Spam Musubi And A Summer Salad

7/365 days of blogging.

spam_musubiI know… Spam is not the most healthy food in the planet.  Sa tutuo lang, kung makikita nyo ang sodium ingredient ng Spam, feeling nyo naka-inom na kayo ng isang galong tubig na may isang galong asin sa loob.  In other words, sobrang taas!

Pero paminsan-minsan, masarap kumain nito.  Oo, tutuo ang sabi nila, pang-puting basura (white trash) ang spam dito sa Jameyrika.  Pero, sa Pilipinas naman kaya ako lumaki?  Kaya sa true lang, ang sarap nito kasama ng itlog at sinangag.    At kaya lang ako umiiwas sa Spam, hindi dahil sa sobrang  pang-white trash sya, kundi nga dahil sa sobrang taas na sodium content nya.

Pero kanya-kanya lang yan. Sa Pilipinas, ordinaryo syang ulam. On the other side of the globe sa Hawaii, sasabihin sa inyo ng Hawaiiano parang isa sa staple food nila ang Spam.  At ginagawa pa nila itong musubi.  Ikanga ng Wikipedia:

Spam musubi is appreciated for its taste and portability. A single musubi, usually wrapped in cellophane, can be purchased at small deli-type convenience stores (including 7-Eleven stores) all over the Hawaiian islands, ranging in price from $1 to $2. The 7-Eleven stores include a wide variety of flavors, including a regular Spam musubi and a deluxe Spam musubi (with Furikake). Other variations include a musubi made with fried shrimp, chicken katsu, or pork cutlet instead of Spam.

Spam musubi rice molds are available at many kitchen stores in Hawaii. These molds are a few inches deep with a width and breadth that matches a slice of Spam. One can cut both ends off a small Spam can, to the same effect.

fruitsKaya naman, nung minsang naghahanap ako ng kakaibang pwedeng ipabaon kay Bossing ko, naghanap ako ng recipe sa internet at gumawa ng Spam Musubi.  At dahil nung summer ko ito ginawa, nakagawa pa ako ng summer salad para sa baon ni Bossing. At para masaya, ginamitan ko pa ng mga cookie cutters ang mga prutas.    May korteng bulaklak at stars at butterflies.  Nung binaon nya ito, natuwa ang mga katrabaho nyang mga nurses – ang cute daw ng baon nya.  And if you know kung ano ang itsura ng asawa ko – may bigote, may kabilugan ang katawan at lalaking-lalaki, “cute” is the last word to describe him.

Pero diba, sasabihin nyo bang hindi refreshing – pipino, melon, kerots at oreynjes.  Iniisip ko pa lang ngayon, naiimagine ko nang nasa may deck namin ako, sikat na sikat ang araw, puno ng mga bulaklak ang paligid at naka-backless akong damit.  Ang sarap!

Korak ka dyan,  itong mga araw na ito na sobrang lamig ng hangin, daming snow sa paligid at nag-so-snow jacket pa rin ako, it only makes it more obvious… gustong-gusto ko nang mag-summer.

(Nakita 17576 beses ng 4304 bisitors)

Sex, Brip at Panti at ang mga Winnie Santos ng Contest Ko

Napapansin ko, kapag buwan ng Hulyo at Agosto, mas madalas sa hindi biglang nawawala ako sa blogosphere. Pinaka-majinit kasing mga buwan ito sa lahat. Sa sobrang init kahit sex, parang nakaka-asiwang gawin sa sobrang dami ng pawis na tatagaktak sa iyo. Pero kapag hindi mo naman nagagawa umiinit ang ulo mo. True yan. Trust me. Tanong nyo na lang si bossing. Kapag walang jug, nagkakainisan kaming dalawa. Hay naku, hindi ko ikakaila talaga yan. Tao lang ako, at matanda na ako. Pwede na akong magsalita tungkol sa sex na hindi na ako mago go-to-the-principal-and-we-will-call-your-parents-in. Kaya ayun, dahil mga dalawang linggo ata kaming tagtuyot dahil sa mga bisitors, mga activities, at toxicity sa trabaho, muntik na akong mag-alsa-balutan at maglakad pauwi ng canada. (mwehehehe… Exagge, pero slightly true, hehehe).

Pero yun nga, mas masarap din ang sex kapag pagkatapos ng tampuhan. Subukan nyo para hindi nyo naman sabihin na walang basis ang konk-klu-shen ko. Teyk keyr lang, wag nyo lang ituloy-tuloy sa jiwalayan ang away. Slight lang na pagkayamot.

Isa pa, kaya ako walang apdeyts, maraming aktibidades sa buwan na ito. Birthday ni bossing ng July 2, 9 si M, si itang, 10, at si bradir, 31. With matching anniversary pa ni inang at itang ng 18. Eh mas lalo na itong taon na ‘to, hindi kami napakali sa bahay ng apat na weekends ng July. Parang ‘Caregiver’ ni Mega, blockbuster hit kami pag weekends! Lagi na lang kaming may mga overnight bisitors. At mistulang parang Eat Bulaga, maraming ekskursyonistas!
Continue reading Sex, Brip at Panti at ang mga Winnie Santos ng Contest Ko

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 21208 beses ng 2939 bisitors)