stores) all over the Hawaiian islands, ranging in price from $1 to $2. The 7-Eleven stores include a wide variety of flavors, including a regular Spam musubi and a deluxe Spam musubi (with Furikake). Other variations include a musubi made with fried shrimp, chicken katsu, or pork cutlet instead of Spam.

Spam musubi rice molds are available at many kitchen stores in Hawaii. These molds are a few inches deep with a width and breadth that matches a slice of Spam. One can cut both ends off a small Spam can, to the same effect.

fruitsKaya naman, nung minsang naghahanap ako ng kakaibang pwedeng ipabaon kay Bossing ko, naghanap ako ng recipe sa internet at gumawa ng Spam Musubi.  At dahil nung summer ko ito ginawa, nakagawa pa ako ng summer salad para sa baon ni Bossing. At para masaya, ginamitan ko pa ng mga cookie cutters ang mga prutas.    May korteng bulaklak at stars at butterflies.  Nung binaon nya ito, natuwa ang mga katrabaho nyang mga nurses – ang cute daw ng baon nya.  And if you know kung ano ang itsura ng asawa ko – may bigote, may kabilugan ang katawan at lalaking-lalaki, “cute” is the last word to describe him.

Pero diba, sasabihin nyo bang hindi refreshing – pipino, melon, kerots at oreynjes.  Iniisip ko pa lang ngayon, naiimagine ko nang nasa may deck namin ako, sikat na sikat ang araw, puno ng mga bulaklak ang paligid at naka-backless akong damit.  Ang sarap!

Korak ka dyan,  itong mga araw na ito na sobrang lamig ng hangin, daming snow sa paligid at nag-so-snow jacket pa rin ako, it only makes it more obvious… gustong-gusto ko nang mag-summer.

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 17577 beses ng 4304 bisitors)