25 Random Things About Me

“Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.”

O sya, 25 random things about me raw. Simulan na natin, time is gold, eh…

1. Nilangit-langit at pinagnasaan ko ng husto si Richard Gomez at Keanu Reeves.
2. Net-a-holic ako. Kahit 24 oras, basta nasa kondisyon ang utak, pwede akong nakaharap sa laughtaff ko.
3. Marunong pa rin akong mag-derive sa Calculus.
4. Mababaw ang luha ko pagdating sa pelikula at TV shows. Lahat ng touching, iniiyakan ko.
5. Hindi ko pa rin napapanood ang Exorcist, at wala akong balak. Duwag pa rin akong manood ng horror.
6. Takot ako sa ibon. Pwede ko silang tingnan sa malayo pero hindi ko pwedeng makita ang itsura nila. Nadidiri ako.
7. Madaling mag-init ang ulo ko sa mga taong walang konsiderasyon.
8. May road rage ako. Ayaw ko nga kasi ng mga taong walang konsiderasyon – kahit sa daan.
9. Madali akong maawa. Pero minsan pinipigilan ko. Kasi ako naman ang ginagago minsan.
10. Kapag sobra-sobrang tensed o stressed ako, para akong nagne-nervous breakdown. Kaya iniiwasan ko. Nagpapatawa na lang ako para hindi ako mag-isip.
11. Idol ko si Taray at si Mega.
12. Tatlumpo na ata ang pares ko ng sapatos.
13. Labs na labs ko ang mga bading. Kapag bading, malapit sa puso ko.
14. Hindi ako marunong kumanta sa karaoke, sa minus-1 o sa magic sing.
15. Madaling sumama ang loob ko, mas lalo na kapag malapit sa akin ang nakasakit sa akin. At matagal ko ring makalimutan ang pangyayari. At lagi ko syang iniisip.
16. Malungkot ako kapag nag-iisip o malungkot ang asawa ako. At nate-tense ako na kailangan gawan ko ng paraan para hindi na sya malungkot.
17. Gustong-gusto ko nang lumipat ng bahay na matatawag kong sa “amin ni Bossing” – for so many reasons.
18. Wala akong pinapanood sa gabi kundi Family Guy, King of the Hill at Futurama. Wala akong inaabangan na mga TV series.
19. Mahirap akong matulog ng hindi nakabukas ang TV.
20. May pagka-competitive ang nature ko sa trabaho at perfectionist ako.
21. Kuripot ako. Hindi ako bumibili ng hindi naka-sale.
22. Gusto ko ang trabaho ko ngayon. Kung gusto mong mawala ang init ng ulo ko o mawala ang lungkot ko, papasukin mo ako sa trabaho.
23. Namimiss ko ang mga kaibigan ko sa Canada.
24. Magkakaroon ako ng $2.5M, tax-free. Inaayos na ng Universe na makuha ko ito.
25. Takot akong mag-drive sa I-95 at I-695.

(Nakita 21841 beses ng 6047 bisitors)

Imbayts en Tags

Bisi-bisihan ang lola nyo.

Eh piano ang mga chikiting-gubs na sina Pearl en Gabe eh magbi-birthday sa a-beynte-singko. Sik yirshold na si gel, 3 yirshold na si boylet. Disi-otsong mga chuvaneknek na mga bata-batuta na mga kaklase ng Pearl ang imbitado. Kaya ayun, ilang weekends na akong busy sa pag-gawa ng imbiteyshen at kanina naman, yung tags ng loot bags nila ang ginawa ko.

Enjoy akong gumawa ng mga ganito. Gustong-gusto kong nagkakalikot ng mga papel, mga ribbon, at mga istikers. Kaya nga hobby ko rin ang mag-scrapbook. So eniweys, balak kong ikarir ito. Kumukuha lang ako ng mga samples ko at kapag naka-ipon ako ng marami-rami na, baka makapagbukas ako ng online store.

Hekshuli, may onilne store na kaming magsisisterakas. Pero ang manager at chief chuvalulu designer namin eh si Greta. Nung mga 2 weeks ago lang, gumawa kami ni Patring ng isang kit na collaboration naming dalawa.

Kaya ayun. Kung magkatime ako (ma at pa nga lang kung kelan pa yun), harinawang makapagbukas ako ng sarili kong online store ng one-of-a-kind na mga invites at cards-chuvalu. May nagawa na ako dating wedding invitation ng kaibigan ko at mga birthday cards ng mga prenships. May isa pa akong gagawing malaking birthday party para sa isang taon. Pero for now, word of mouth pa lang ang sales talkies ko.

Hemingweys. Excited na rin ako sa birthday ni Pearl en Gabe. Nagdodownload na ako ng mga kantang gagamitin namin. Nung weekend kanda hanap kami ng costume ng lukring na babaeng bagets at wala kaming makita sa thrift store. Kaya nagpunta kami ng BigLots at dun kami nakakuha ng Belle costume! Ang cute-cute. Siguro this weekend kukunan ko si Pearl ng naka-costume.

O sya… sa susunod ulit. May isa pa akong raket na ginagawa. Hehehehe, hirap kumita ng pera. Kaloka!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 28990 beses ng 5145 bisitors)